“Heneral, wala pong banta rito sa ating lugar. Laging nag-iikot ang ating hukbo sa loob at labas ng bayan para masiguradong walang umaaligid,” ani Leomero.
“Mabuti, itaas ang seguridad. Kailangan walang makakapasok ni isa man na hindi tagarito,” utos ko.
“Masusunod po heneral,” sumaludo s’ya saka pumunta sa kanyang mga sundalo.
Mas mabuti nang mag-ingat lalo na’t malaki na ang banta ng mga Hapon sa pagsakop ng bansa. Marahil siguradong maglalaban sila ng Estados Unidos ay nararapat na hindi kami mangi-alam para hindi kami madamay.
Bumalik ako sa kalesa ko dahil mamalengke pa ako ng mga sangkap dahil bukas na nga pala ang kasal namin ni Rose. “Manong, tara na po,” utos ko.
Kailangan kong paghandaan lahat. Hindi naman ako makakapayag na ang mga katiwala ang s’yang bibili dahil ayokong mapagod sila para sa pagluluto bukas.
Nagulat ako nang bigla akong hinila ni Manong patungo sa kabilang tindahan. “Bakit manong? Bakit tayo umalis doon? Bibili tayo n’ung—,” sunod-sunod kong tanong ngunit pinutol n’ya.
“Kailangan nating tumingin sa iba para makakuha tayo ng may mababang presyo—,” naputol ang sinasabi n’ya nang manlaki ang mata n’ya at muli n’ya akong hinila.
Pagtalikod ko, nang-init agad ang dugo ko at tinanggal ang kamay ko sa pagkakabitbit ni manong.
“Ang kakapal talaga ng mga mukha n’yo para bumalik pa rito!” hiyaw ko sa harap ng Pamilya Diaz.
“Ano na naman ang hanap n’yo? Away?” hamon pa ni Donya Louda.
“Ina maghulos-dili ka, heneral patawad sapagkat kami ay inanyaya ni Kapitan Henry para sa iyong kasal bukas,” paliwanag ni Heneral Fernando.
Mukhang ang sama na ng kasal bukas. Ayoko silang makita roon. Ayokong masira ang kasal ko bukas. Tumalikod ako saka bumaling kay Manong Pedro.
“Manong Pedro, kayo na lamang po ang bumili ng mga sangkap para sa putahe bukas, isama n’yo po ang sampo kong sundalo. Babalik na lamang ako sa karwahe at doon ay hihintayin ko kayo. Ayokong masira ang araw ko sa isang demonyo,” bilin ko nang biglang humiyaw si Donya Louda na ikinagulat ng lahat.
“Demonyo? Sinong Demonyo? Kapal ng mukha mong sabihan akong demonyo! Wala kang modo!” halos magbulung-bulungan ang lahat sa paligid sa eskandalong ginawa n’ya.
“Ina maghulos-dili ka,” saway ni Fernando.
Lumapit sa’kin si Heneral Clark na kanina pa nananahimik. Akmang susuntukin n’ya ako nang itaas ko ang kamay ko bilang hudyat na tutukan s’ya ng baril na ginawa naman ng mga sundalo ko.
“Go and try to hit me. Let’s see if you can survive from their bullets. You are not in your place, you are at a wrong town general,” banta ko.
“Heneral Eduardo sumusobra ka na!” hiyaw naman ni Fernando.
“Ako sumusobra? Ayokong makita ang mga pagmumukha n’yo rito sa teritoryo ko. Ayoko ng mga demonyo sa bayan na sinusubukan kong gawing langit,” banta ko saka tumalikod at bumalik sa kalesa.
Bakit ba kasi naririto na naman ang pamilyang ‘yun. Umiinit na naman ang dugo ko. Nanggigigil na ako sa matandang ‘yun.
“Huwag mong itangan ang galit sa puso mo habambuhay,” nagulat ako nang biglang magsalita si Manong Pedro.
“Ang bilis mo po mamili Manong,” puna ko.
“Binilisan ko na dahil kailangan mo pang maghanda para bukas,” sagot n’ya. “Ibababa na lamang kita sa simbahan para ihanda ang lahat,” dagdag pa n’ya.
![](https://img.wattpad.com/cover/215156244-288-k63718.jpg)
BINABASA MO ANG
Totally Obssesed (Completed)
Romance"Pipigilan ko ang kaligayahan ninyo." Isang katagang madalas marinig sa mga kontrabida, ngunit sa mga salitang 'yan ay may nakatagong masaklap na damdamin. S'ya si Heneral Eduardo Salvacion na umibig sa unang tingin. Kasabay ng pagtugis n'ya sa pu...