Chapter Three

81 6 0
                                    

MAURICIUS' POV

"Mauricius Dela Cruz!"

Natural na nanlaki ang mga mata ko at agad na naglakad papunta sa harapan. Tinanggap ko ang korona na pang-hari at trophy tsaka certificate.

"What are you two feeling right now?" tanong ng emcee saka nito itinutok ang mic na hawak nito sa mga bibig namin.

"Great!" nakangiting sabi ni Layca saka siya tumingin sa'kin at niyakap ako.

Pero nagulat ang lahat, maging si Layca ay agad na kumalas sa pagkakayakap sa'kin saka kami tumingin kung saan nakita namin si Daniel na parang hiyang-hiya dahil talagang hinihiya siya ng isa sa mga judges.

Itinapon sa kaniya ang sandamakmak na pera na nakalagay pa sa briefcase saka niya padabog na ibinagsak sa sahig.

"Hindi ako bayaran" sigaw ng judge na sa pagkakaalam ko ay isa raw napakayamang tao, "Mas mayaman pa ako sa pamilya niyo at kaya kong doblehin o triplehin o kahit ten times ko pang paramihin ang pera na 'yan, kaya ko"

Tinalikuran niya si Daniel saka siya mabilis na bumaba ng stage pero bago ito umalis ay nakita kong tumingin ito sa'kin at kinindatan ako.

Nakita kong dumaan ito sa gilid ng stage at dahil sa matinding kuryosidad ay agad akong bumaba ng stage at sinundan siya. Narinig ko pang tinawag ako ni Layca pero hindi ko siya nilingon at nanatiling nakasunod sa judge na ngayon ay naglalakad papunta sa magubat na likod ng stage.

Napa-isip naman ako kung bakit siya pumunta sa ganitong klase ng lugar.

Parang hindi niya naman ako napapansin kaya nagtuluy-tuloy lang ako sa pagsunod sa kaniya hanggang sa bigla itong huminto at lumingon sa kinaroroonan ko kaya agad akong nagtago sa likod ng isang napakalaking puno ng mangga at sinilip siya.

Tumalikod na itong muli at nanlaki ang mga mata ko nang makitang magbago ang kaniyang anyo. Para na ako ngayong nanonood ng fantasy movie dahil sa nakikita ko ngayon. Naging isa siyang itim na nilalang pero para siyang robot dahil sa hitsura niya, pero nagulat ako nang makita ko ang mga sungay at napakapulang mga mata nito.

Nasira na nga ang suot nitong suit na agad niyang sinunog sa pamamagitan lang ng paghawak niya rito. Mabilis 'yong natupok at kasunod n'un ay ang paglabas ng pakpak nito na talagang napaka-astig. Itim ito at parang sa paniki.

Nagsimula na siyang iwasiwas ito at agad na lumipad hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"Ahhhhh!" napasigaw ako nang may biglang humawak sa kanang balikat ko at nang lingunin ko ito ay nakita ko si Layca na nakatayo sa likuran ko. Tumawa ito ng malakas.

"Tara na" natatawang sabi nito, "Nai-ihi ka na pala, hindi ka man lang nagsabi" dagdag pa niya saka kami naglakad pabalik sa gym kung saan halos wala na ring mga tao.

"Ma" naglakad ako palapit kay Mama na niyakap ako ng mahigpit at saka ako ngumiti sa kaniya nang kumalas na siya mula sa pagkakayakap sa'kin.

Napatingin ako sa bungad ng gym nang makita ko si 'Tay Berting, ang kapitbahay namin na may tindahan. Humahangos ito at talagang pinilit na tumakbo papunta dito sa gym.

"Mauricius, hijo" tawag ni 'Tay Berting sa'kin.

"Bakit ho?" takang tanong ko sa kaniya at nang tingnan ko si Layca ay hindi ito makapagsalita at parang bang gulat na gulat bagaman nakakunot ang noo nito na para bang nagtataka.

"Ang nanay mo, nabangga ng sasakyan" sabi ni 'Tay Berting dahilan para matigilan ako, "Patay na siya"

"Patay? Eh nandi—" natigilan ako nang humarap ako sa pwesto ni Mama kanina pero hindi ko siya nakita at wala na siya doon. Luminga-linga pa ako sa paligid ngunit hindi ko siya nakita. Humarap ako kay 'Tay Berting, "Saan nagpunta si Mama?"

The Half Blood Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon