LAYCA's POV
"Mauricius Tierro"
Natigilan ako dahil sa pangalang narinig ko. Ngunit nagkibit-balikat na lamang ako dahil iba ang apelyidong narinig ko.
Hindi inabot ng minuto at bumukas na ang pintuan ng elevator. Naglakad kami patungo sa napakalaking pintuan na nasa dulo ng hallway.
Inayos nito ang suot na salamin at necktie bago niya kinatok ang pintuan ng opisina kung saan nakalagay ang plate na nakadikit sa pintuan.
"Come in" natigilan ako at nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang napakagandang boses nito.
Pinihit ng lalaki ang doorknob at binuksan. Naglakad na siya papasok sa loob kaya agad akong nabalik sa ulirat. Tumango lang ako bago ako sumunod sa kaniya. Nakatalikod sa'min ang recliner na inu-upuan nito.
Isinara ng lalaki ang pintuan at saka niya inilagay ang white folder sa ibabaw ng desk ng boss namin.
"Sir, here's the new secretary" sabi ng lalaki.
"You may now go" malamig na sabi nito.
"Yes, sir" yumuko ang lalaki saka siya tumingin sa'kin ngunit hindi ito nagsalita at naglakad lang palabas ng opisina.
Sinundan ko pa ito ng tingin hanggang sa isarado nito ang pintuan ng opisina. Unti-unti kong nilingon ang boss namin ngunit nagulat ako nang makitang nasa harapan ko na ito.
Mahaba ang kaniyang itim na itim na kulay ng buhok na humaharang sa kaniyang kaliwang mata. Tiningnan ko ang kaniyang kanang mata at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang kilala ko kung sino siya. Hindi ko siya kilala pero sinasabi ng isip ko na kilala ko siya.
"S-Sir—"
Iniharang niya ang kanang hintuturo nito sa bibig ko saka niya inilayo ang kaniyang katawan mula sa'kin at nag-ayos ng tayo.
Inayos niya ang necktie niya na blue and white slant stripes na bumabagay sa suot nitong white long sleeves at kulay navy blue nitong coat at pantalon.
Naglakad siya papunta sa desk niya at kinuha ang white folder na inilapag kanina n'ung lalaki. Binuksan niya 'yun at mabilis na isinara pagkalipas ng halos limang segundo, "So you're Layca Reymundo"
"Y-Yes, sir"
"I am Mauricius but I want you to call me Mr. Tierro" sabi nito at tumango naman ako bilang sagot.
Hindi siya si Mauricius. Napakalayo ng katangian niya kay Mauricius. Kapangalan niya lang si Mauricius.
"Hey, I'm talking to you" sabi niya dahilan para matauhan ako at wala sa sariling napatangu-tango, "Are you deaf?!"
"N-No, sir" sagot ko sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya saka niya pinakalma ang kaniyang sarili. Naglakad siya patungo sa kaniyang recliner, hindi ako nakatingin sa kaniya at pinakiramdaman ko lang.
Nanatili akong nakayuko at napakabilis na ng tibok ng puso ko. Siguro nga ay tama ang sinabi ng isa sa mga babaeng maga-apply sana rito sa kompaniya na 'to— Hindi! Masungit talaga siya.
"Masungit" madiing bulong ko.
"What did you just said?" tanong nito sa'kin na halatang pinipigilan nitong magalit.
"N-Nothing, sir" sagot ko sa kaniya. Alam kong nauutal ako, paano'ng hindi ako mauutal eh nakakaramdam na ako ng takot sa lalaking ito?
"Get out. Just show up tomorrow morning. I don't like late person" sabi niya saka siya napahilamos sa kaniyang mukha, "And I hate goodbyes"
BINABASA MO ANG
The Half Blood Prince [COMPLETED]
FantasyDate Started : February 20, 2020 A half blood will always be a half blood. Kapag sinabing half blood, palaging mga taong may superpowers ang nai-isip natin pero kay Mauricius, ang pagkakaroon ng ganitong katangian ay hindi maituturing na normal at m...
![The Half Blood Prince [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/215568140-64-k452158.jpg)