Marami ang nalagas sa aming tauhan at marami rin ang nasugatan. Matagumpay ang laban namin sa mga hapon dahil dumating ang Americano dahil nagpadala ng telegraph ang Fort El Melciano roon.
Nakadaong sa Daungan ng San Mendoza ang barkong pandigma ni Heneral Theodore sapagkat dadalo s’ya sa sabay-sabay na pagbasbas ng bangkay ng mga nasawing sundalo mamayang tanghali sa Simbahan ng San Feliciano.
Magsasalita rin ako sa harap ng aming kababayan ukol sa nagaganap na pagsugod ng hapon pagkatapos ng paglibing sa mga bangkay. Magaganap ‘yun sa Plaza de San Feliciano na nasa tapat ng Munisipyo at nasa tabi ng Simbahan ng San Feliciano.
Kahit na wala na ang espanyol, napanatili ng lugar namin ang impluwensya ng mga kastila at ginagalang naman ng Estados Unidos ‘yun. Sapagkat labis na marami ang mag-aaklas kapag ‘yun ay tinanggal nila.
Naka-tingin lang ako sa kalangitan habang umiinom ng kape. Alas-otso pa lamang ng umaga, 20 taon na mula nang mapaslang ang aking ama pero para bang kagabi lang nanyari ‘yun.
Alas-sais ng gabi nang umalis ng bahay ang aking ama upang pumunta sa munisipyo. Limang taong gulang pa lamang ako at walang muwang sa mundo. Mag-aalas syete ng nagsusumigaw ang guardia personal na pumunta sa’min at pinakita ang isang sulat na: “nararapat kang paslangin sapagkat kayong nasa kapangyarihan ay walang ginawa kundi pahirapan kaming mahihirap.”
Ang ama ko ang s’yang nagtaguyod sa San Feliciano dahil sinalo n’ya ito noong namatay ang aking lolo na naging gobernadorcillo ng bayang ‘to. Ngunit laking gulat namin dahil inilabas ng guardia personal ang pugot na ulo ng aking ama sa isang telang sisidlan. Nagulantang ang aking ina gayun na rin ang aming kasambahay.
Halos mahimatay si ina at s’ya ay iyak ng iyak habang yakap ang ulo ni ama. Wala s’yang paki-alam kahit mamantyahan ng dugo ang kanyang suot na damit. Natigilan kami nang marinig ang sunod-sunod na putukan ng baril mula sa labas ng Hacienda Salvacion.
Tumingin sa labas ang pumunta sa aming guardia personal at sinabing ang mga rebelde ay sumugod sa hacienda. Matapos n’ya sambitin ‘yun ay napasigaw kami ng mabaril s’ya at bumagsak sa harap namin kasama ang dugo n’yang umaagos na sa aming sahig.
Ibinilin ako ni ina sa aking taga-silbi na si Mercidita para pumunta sa Fort el Melciano upang sabihin sa heneral ang nanyayari sa Hacienda Salvacion. Ngunit habang tumatakbo kami ni Mercidita papalabas sa likod ng Hacienda, nakita kong pumasok ang mga malalaking tao at nasaksihan ng mata ko ang pagbaril nila sa aking ina sa ulo.
Hila-hila pa rin ako ni Mercidita patungong Fort el Meliciano ngunit hindi na namin naabutang buhay ang mga tao sa loob ng Hacienda Salvacion. Maging ang mga guardia personal ay nakahandusay sa paligid.
Ilang araw makalipas ay dumating ang Amerikano na naging hudyat para mawala ang mga kastila. Gaya ng sabi ng aking ama na huwag akong papasok sa politika ay tumugon ako sa pamamagitan ng pagboluntaryo bilang sundalo ng Amerika.
Mag-isa akong nanirahan sa Haciendang iyon hanggang labing-limang taong gulang ako nang pasukin ko ang pagsusundalo.
“Heneral may bumabagabag ba sa’yo?” nabigla ako nang magsalita si Julio mula sa likuran ko.
“Ayos lamang ako, ako lamang ay nagmumuni-muni,” sagot ko.
“Inihanda ko ang pinakamagarbong uniporme mo heneral, kasama ang iyong medalya,” aniya.
“Maraming salamat Julio, pakidala ang mensaheng sasabihin ko sa Fort el Melciano, nararapat na higpitan ang seguridad sa plaza sapagkat naroroon ang pinunong heneral ng Estados Unidos,” utos ko.
“Masusunod heneral,” tugon n’ya sabay alis sa likuran ko.
Bilang pinunong heneral ng bayan ng San Feliciano, nararapat kong isa-isip ang seguridad ng aking nasasakupan. Sapagkat nasa ilalim ko ang hukbo at ang bayan kaya nararapat ko silang paglingkuran.
----------
“Aking inaanyayahan ang punong heneral sa ating bayan, Heneral Eduardo Salvacion,” tawag sa’kin mula sa entablado.
Kanina hinahanap ng mata ko si Rose ngunit kahit ang ama n’ya na si Kapitan Henry ay wala rito. Pag-akyat ko ng entablado ay inilibot ko ang mata ko ngunit wala ni presensya n’ya ang nakita ko.
“Aking bayang San Feliciano, pinaglaban ng aking ama na si Don Lolito ang bayang ito, aking ipagpapatuloy ‘yun sa pamamagitan ng pagbantay sa bawat isa sa inyo, marahil nalaman ninyo ang pagsalakay ng mga hapon sa katabing bayan natin, kaya aking napagdesisyunan na taasan ang antas ng seguridad ng bayan. Bawat kanto at lugar dito ay nararapat na may nag-iikot na sundalo. Ihahanda ng Fort el Meliciano ang mga kanyon para maging handa sa pag-atake ng mga hapon sa bayan…” simula ko.
“Marahil maraming nalagas sa aming hanay kagabi upang isalba ang bayan ng San Mendoza. Kami ay buong pusong nagpapasalamat sa kagitingan ng bawat Pilipino para sa kanilang kapwa Pilipino. Upang tulong sa naiwang pamilya ng mga nasawing sundalong Pilipino, magbibigay kami ng salapi sa bawat pamilya upang pagsimulan ng kabuhayan---” naputol ako nang makitang nagmamadaling umupo si Kapitan Henry na kakarating pa lamang.
“Nakikiramay ako sa bawat pamilyang namatayan, maraming salamat sa paglilingkod nilang wala nang hihigit pa,” panapos ko saka umupo.
Pag-upo ko sinalubong ako ng ngiti ni Kapitan Henry. “You’re too late captain,” ani ko pagkaupo sa tabi n’ya.
“I’m sorry but we are having a small problem about General Diaz at the hospital,” sagot n’ya.
Oo nga pala, sugatan at halos mamatay si Heneral Diaz kagabi nang maabutan naming nakahandusay sa lupa. “How’s General Diaz by the way?” tanong ko.
“He’s fine now, he was in the hospital to strengthen his body from being shot, my two daughter and my wife was there to watch him,” sagot n’ya.
“I want to call General Salvacion and Captain Blue to receive this award from the United States of America,” tawag sa’min mula sa entablado na sinabayan ng palakpakan.
Pero iniisip ko, dalawa pala ang anak ni kapitan. Maaaring kasing ganda rin ni Rose ang kanyang kapatid. Ngunit sana ay umayos na rin ang pakiramdam ni Heneral Diaz.
“I want you to receive this medal of valor General Salvacion,” ani ng tagapagsalita.
Ngunit para bang bumagal ang takbo ng mundo nang makarinig ako ng putok ng baril na s’yang dahilan ng paghiyaw at pagkakagulo ng lahat.
Natumba ako nang biglang nangmanhid ang aking katawan sapagkat tumama ‘yun sa aking tiyan. ‘Di ko agad napikit ang mata ko ngunit nakita kong sinalo ako ni Kapitan Henry. Nakarinig muli ako ng putok ng baril kaya nabitawan ako ng kapitan dahil namilipit s’ya sa sakit ng pagtama ng bala sa kanyang braso.
Nilapitan ako ng mga sundalo para buhatin at nakita ko si Kapitan Henry na may daplis sa braso. Nagkakagulo pa rin ang lahat ngunit biglang nandilim ang aking paningin at wala nang naramdaman pa.
To be continue...
BINABASA MO ANG
Totally Obssesed (Completed)
Romance"Pipigilan ko ang kaligayahan ninyo." Isang katagang madalas marinig sa mga kontrabida, ngunit sa mga salitang 'yan ay may nakatagong masaklap na damdamin. S'ya si Heneral Eduardo Salvacion na umibig sa unang tingin. Kasabay ng pagtugis n'ya sa pu...