LAYCA's POV
"Ipaliwanag mo sa'kin ang lahat, Maui" sabi ko sa kaniya.
Napabuntong-hininga siya at tumayo. Naglakad siya patungo sa bintana na ipinagtaka ko naman ngunit natigilan ako nang iharang niya ang kulay pulang kurtina sa naturang bintana at lumingon sa'kin.
"Gusto kong magpaliwanag pero natatakot ako" sabi niya sa malungkot na tono, "Alam kong magugulat ka at matatakot. I don't want you to stay away from me"
"Hindi kita lalayuan basta, ipaliwanag mo sa'kin ang kailangan kong malaman"
"Saan mo ako gustong magsimula?" tanong nito sa'kin habang pumipili ng iinuming wine mula sa isang estante na punung-puno ng mamahaling mga wine.
"Kung sino ka talaga" sabi ko sa kaniya, "Ikaw ba talaga si Maui?"
"Ako 'yung kaibigan mo, ako 'yung karamay mo sa tuwing may problema ka, ako 'yung nilalapitan mo kapag may mga gusto kang sabihin sa ibang tao pero hindi mo masabi dahil natatakot ka" sabi niya at naramdaman ko naman na parang hinaplos ang puso ko habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay nagsasalin ng alak sa baso, "Oo, ako 'to. Si Mauricius Dela Cruz na naging si Mauricius Tierro dahil sa isang napakalaking katotohanan"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kaniya. Ikinumpas nito ang kaniyang kanang kamay sa baso at saka niya ito hinawakan at uminom.
"Eh 'yung sa demonyong umatake sa'kin n'ung ma-late ako ng uwi? Ano 'yun?" tanong ko naman sa kaniya.
Napakarami kong tanong na gusto kong sagutin niya ngayong gabi at wala akong paki-alam kung magmukha man akong desperada sa paningin niya. Siya naman ang dahilan kung bakit desperada akong malaman ang buong katotohanan tungkol sa kaniya. Napabuntong-hininga ako dahil sa na-isip at muli kong ibinaling sa kaniya ang aking paningin.
"Ako 'yung nagligtas sa'yo. Sinundan kita n'ung gabing 'yun para masiguro kong ligtas kang makaka-uwi dahil malakas ang kutob ko na may mangyayaring masama sa'yo" sagot niya saka siya tumayo mula sa mahabang kulay itim na sofa na inu-upuan niya at naglakad papunta sa'kin.
"Kaya alam mo kung saan ako nakatira kasi ikaw at si Mauricius ay iisa?" tanong kong muli sa kaniya.
Tumangu-tango siya bilang sagot saka siya na-upo sa gilid ng kama at inilapag ang baso na may lamang alak sa bedside table nitong kama na hindi ko alam kung sino ang natutulog.
"Pero bakit hindi mo sinabi?" tanong ko sa kaniya. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kaniya. Agad ko 'yung pinunasan, "Pinagmukha mo akong tanga"
"I'm so sorry about what you are feeling right now" sabi niya at malungkot na malungkot ang tono ng kaniyang pananalita habang nakayuko at hindi makatingin sa'kin, "I didn't mean it. Ang akin lang naman, I want you to realize na hindi lahat ng umaalis ay bumabalik"
"Pero sana, sinabi mo pa rin"
"Kapag sinabi ko, ano ba ang magiging reaksyon mo?" tanong nito sa'kin na ikinatigil ko naman. Hindi ako nakasagot at napalunok pa nang dahil sa tanong niyang 'yun. Bumuntong-hininga siya, "May gustong pumatay sa'kin at kaya ka nila gustong patayin ay para mamatay ako"
"Bakit ka naman nila papatayin?" tanong ko sa kaniya.
"Because I'm the only one who can save the whole humanity in this generation, Layca" sabi niya, "Kailangan kong ipakita na wala akong kinatatakutan para hindi nila ako mapatay basta-basta"
"Ano ka ba talaga? Ano'ng pinagsasabi mong ikaw ang magliligtas sa sangkatauhan? Diyos ka ba?" tanong ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung nakatulong ba talaga para sa'kin ang pagiging desperada na malaman ang buong katotohanan mula sa kaniya o baka mas lalo ko lang ginugulo ang isip ko kung saan magigising na lang ako at malalamang panaginip lang pala ang lahat ng ito at bunga lang ng mga napanood kong fantasy movies.
BINABASA MO ANG
The Half Blood Prince [COMPLETED]
FantasíaDate Started : February 20, 2020 A half blood will always be a half blood. Kapag sinabing half blood, palaging mga taong may superpowers ang nai-isip natin pero kay Mauricius, ang pagkakaroon ng ganitong katangian ay hindi maituturing na normal at m...