Chapter Seventeen

36 2 0
                                        

LAYCA's POV

Linggo ngayon at kasalukuyan akong nagwawalis sa labas ng bahay dahil sa wala akong magawa. Hindi ako makaalis dahil walang magbabantay kay Arthur. Ewan ko ba kay Mama, ang tanda-tanda na ni Arthur pero kailangan pang bantayan.

"Arthur" tawag ko sa kapatid ko na kasalukuyang nagre-review para sa nalalapit nilang Periodical Exam.

Tumingin siya sa'kin, "Bakit 'yun 'te?" takang tanong niya sa'kin at inayos ang suot niyang salamin.

"Kumuha ka ng 500 sa wallet ko, bumili ka ng coke 'tsaka tinapay. 'Yung barya, kailangan tagbe-bente para may baon ka bukas" sabi ko sa kaniya.

Agad siyang tumayo mula sa inu-upuan niya at patakbong pumasok sa loob ng bahay. Makalipas ang ilang saglit ay lumabas ito hawak ang pera. Mabilis siyang nagpaalam sa'kin at patakbong lumabas ng gate samantalang ako naman ay ipinagpatuloy lang aking ginagawa.

Napatingin ako sa labas ng bakuran namin nang mapansin ko na may dumaan. Napahinto ako sa pagwawalis at napangiti, "Jake!" tawag ko kay Jake nang dumaan ito ngunit parang wala ito sa wisyo.

Nakapagtataka lang din na nakasuot siya ng suit eh wala namang pasok ngayon dahil Linggo. Nawala ang ngiti sa mukha ko nang hindi ako nito pansinin at patuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

Nagkibit-balikat na lang ako at inisip na baka hindi niya ako narinig dahil isang beses ko lang siyang tinawag.

Lumipas ang minuto at kasalukuyan na ako ngayong naka-upo sa upuan habang nakatingin sa tumpok ng mga dahon na ngayon ay tinutupok na ng apoy. Ngunit nagulat ako nang mamatay ang apoy dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan. Napamura ako dahil sa inis saka ako mabilis na tumakbo papasok sa bahay.

"Ate!" bagaman malakas ang buhos ng ulan ay dinig na dinig ko pa rin ang malakas na pagtawag ni Arthur sa'kin.

"Bastos ka!" sigaw ko sa kaniya nang pumasok ito sa loob ng bahay dahilan para mabasa ang sahig, "Magbanlaw ka at mop-in mo 'to pagkatapos mo"

"Sorry, ate" sabi nito saka siya tumingin sa mga mata ko, "Pero ate, nakita kong may nakaparadang itim na sasakyan sa harapan ng bahay nila Kuya Maui. Bukas ang gate 'tsaka pintuan ng bahay"

Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya habang ini-isip kong bumalik na si Maui. Bumalik na ang taong mahal ko.

Isang malakas na putok ang narinig ko at kusang gumalaw ang mga paa ko. Patakbo akong lumabas ng bahay at hindi inalintana ang napakalamig na tubig-ulan na tumatama sa aking balat. Wala akong paki-alam kung malunod pa ako sa tubig-ulan na 'to, ang importante sa'kin ngayon ay makita ko ang taong mahal ko, at 'yun ay si Mauricius.

"Ate! Magpayong ka!" narinig kong sigaw ni Arthur pero hindi ko siya pinakinggan. Maski ang lingunin siya ay hindi ko ginawa at nagpatuloy lang sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa bahay nila Mauricius.

Napahinto ako at napatingin sa itim na limousine na nakaparada sa harapan ng bahay. Nagpatuloy ako at mabilis pumasok sa loob ng bakuran nang hindi man lang ginagalaw o hinahawakan ang gate na bahagyang nakabukas.

Katulad nga ng sinabi ni Arthur kanina, nakabukas ang pintuan at hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok sa loob ngunit agad akong natigilan.

"Ahhhhhhh!" tili ko nang makita ang bangkay ng isang lalaki na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili nitong mga dugo.

Napatingin ako kay Mr. Tierro na naka-upo sa isang kahoy na upuan. Natatandaan ko 'tong upuan na 'to, ito 'yung iniregalo ko kay Mauricius noon. Kahit na ang pangit ng pagkakagawa ay tinanggap niya pa rin at ginamit. Ngunit hindi na siya ang naka-upo sa upuan na 'yun.

The Half Blood Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon