KABANATA 35

30 4 3
                                    

“Simulan na ang paghuhukom,” anunsyo ng hukom.

Nakaupo sa gawing kanan ang mga akusado na sila Donya Louda, General Clark, Judge Sylvester at Inspector John. Ngayon ay araw ng paghahatol sa kanila. Ngayong araw na rin ang katapusan ng kanilang ginawang pagpatay.

Tumayo si Mariano sa harapan at sinimulan na ang pagtatanong. “Ikaw ba Donya Louda ang nagpapatay sa magulang ni Heneral Eduardo na si Don Lolito at Donya Maria?” diretsong tanong n’ya.

“Wala akong alam sa mga paratang ninyo sa akin,” sagot n’ya.

“Ito ay liham na natagpuan sa silid ni Don Lolito na naglalaman ng banta,” ipinakita n’ya ang papel na nakita ko sa silid ni ama. “Ito ay siguradong nagmula kay Donya Louda kung ikukumpara mo sa iba n’yang sulat. Parehas sila ng sulat-kamay,” pahayag ni Mariano.

“Hindi ko sulat ‘yan. Hindi totoo ang paratang ninyo!” hiyaw ni Donya Louda dahilan para umalingawngaw ang martilyo ng hukom.

“Tumahimik!” saway ng hukom. “Sige ipagpatuloy mo,” muling pahintulot n’ya.

“Ipinasuri namin ito sa mga imbestigador ang 99 na porsyentong kay Donya Louda ang liham na ‘yan,” iniabot n’ya sa hukom ang liham.

“Darating ang araw na makakaganti ako, lalo na sa buong pamilya ninyo. Kapag ang araw na ‘yun ay dumating, sisiguraduhin kong walang matitira sa buong pamilya mo Lolito,” basa ng hukom.

“At isa pa namin testigo ang nakakaalam ng krimen n’ya, si Heneral Eduardo Salvacion na s’yang ipinadukot n’ya rin noong nakaraang araw,” pahayag naman ni Mariano.

Tumayo ako at pumunta sa upuan ng testigo para tanungin ng kabilang panig. “Nangangako ako sa ngalan ng batas na magsasalita ng katotohanan at puro lamang katotohanan,” sumpa ko.

“Maaari mo bang ikuwento ang nanyari at patunayan mong si Donya Louda ang s’yang nagpatay sa magulang mo at nagpadukot sayo?” tanong ng abogado ni Donya Louda.

“Noong isang araw ay may dumating na sulat pagkatapos akong tambangan ng mga ‘di kilalang rebelde,” inabot ni Mariano ang isang liham sa hukom.

Pinatahimik ng hukom ang lahat saka binasa ang liham, “kung nababasa mo ‘to heneral, ibig sabihin buhay ka pa sa mga oras na ito. Nalagpasan mo ang mga inutusan kong tao para paslangin ka. Pero sa susunod hindi ka na makakaligtas…

“Hawak ko ang pamilya ni Pedro na katiwala mo. Alam kong hindi mo sila papapabayaan dahil malaki ang konsensya mo. Pwes kunin mo sila sa akin kung kaya mo…

“Kapag hindi mo sila ililigtas ay mamamatay sila sa mga kamay ko. At s’ya nga pala, pinahirapan ko lang sila ng unti kaya h’wag kang mag-alala dahil hindi pa nakahiwalay ang mga ulo nila sa kanilang mga katawan…

“Kailangan pumunta ka bukas ng hapon sa Ilog ng Makasalanan. Siguraduhin mong pupunta ka dahil kung hindi, bahala ka na sa konsensya mong babagabag sayo.”

“H’wag ka rin magdadala ng mga sundalo dahil kapag nakaamoy ako ng mga tuta mo ay gigilitan ko sila ng leeg. Wala pa akong ginagalaw sa kanila pero kapag ako nainip, hindi ko alam kung hanggang saan ang mga buhay nila…

“Siguraduhin mong pupunta ka dahil kapag hindi ay magsasaya kaming paglaruan ang mga ulo nila.” Tumango s’ya hudyat para magpatuloy ako.

“Kaya po pumunta ako sa Ilog ng Makasalanan ngunit doon ay dinukot nila ako at pinahirapan. Doon ko rin nakuha ang mga pasa’t galos na ito. Pinatay n’ya rin sa harapan ko mismo ang Pamilya Lumandag ngunit nakatakas kami ng bunsong anak ni Pedro Lumandag,” pahayag ko.

“Paano mo mapapatunayan sa hukumang ito na si Donya Louda ang nagpapatay sa magulang mo?” tanong ng abogado.

“Ikinuwento n’ya sa akin habang pinahihirapan ako,” sagot ko.

Totally Obssesed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon