This chapter only posted for only a short time. It's a thanksgiving gift to my readers... I hope are going to like it...
I considered it as special chapter for this story... I will only post it for two months or more...
-----
(BINIBINING ROSE DE LEON BLUE)
Isang masukal na kagubatan ang s'yang dinaanan namin sakay ng kalesa. Hindi ko pa rin mapigil ang luha ko na para bang babaha sa loob ng karwahe. Hindi ko batid kung anong kapalaran ang naghihintay kay Eduardo sa digmaan.
Inaasahan ko ang kanyang pagbabalik ng buhay. Para sa huling pagkakataon ay mahalikan ko ang kanyang labi at masabing mahal ko s'ya. 'Yung pagkakataon sana na hindi na balakid ang mundo.
Gusto ko s'yang makapiling na para bang walang bukas. Ang pag-ibig namin ang s'yang magbubuklod sa amin sa walang hanggan. Pagtapos ng digmaan, gusto kong muling maikasal sa kanya na wala nang ano mang banta at pipigil sa sumpaan.
Dinig ko pa rin ang mga nakakabinging mga pagsabog at putok ng baril. Nakalabas na kami ngayon ng San Feliciano kung saan naiwan ang aking sinisinta.
"Captain, we can't go further. The Japanese troops was expecting us to go this way. We need to move to the woods and hide in the forest," dinig kong sambit ng isang sundalo. Agad na binuksan ni daddy ang pinto kung saan ay napapalibutan kami ng sundalo.
Ilang saglit pa, nakalayo na kami ng karwahe ay bigla na lamang sumabog iyon. Halos mabali ang likod ko nang tumalsik kami sa kakahuyan. Agad akong napatayo nang makita ko si Ate Julianna na duguan ang noo.
"Ate!" agad akong pumunta sa kanya saka napag-alaman na tumama ang ulo nito sa puno noong tumalsik.
"Rose! Noong una pa lang, sinasalungat na kita kay Heneral Eduardo. Alam mong iniibig ko rin s'ya at isa 'yun sa mga dahilan para lumayo ka sa kanya noon," sambit n'ya.
"Ano ka ba ate? Ano bang pinagsasabi mo? Para kang nanghahabilin," ani ko saka nakita kong pumikit ang mga mata n'ya kasabay ng hindi n'ya paghinga. "Ate? Ate?" tinapik-tapik at inalog-alog ko s'ya ngunit hindi na s'ya muling nagising pa.
"Anak! Dios ko! Anong parusa ang inyong ipinataw sa aking anak!" unti-unting tumulo ang luha ni mommy gayun na rin si daddy. Hindi ko na rin kayang bilangin ang luhang pumapatak sa mga mata ko.
Kahit na ganun, binuhat ni daddy ang walang-buhay na bangkay ni Ate Julianna paakyat ng bundok. Para bang walang digmaang nagaganap dahil para bang walang ingay sa paligid dahil sa aming pagluluksa.
***
Ika-unang araw ng Mayo taong 1942
Natapos ang digmaan dahilan para bumalik kami sa San Feliciano. Kahit na naaagnas na ang katawan ni Ate Julianna ay dala-dala pa rin ni daddy ang bangkay nito. Hindi n'ya ito binitawan kahit na mabaho na ang bangkay. Araw-gabi hanggang ngayon, patuloy pa rin kaming nagluluksa.
Kasalukuyan kaming naglalakad nang marating namin ang Liwasan Del Feliciano. Para bang wala na itong pader at nakakalat pa rin ang mga dugo sa paligid. Nakabalik na rin ang mga mayayamang mga pamilya.
Sakay ng kalesa na kararating pa lamang sa aming harapan. Nailibot ko na ang aking mga mata. Naririto pa rin ang mga sirang palayan, ari-arian at mga bangkay. Pagdating namin sa mansion, aking inaasahan na makikita ko si Eduardo rito ngunit ang laki ng kabiguan ko nang hindi ko s'ya makita.
"Where is General Eduardo?" agad akong lumapit sa isang sundalo para tanungin s'ya. Pumatak ang luha sa mga mata ko nang hindi n'ya sabihin ang salitang buhay.
BINABASA MO ANG
Totally Obssesed (Completed)
Romansa"Pipigilan ko ang kaligayahan ninyo." Isang katagang madalas marinig sa mga kontrabida, ngunit sa mga salitang 'yan ay may nakatagong masaklap na damdamin. S'ya si Heneral Eduardo Salvacion na umibig sa unang tingin. Kasabay ng pagtugis n'ya sa pu...