MAURiCiUS' POV
Nandito na ako sa bahay dahil wala akong balak na mag-overtime sa office. I can do what I want and no one can stop from doing that.
I sighed while signing some papers and documents na kailangan na raw ng pirma ko. Ang dami naman nila.
I grabbed my coffee and took a sip pero kahit isang patak ay wala akong na-inom kaya agad kong tiningnan ang laman ng mug na hawak ko to see kung bakit wala akong na-inom eh kaka-timpla ko pa lang naman nito. I can also feel the coldness from this mug nang hawakan ko siya kanina.
Nagulat na lang ako nang makitang nag-ice 'yung kape. Dahil sa sobrang inis ay ibinato ko 'yun sa kung saan saka ko tinira ng kidlat na lumabas mula sa daliri ko, just to destroy it bago pa man ito bumagsak sa sahig.
Nagkalat ang bubog sa sahig kasama ng natunaw nang kape dahil sa sobrang init ng kidlat na tumama rito.
Inayos ko ang necktie ko at nagpatuloy na ulit sa ginagawa. Ikinumpas ko na lang ng kamay ko at itinapon sa basurahan ang mga bubog since hindi ako kagaya ni Rex na kayang ayusin ang bagay na nasira na.
Nang matapos na ay agad akong dumiretso sa kwarto ko para maligo at matulog na. Malapit nang mag-alas-onse ng gabi and I don't want to stay up late at night kaya agad kong kinuha ang tuwalya ko at pumasok sa CR para maligo.
As usual, sa bath tub ako naligo. Inilublob ko ang aking sarili sa bath tub at ramdam na ramdam ko na ang napakalamig na tubig na bumalot na nga sa aking katawan. Ngunit natigilan ako nang may ma-isip ako.
Ikinumpas ko ang aking kamay dahilan para bumukas ang shower. Ikinumpas ko ulit ang aking kanang kamay na nakatutok sa tubig ng shower na ngayon ay naging ice na. Napangiti ako saka ako agad na umalis mula sa pagkakalublob ko sa tubig.
Itinutok ko ang kamay ko sa tubig na nanggaling sa shower na naging ice. Bumagsak ang pira-pirasong ice sa sahig na natunaw dahil sa tubig na lumabas mula sa shower. Ikinumpas ko muna ang kamay ko para isara ang shower bago ako lumabas ng CR nang may nakabalot na tuwalya sa maselang bahagi ng aking katawan.
Nagbihis ako at nag-suot ng sky blue na suit at nag-anyong kalahating tao at kalahating anghel. Hindi ako pwedeng mag-anyong demonyo dahil hindi ko magagamit ang kapangyarihan ng yelo.
Nag-teleport ako papunta sa napakalaking ilog na sakop ng mansiyon namin. Tumingin ako sa paligid saka ko sinimulang kontrolin at sanayin ang bagong kapangyarihan na natuklasan ko.
Itinutok ko ang kamay ko sa ilog na naging ice. Ngunit nasira iyon ng napakalakas na agos ng ilog. Tumapak ako sa ilog para tumawid sa kabila at nagulat pa ako n'ung una nang maging ice ito pero agad na bumagsak ang paa ko sa tubig nang masira ang yelong tinatapakan ko.
Agad kong itinapak ang isa ko pang paa sa ilog at mabilis na tumakbo papunta sa kabila na nagawa ko naman. Napangiti akong muli.
Kinabukasan, late na akong nagising. Matapos kong mag-ayos ay agad akong lumabas ng kwarto ko para magtungo sa dining area kung saan ko nakita si Dad na nagka-kape habang nagta-type ng kung ano sa kaniyang laptop.
"Gising ka na pala" bungad niya nang hindi man lang tumitingin sa'kin.
"Yeah" maikling sagot ko sa kaniya saka ko umupo at nagsimulang kumain.
"I followed you to the river last night and I was amazed n'ung makita kitang nagpa-practice"
"I found out kasi na I have also the power of ice" sagot ko sa kaniya saka ako sumubo ng kanin.
"Your mother have that kind of power" tumango lang ako.
Alam ko na kung ano ang nangyari sa totoo kong nanay. Pinatay siya ng demonyo na nagkaroon ng balak na patayin din ako. Napatay ni Dad ang demonyo ngunit huli na ang lahat dahil patay na 'yung nanay kong isa palang anghel.
BINABASA MO ANG
The Half Blood Prince [COMPLETED]
FantasyDate Started : February 20, 2020 A half blood will always be a half blood. Kapag sinabing half blood, palaging mga taong may superpowers ang nai-isip natin pero kay Mauricius, ang pagkakaroon ng ganitong katangian ay hindi maituturing na normal at m...
![The Half Blood Prince [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/215568140-64-k452158.jpg)