Chapter Twenty-Six

27 2 0
                                    

MAURICIUS' POV

"Why don't you tell him yourself, Layca?" nakangising tanong ni Jake kay Layca.

Nasasaktan ako dahil sa sinabi ni Jake pero mas lalo akong nasaktan dahil hindi sumagot si Layca. Humalakhak si Jake na talagang ikina-inis ko. Napabuntong-hininga ako at tinanong ulit si Layca.

"Totoo ba?" tanong ko sa kaniya.

"Oo" sagot niya, "Pero—"

"Pero ano?" tanong ko sa kaniya na ikinatigil niya, "Akala ko hindi ka marunong manakit pero bakit nagawa mong saktan ako?"

"Hindi ko 'yun sinasadya, Maui" sagot niya sa'kin, "Pagkatapos nito, magi-explain ako"

"Mag-explain ka na ngayon" sabat ni Jake, "Baka patayin kita agad, edi hindi niyo naayos 'yung relasyon niyong tragic din naman ang ending" at humalakhak pa ito.

"Ano'ng nakakatawa d'un?" nagtatakang tanong ni Rexus sa kaniya.

"Shut up" mabilis na sabi ni Jake kay Rexus na tumahimik din naman.

"Maui, maniwala ka sa'kin. Aksidente lang 'yun nangyari kasi akala ko, siya talaga ikaw"

Napabuntong-hininga ako. Kailangan ko munang isantabi itong nararamdaman ko dahil ang kailangan ko ngayon ay iligtas ang lahat ng tao mula sa kamay ng demonyong ito. Naramdaman ko ang pagkamatay ni Andreus at dahil mag-isa na lang siya ngayon ay paniguradong mamamatay na siya.

Tumingin ako kay Jake na nakangisi habang nakatingin sa'kin na tila inaasahan nito ang pagiging demonyo ko. Well, ito naman ang kailangan ko para mapatay siya. Agad na kumawala ang tunay kong anyo; kalahating anghel at kalahating demonyo.

Nagpakawala ako ng bolang apoy na agad niyang sinalo at pinaikut-ikot sa kaniyang kamay at buong lakas na ibinalik sa'kin. Hindi ko inakalang magagawa niya 'yun kaya tumama sa'kin ang apoy at bumagsak ako sa sahig, samantalang ang apoy naman ay tumama sa puno dahilan para masunog ito.

"Hindi ka na sisikatan ng araw, Mauricius" sabi niya saka siya lumutang sa ere at nagpakawala ng napakaraming kidlat mula sa kalangitan na mabilis kong inilagan.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano niyang nakuha ang lahat ng kapangyarihan ng demonyo. Ang lahat-lahat ng kapangyarihan na tanging ang mga demonyo lang ang pwedeng magpakawala ay nasa kaniya at para sa'kin, hindi 'yun nakakamangha. Nagpatuloy pa ang mga kidlat na tumama sa lupa ngunit ni isa ay hindi ako tinamaan.

Tumawa ito at mas pinarami pa ang mga kidlat na halatang sa akin ang patama. Natamaan ako sa paa ngunit wala 'yong nagawa kahit sugat man lang. Agad kong sinunggaban ang leeg ni Jake para sakalin.

Kinaladkad ko siya sa lupa hanggang sa nakalayo na kami mula kina Layca at Rex. Huminto ako sa ilog na nasa ilalim ng tulay at agad siyang ibinalibag sa tubig ng walang kahirap-hirap ngunit agad siyang naglaho at mabilis na ikinumpas ang kaniyang mga kamay. Nakita kong nagsilutangan ang mga malalaking tipak ng bato na nasa likuran niya at agad akong pinagbabato.

Agad naman akong lumipad at tinira ng kidlat ang mga batong ibinato niya sa'kin, dahilan para mawasak 'yun at kumalat sa ilalim ng tubig.

"Magaling ka nga, mas magaling naman ako" sabi niya at agad na naglaho kaya agad akong naglaho bago pa man siya makarating sa harapan ko.

Mabilis akong napunta sa likuran niya at sinipa siya sa likod. Tumawa ako dahil muntik na itong malaglag sa tubig. Nakita ko ang paglabas ng liwanag ng apoy mula sa kamay niya kaya agad akong nag-teleport at agad na nagtungo sa likuran niya habang siya naman ay tinitira ako ng apoy sa part kung saan ako nanggaling kanina kahit wala na ako doon.

The Half Blood Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon