KABANATA 22

14 4 1
                                    

“Heneral! Sumugod po si Heneral Fernando sa liwasan, kailangan ka raw po n’ya makausap,” anunsyo ni Commander Juan.

Ang aga-aga sumusugod s’ya rito. Bakit naman ginugulo n’ya ang araw ko? Dapat nasa pagamutan s’ya dahil pinabugbog ko s’ya kahapon.

“Heneral, patawad kami po ang nabugbog at mukhang nalaman po ni Heneral Fernando na ikaw ang nag-utos,” pagsusumamo ng lima habang nakaluhod.

“Ano? Paanong?” halos pumutok ang ugat ko sa galit. Mga hangal inilaglag ako. “Ihanda n’yo ang kabayo ko ngayon na!” utos ko.

Paano ko lulusutan ito? At baka mawala ang tiwala ng bayan sa’kin. Nakakainis kailangan may madahilan ako. Agad akong sumakay sa kabayo at pinatakbo ‘yun sa Liwasan del Feliciano.

Malayo pa lang ay naririnig ko na ang hiyaw ni Fernando mula sa saradong liwasan, “walang hiya ka Heneral Eduardo!”

“Anong kaguluhan ito?” bumaba ako ng kabayo saka inutusan silang buksan ang liwasan.

“Ang kapal ng mukha mong ipabugbog ako. Gumaganti ka ba dahil hindi ka minahal ni Binibining Rose?” sagot n’ya at akmang susuntukin ako ngunit nagpipigil s’ya.

“Paano ko naman gagawin ‘yun heneral?” siguro magiging hari ako ng sinungaling sa ginagawa ko ngayon.

“Paano? H’wag kang magmaang-maangan heneral! Ang limang tauhan mo pinatay ang sundalong bantay ko habang ako ay pauwi. At nang makita kong pumasok sila ng liwasan ay nakompirma kong ikaw ang nagpautos,” sagot n’ya.

“Hindi ‘yun matibay na ebidensya heneral. Huwag mo akong aakusahan ng bagay na hindi ko kailanman ginawa!” ani ko.

“Anong nanyayari dito Fernando?” boses na matagal ko nang kinasasabikan, si Rose.

“Tingnan mo ‘tong heneral, gustong paghigantihan tayo kaya pinabugbog n’ya ako kahapon,” sagot ni Fernando.

“Sinabing hindi—,” napatigil ako sa malakas na sampal ni Rose sa kanang pisngi ko.

“Tumigil ka na Eduardo paki-usap! Huwag mo na kaming guluhin pa! Mabuhay ka na lamang ng marangya malayo sa’min!” hiyaw n’ya sa harap ko.

Para bang may parte sa akin na gustong bugbugin si Fernando ngunit nangingibabaw ang paghuhulos-dili dahil sa boses ni Rose. Para bang nanigas ang tuhod ko nananatiling kumikirot ang pisngi ko sa sampal niya.

“Palabasin ng bayan na ito si Heneral Fernando! Sinabi ko na sayo na hindi ako ang nagpabugbog sayo,” utos ko.

“Totoo ang kanyang sinabi!” may boses na nanggaling sa may itaas ng pader.

“Ano?” tanong ni Fernando. Lahat kami tumingala sa kanya ngunit hindi ako makapaniwala na ang nagsalita ay Jose Mariano na abogado ng pamilya namin.

“Hindi ko masikmura ang pagiging balisa ni Heneral Eduardo kaya ako ang nagpautos na bugbugin ka,” pag-angkin n’ya.

“Ha? Paano nangyari ‘yun?” pagtataka ni Fernando.

Tumingin sa akin si Jose saka ngumiti ng marahan, “kaya wala kang karapatan na pagbintangan s’ya. Sana Heneral Fernando ay mapatawad n’yo ako, nadala lamang ako sa aking damdamin.”

Humarap sa akin si Fernando, “paumanhin heneral at kayo pa ang aking napagbintangan sa kasalanan na hindi mo ginawa.”

“Ayos lamang ‘yun, saka nga pala, bukas ng umaga gagawin na namin ang pagpapasara ng bayan. Kung may kailangan kayong tulong ay handa kami,” tugon ko.

“Maraming salamat sa iyong kabaitan heneral,” aniya.

“S’ya nga pala, sana mapatawad mo ang kaisa-isa kong abogado,” hiling ko.

Totally Obssesed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon