LAYCA's POV
Gabi na, maaga akong umuwi kanina dahil hindi maganda ang aking pakiramdam. Feeling ko, nilalagnat ako pero hindi naman ako mainit at walang ni isang sintomas na may lagnat ako. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko habang pinipilit ang aking sarili na matulog.
Wala rin naman dito sa bahay sina Arthur at Mama dahil pumunta sila sa birthday party ng pinsan namin. Hindi naman ako nakasama kahit gustung-gusto ko dahil pinagbawalan ako ni Mama at sinabihan na magpahinga. Siguro ay tuwang-tuwa ngayon si Arthur habang kumakain ng Spaghetti.
Tapos na ang libing ni Jake noong nakaraang linggo at walang nakita ang mga pulis na ebidensya para idiin ako sa kasalanan na hindi ko ginawa. Alam ko ang nangyari at kilala ko kung sino ang pumatay kay Jake. Sinasabi ni Arthur sa'kin na nahimatay raw ako n'ung Linggo habang nagwawalis sa bakuran namin. Maging si Daniel ay gan'un din ang sinasabi dahil siya raw ang nagbuhat sa'kin papunta sa kwarto ko.
Pero hindi ko sila pinaniwalaan at pinanindigan ko ang paniniwala ko. Alam ko ang nakita ko at hindi ako pwedeng magkamali. Hindi siya panaginip dahil may nararamdaman ako. Naka-usap ko pa nga si Mr. Tierro, eh.
Napabuntong-hininga ako at napatingin na lang sa bintana ng kwarto namin nang mapansin kong may nakasilip sa'kin doon at nagulat ako nang biglang mabasag ang bintana naming gawa sa jalousy. Nakarinig ako ng pagaspas papasok sa loob ng kwarto ko.
Agad akong nagtalukbong ng kumot. Hindi ako makagalaw at napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang maramdaman ang matulis nitong mga kuko na animo'y gusto niya itong ibaon sa balat ko.
"Alam kong hindi ka tulog, Layca" totoong demonyo ang boses nito at napapikit na lamg ako nang mariin nang ibaon niya ang kuko niya sa tagiliran ko. Sobrang haba n'un at bumaon 'yun hanggang sa laman ko.
"Ahh!" daing ko at agad kong inalis ang kumot na nakatalukbong sa'kin dahil sa sobrang init na nararamdaman ko.
Nakapatay ang ilaw dito sa loob ng kwarto namin ni Arthur at tanging ang ilaw lang mula sa labas ang nagiging liwanag ko para makita kung sino ang demonyong ito.
Tinanggal nito nang dahan-dahan ang kuko nitong nakabaon sa tagiliran ko habang tumatawa. Sobra na ang takot na nararamdaman ko ngunit hindi ko magawang mahimatay na lang basta-basta.
Hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng demonyo at sana ngayon, may magligtas sa akin kahit na hinihiling ko na sana, mamatay na lang ako bigla.
Sinakal niya ako, "Akala mo, magiging iyo si Andreus. You wish!" hinigpitan nito ang pagkakasakal niya sa'kin.
Pilit kong tinatanggal ang kamay niya na nakahawak sa leeg ko ngunit hindi ko magawa. Masiyado siyang malakas. Naglakad siya at itinulak ako sa pader habang sakal-sakal niya pa rin ako. Unti-unti niya akong ini-angat hanggang sa hindi ko na maramdamang nakatapak ako sa sahig.
Namumula at tila naga-apoy ang mga mata niyang nakatingin sa'kin na mas nakakadagdag sa takot ko. Hindi ko alam kung sino siya, wala akong idea kung sino siya at kung makakaligtas man ako sa kaniya, hinding-hindi ako magkakaroon ng oras para kilalanin siya.
"Ahh!" daing nito at nagulat pa ako nang muntik nang tumama ang matulis na dulo ng espada na gawa sa yelo sa mukha ko.
Huhugutin sana 'yun ng kung sino man mula sa likod niya ngunit nagulat ako nang hilahin niya ang ulo ko patungo sa matulis na dulo ng espadang pumatay sa aming dalawa.
MAURICIOUS' POV
"Layca?" napatingin ako kay Layca na nakasubsob ang mukha sa espada na nakatarak sa dibdib ng kung sino mang demonyo na umatake sa kaniya. Doon ko lang napagtantong bumaon sa ulo niya ang espada ko na agad kong tinunaw at naging tubig.
BINABASA MO ANG
The Half Blood Prince [COMPLETED]
FantastikDate Started : February 20, 2020 A half blood will always be a half blood. Kapag sinabing half blood, palaging mga taong may superpowers ang nai-isip natin pero kay Mauricius, ang pagkakaroon ng ganitong katangian ay hindi maituturing na normal at m...