KABANATA 14

19 5 2
                                    

Naririto ako sa aking silid at tulala sa kawalan. Ang lamig ng simoy sa umagang ito. Tumayo ako saka umupo sa aking lamesa ngunit may napansin akong papel doon.

Darating ang araw na makakaganti ako, lalo na sa buong pamilya ninyo. Kapag ang araw na ‘yun ay dumating, sisiguraduhin kong walang matitira sa buong pamilya mo Lolito.

Paano ‘to napunta rito? Dapat nakuha ‘to ng guardia sibil noon para gamiting ebidensya para mahanap ang mga rebelde. Wala naman akong naaalala na kagalit ni papa noon. Sino naman ‘to?

Ang nagsulat ba nito at ang pumatay sa magulang ko ay iisa? Ngunit paano kung hindi?

Narinig ko ang kalabong ng kalesa’t kabayo mula sa labas. Nang tingnan ko ‘yun sa bintana, napangisi na lamang ako dahil mukhang aalis na sila Tiya Louda sa hacienda.

Dala-dala nila ang bagahe nila at sasakay sa kalesa. Nakakatuwa namang panoorin ang mga ‘to na umaalis. Bumaba ako sa salas ngunit nakita ko agad ang sirang lamesa mula sa kusina.

“Manong Pedro!” tawag ko na agad namang dumating. “Manong Pedro, maaari n’yo po bang ipaayos ang lamesa?” ani ko.

“Heneral, mamaya mismo mapapaayos ko na ‘yan,” tugon n’ya. “Nga pala, may natirang pagkain sa kusina, iinitin ko ba para makakain ka?” tanong n’ya.

“Hindi na po, sa inyo na lang po ‘yan,” sagot ko.

Dumating ang isang sundalo at sinalubong ako ng saludo. “Ipapahanda ko po ba ang kabayo heneral?” tanong n’ya.

“Hindi na, ako na ang maghahanda, magpahinga na muna kayo,” sagot ko at agad akong lumabas ng bahay.

Iba talaga ang simoy ng hangin kapag walang demonyo sa paligid. Pupunta ako sa mansion nila Rose, pupunta kami sa Lawa ng Karikitan para panoorin ang paglubog ng araw mamayang agaw-liwanag.

Pumunta ako sa aking kabayo saka nagtungo sa mansion ng mga Blue. Siguro aanyayahan ko rin silang kumain ng hapunan sa hacienda.

----------

“Magandang araw heneral,” bati ni Donya Juana.

“Magandang araw rin po, naririyan ba si Binibining Rose?” nakangiting tanong ko.

“Naririyan, maupo ka muna,” sagot ni Donya Juana.

“General, how are you?” biglang dumating si Kapitan Henry at sinalubong ako ng ngiti.

“I’m fine, I want to invite you all tonight for dinner,” alok ko.

“Oh sure,” sagot nila. “It’s usual for the future in-laws,” napatawa kaming dalawa.

“Oh Eduardo,” bungad naman ni Rose na agad akong niyakap.

Napatikhim naman si kapitan saka kumalas kami sa pagkakayakap. “Patawad ama,” ani Rose.

“Maglakad-lakad muna tayo sa Lawa ng Karikitan at mamayang gabi ay tutuloy tayo sa hacienda para maghapunan,” ngiting ani ko.

----------

Halos limang oras na kaming magkasawa rito sa pangpang. Pinagkukwentuhan lamang namin ang pinagkakaabalahan namin. Bukas may paligsahan sa pagbaril sa Fort el Melciano at sabi n’ya ay pupunta s’ya.

“Tumingin ka roon,” sambit ko sabay turo sa paglubog ng araw.

Nakita ko ang pagkislap ng mata n’ya tulad ng liwanag ng palubog na araw na tumatama sa tubig ng lawa. Manghang-mangha s’ya gaya ng mga mata n’ya noong nakakita s’ya ng magandang buwan at bituin noong nakaraan.

Totally Obssesed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon