“Heneral,” nagising ako sa isang bulong.
Pinilit kong imulat ang mata ko para tingnan kung sino, si Juano ang natitirang anak ni Manong Pedro. Paano s’ya nakapunta rito? Delikado.
“Heneral, bilisan mo tatakas tayo,” bulong n’ya.
Kinalagan n’ya ako sa pagkakatali saka inalalayan palabas. Nanghihina ako dahil sa dami ng dugong nawala sa akin. Pinipilit kong lumakad para makaligtas kaming dalawa.
“Heneral, h’wag kang maingay. Ang alam nila ay nanghihina ako kaya hindi na nila tayo binabantayan. May nakita akong daan sa likod para makatakas,” bulong n’ya.
Dahan-dahan kaming lumabas hanggang sa makaalis kami sa abandonadong gusaling ‘yun. Tumambad sa amin ang isang kagubatan, mukhang malayo ‘to sa San Feliciano dahil hindi ‘to pamilyar.
“J-Juano, tumingin ka sa pinakamakinang na bituin na makikita mo sa langit,” utos ko saka pinaikot n’ya ang kanyang mata sa kalangitan. “Kapag nakita mo ‘yun dapat mas mababa ‘yun sa 135 na gradong angulo,” dagdag ko.
“Paano ko malalaman ang angulo ng bituin heneral?” tanong n’ya.
“Kapag n-nakatingin ka ng diretso sa harapan mo ay ‘yun ang 90 na grado at ang pagtingala ng diretso sa kalangitan ay 180 na grado. Kapag nakita mo ang tatlong bituin na magkakatabi na tinatawag nilang Orion ay sukatin mo agad ang angulo,” paliwanag ko.
“Kung ang harap ko ay 90 at sa taas ko ay 180. Ang angulo sa pagitan nila ay 90 at ang kalahati ay 45. Ibig sabihin ang nasa pagitan ng 90 at 180 ay 135,” kalkula n’ya. “Heneral, ‘yun ba ‘yun?” turo n’ya sa tatlong bituin.
“Iyon na nga, sukatin mo,” utos ko.
“Heneral, hindi po s’ya lalagpas ng 135,” sagot n’ya.
“Ibig sabihin kailangan dumiretso lang tayo dahil ang angulo ng bituin na ‘yan sa ating bayan ay 150,” paliwanag ko.
Patuloy kaming naglakad sa matirik na bundok kung saan masakit sa paa ang mga pagtusok ng bato dahil wala kaming sapin sa paa. Wala na ring laman ang aming kalamnan kung kaya’t mas lalo kaming nanghihina.
“Heneral, baka maligaw tayo rito sa kagubatan,” pag-aalala n’ya.
“H’wag kang mag-alala basta diretso lang ang direksyon natin para makauwi na tayo sa atin,” tugon ko.
Ang hapdi ng sugat ko at sa tuwing kailangan namin tumalon, sumasakit ang bali kong braso. Mas lalong lumalalim ang gabi at halos wala na kaming makita sa paligid. Mabuti at nagsanay kami sa ganitong sitwasyon.
“Heneral, ang galing n’yo po pala sa pagkuha ng lokasyon. Lahat po ba ng sundalo marunong n’yan?” hanga n’ya.
“Ang mga mahuhusay na sundalo na sinanay ng ibang bansa ang s’yang marunong sa ganito. Ang pinakamagandang pagkuhaan ng lokasyon ay ang bituin dahil hindi ‘yun umaalis sa kanyang pwesto kada buwan,” sagot ko.
“Matindi po ang sinapit n’yong paghihirap sa kamay nila. Halos buhay pa kayo pero parang patay na,” aniya.
“Patawad Juano, dahil sa akin namatay ang pamilya mo. Kung gusto mo akong sisihin ay ayos lamang sa akin dahil tanggap ko naman na lahat ng ito ay ako ang dahilan,” pagsusumamo ko.
“Ayos lang heneral. Hindi ikaw ang dapat sisihin dahil wala ka naman pong kasalanan. Ang s’yang gumawa ng pagkasala ang s’yang dapat sisihin. Kahit po namatay sila at ginahasa si ate sa harapan namin mismo, hindi kami nagtanim ng sama ng loob sa iyo,” aniya,
“Ano? Ginahasa? Kapag nakauwi tayo, sisiguraduhin ko ang hustisya sa mga inosenteng buhay na nawala,” ani ko.
