KABANATA 6

38 6 4
                                    

Naglalakad-lakad ako sa Hardin Del Salvacion sapagkat maganda ang sikat ng araw. Marahil inaasahan ko rin na tutungo rito si Rose para s’ya ay aking maka-usap.

“Magandang araw heneral,” nanigas ang katawan ko sa nagsalita sa likod ko, ‘di ako makagalaw sa boses na ‘yun, ang boses ni Rose.

“Ma---magandang a---araw rin sa’yo Binibining Rose,” ba’t gan’un ang boses ko? Tapos para bang ‘di ko mapihit ang katawan ko para humarap sa kanya.

“Napakaganda ng araw ngayon hindi ba heneral?” malambing n’yang tono.

“Mukhang maganda ang inyong gising binibini,” nakakapagtaka dahil dati sinusungitan n’ya ako pero ngayon napakabait n’ya.

“Yun ay dahil nakita kita rito,” ngumiti s’ya sa’kin.

“Ha?” ano kayang nakain ng babaeng ito at gan’to s’ya ngayon?

“Marahil may 24 na oras sa isang araw ngunit sa limang segundo pa lamang kita nakikita ay nabuo na ang umaga ko, sana hanggang gabi na,” muli s’ya ngumiti sa’kin.

“Ano ang iyong ibig sabihin?” nagtataka na ako sa babaeng ‘to at para bang nag-iba ang ihip ng hangin.

“Alam kong ikaw ay may pagtingin sa’kin,” napataas ang kilay ko roon. “Kaya maaari bang huwag mo nang itago heneral,” dagdag n’ya.

Masyado bang halata na gusto ko s’ya? Kailangan bang aminin ko sa kanya ngayon sa harap n’ya?

“Ah---eh ‘di naman sa ayaw kita pero,” napatigil ako sa pagtaas ng kilay n’ya. “Oo gusto kita,” napayuko ako sa nasambit ko.

“Aamin ka rin pala, ang dami mong satsat,” humalakhak s’ya ngunit para bang naasar ako roon.

“Binibining Rose,” ani ko habang dalawa kaming nakatingin sa malawak na hardin.

Napabaling s’ya sa’kin at nagtanong, “bakit?”

“Maaari ba kitang ligawan?” natulala s’ya sa’kin habang ako ay para bang nahihiya sa tanong ko.

“Ahhh pwede naman ngunit dapat kay papa ka humingi ng permiso,” aniya.
Para bang nabuhayan ang sarili ko at bahagyang ngumiti habang muling ibinaling ang mata sa mga bulaklak sa lugar na ito. ‘Di ko mapigilan ang sarili kong saya na para bang gusto ko magdiwang.

“Maaari ba kitang yayaing kumain mamayang hapon?” muli s’yang napatingin sa’kin at maya-maya ay ngumiti.

“Oo naman, pumapayag ako sa iyong alok,” sagot n’ya.

“Maraming salamat binibini!” halos mapatalon ako sa tuwa dahil pinaunlakan n’ya ang alok ko.

----------

Agad akong nag-ayos pagdating ko sa bahay. Isinuot ko ang pinakamagarbong uniporme ko bilang heneral. Asul ‘yun na para bang kumikinang ang bawat palamuti lalo na ang medalyang isinabit ko roon sa suot ko.

Ito ang medalyang nakuha ko noong isinama ako ni General McArthur sa Korea at isagawa ang Operation Chromite na isang delikadong operation na layung isawalang bisa ang komunismo kaya nahati ang bansang ito sa hilaga at timog.

“Ihanda ang pinakamagandang karwahe dahil may mahalaga akong pupuntahan,” utos ko at agad naman nilang inilabas ang isang itim na kalesa na may palamuting ginto at may puting kabayo.

“Tumungo tayo sa mansion ng pamilyang Blue ngayon na,” sumakay ako at agad nang tumakbo ang kabayo.

Dapat may nakahanda akong bulaklak pagdating doon! Anong bulaklak ba? Wala akong alam sa panliligaw, anong gagawin ko?

Totally Obssesed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon