Naririto kami sa labas ng mansion para haranahin si Rose. Kasama ko ang tatlong anak ni Pedro at maging s’ya. Bawat isa ay may gitara habang ako naman daw ang kakanta.
Kagabi ay nakagawa ako ng isang tula at nilapatan iyon ng medyo mahalumanay na tono ni Pedro. Ang galing n’ya pagdating roon at agad ko s’yang hinahangaan.
“Binibini ako’y naririto sa labas ng iyong tahanan
Walang ibang nais kundi ang puso mong tangan
Kung ikaw ay isang bituin na s’yang inaabot sa kalangitan
Asahan mong gagawin ko ang lahat para maabot ka lamang,“Sa bawat ngiti mo’y para bang mga diyamanteng kumislap
Ngunit ang ganda nito ay higit pa sa ginto ang sukat
Sapagkat para ba itong tubig
Na sa buhay ng puso ko’y nagpapalawig,”Napasilip s’ya sa bintana at nagulat s’ya sa kanyang nakita. Bumungaw rin ang kanyang ina na para bang sinasabi kay Rose ngumiti ka kaya ngumiti ito ng bahagya.
“Ang puso ko ay sayo lamang iaalay
Para bang sa bawat pagkagutom at pagkauhaw
Ang makakapawi ay pag-ibig mong taglay
Kaya ngayon naririto at pag-ibig ko’y sayo nililinaw,“Sa bawat pintig ng puso na sinisigaw na ikaw…
Ang s’yang kailangan ko sa buhay kong dati ay kay tamlay
Marahil noon wala ka pa at ‘di pa natatanaw
Ngunit ngayong nakita ka puso ko’y sayo ‘di na mawalay…“Dalawang salita na sa’yo ko pa lamang sasabihin
Mga salitang sasambitin sa unang pagkakataon
Sa bawat oras nais kong iyong alalahanin
Na ‘mahal kita’ ang dalawang salitang ‘yun.”Lumingon ako kila Pedro at nginitian nila ako. Mukhang tama lang ‘yung kanta at tono ko. Ilang oras kong pinag-isipan ang mga salita ngunit para bang ang pangit ng liriko.
“Pumasok ka sa loob heneral,” imbita ni Donya Juana at malaki ang ngiti nito.Pumasok ako sa loob at umupo sa harap nila Kapitan Henry, Donya Juana at Binibining Rose. Ngunit nasaan si Binibining Juliana, mula noong nagpadala ako ng sulat ay wala pa s’yang tugon.
“Kung inyong mararapatin, maaari ko bang malaman kung nasaan si Binibininh Juliana?” nanlaki ang mata nila Rose at Donya Juana habang si Kapitan Henry ay kalmado sapagkat ‘di s’ya nakakaintindi ng tagalog.
“S’ya ay nasa Amerika ngayon at doon na s’ya titira heneral,” sagot ni Donya Juana.
“Napakaganda ng iyong inihandang awitin,” puri naman ni Rose na bahagyang ngumiti.
“O s’ya, Henry, we need to leave them, maybe there’s something they have to talk,” tumayo si Donya Juana saka umakyat at sumunod naman si Kapitan Henry.
“Maglakad-lakad muna tayo Eduardo sa Lawa ng Karikitan,” alok n’ya na agad naman akong tumango at sinundan s’ya sa likod ng mansion.
“Batid mo ba aking sinta ang alamat ng Lawa ng Karikitan?” napatingin s’ya sa’kin dahil sa tanong ko.
“Hindi ko pa iyon naririnig, maaari mo bang ikuwento sa’kin?” mukhang ‘di s’ya pamilyar sa kwento ng matatanda sa bayang ito.
“Ang Lawa ng Karikitan ay sakop ng isang pamilya sa kabilang dako ng lawa. May anak silang babae na ngalan ay marikit. Sa sobrang ganda niya ay lahat nahuhumaling at tinitingala s’ya…” simula ko.
“Isang araw ay may nagtangkang pagsamantalahan s’ya sa gilid ng lawa ngunit sa awa ng diyos ay naisalba s’ya ng isang makisig na mangingisdang lalaki. Umibig sila sa isa’t isa hanggang sa nalaman iyon ng ama ni Marikit kaya ang lalaking mangingisda ay pinapatay at ipinatapon ang bangkay sa gitna ng ilog…” nakatitig lang s’ya sa’kin habang ako naman ay nagkukwento.

BINABASA MO ANG
Totally Obssesed (Completed)
Romantik"Pipigilan ko ang kaligayahan ninyo." Isang katagang madalas marinig sa mga kontrabida, ngunit sa mga salitang 'yan ay may nakatagong masaklap na damdamin. S'ya si Heneral Eduardo Salvacion na umibig sa unang tingin. Kasabay ng pagtugis n'ya sa pu...