“Hindi ko po alam kung bakit ang sariling mong tiyahin ang s’yang pumatay sa buong pamilya mo heneral,” pagtataka n’ya.
“Higit na nasisilaw ang tao sa kinang ng salapi. Kapag ang inggit ay nakapasok sa utak ay para itong lason na unti-unting sisira sa pagkatao mo na kahit ang sarili mong kadugo ay s’yang papatay ng walang awa para lamang sa sariling hangarin,” paliwanag ko.
“May mga taong gan’un nga heneral. Noong nasa kabilang bayan pa kami nakatira ay minamaltrato kami ng gobernadorcillo. Mabuti at nakalaya na ang bayan mula sa dayuhan,” aniya.
“Makinig ka sa akin Juano. Hindi pa nakakalaya ang bansa sapagkat para tayong isang hayop na ipinambayad ng Kastila sa mga Amerikano dahil sa natalo sila sa digmaan,” ani ko.
“Ano po ang ibig ninyong sabihin heneral?” pagtataka n’ya.
“Imulat mo ang iyong mata. Ngayon nakikita mo kung gaano kadilim at masalimoot ang mundo pero hindi mo alam na nakapikit ka mula sa mga kasinungalingan. Kolonya na tayo ngayon ng amerika sa nanyayaring digmaan sa Europa,” paliwanag ko.
“Kailan tayo magiging malaya?” tanong n’ya.
“Maraming Pilipino ang may lakas ng loob at may pagmamahal sa inang bayan. Ito ang mga tao na handang isakripisyo ang buhay para maging malaya ang bawat isa,” ani ko.
“Heneral, ‘yun na ang bayan,” turo n’ya sa San Feliciano na tanaw namin mula sa bundok.
“Tara na Juano, baka pinaghahanap na rin tayo nila Tiya Louda dahil tumakas tayo,” tugon ko.
“Tiya pa rin ang tawag mo sa kanya kahit sinubukan ka n’yang patayin heneral?” pagtataka n’ya.
“Kahit na may galit o ano pa man ang ginawa n’ya sa akin. Ang isang kadugo ay mananatili pa ring kadugo. Kahit hindi nila iginalang tayo, nararapat igalang pa rin natin sila sapagkat hindi maaaring mahawaan tayo ng kanilang kasamaan,” sagot ko.
“Heneral dahan-dahan lang baka masaktan ka at marami kang sugat,” pag-aalala n’ya.
“Kailangan na nating umuwi bago pa nila tayo abutan dito. Halos apat na araw na tayong nawawala sa bayan at baka anong nanyari na,” sagot ko.
Kahit na masakit ang katawan at nanghihina, sinubukan naming tumakbo hanggang sa makarating kami sa tarangkahan ng San Feliciano kung saan sinalubong kami ni Leomero.
“Heneral! Buksan n’yo ang tarangkahan!” halatang nagulat s’ya sa kanyang nakitang kalagayan ko. “Heneral, ayos lamang kayo? Anong nanyari sa iyo?” tanong n’ya.
“Kumuha ka ng karwahe at kailangan namin makapunta sa pagamutan ngayon na!” utos ko.
“Bilisan n’yo! Baka kung anong manyari kay heneral! Dalhin na s’ya sa pagamutan!” pagmamadali n’ya.
“Kailangan maisarado ang lahat, kapag may dumating ay paputukan n’yo agad,” utos ko.
“Masusunod heneral!” tugon n’ya.
“Sinong namamahala ngayon sa sandahan ng bayan?” tanong ko.
“Si Kapitan Henry po heneral,” sagot n’ya.
Ito na pala ang plano nila kapag nawala ako. Mabuti at nakatakas ako dahil kung hindi ay baka kung ano na ang nanyari sa bayan. Hindi na dapat ako magtiwala sa bawat opisyales sa lugar na ‘to.
To be continue...
![](https://img.wattpad.com/cover/215156244-288-k63718.jpg)
BINABASA MO ANG
Totally Obssesed (Completed)
Romance"Pipigilan ko ang kaligayahan ninyo." Isang katagang madalas marinig sa mga kontrabida, ngunit sa mga salitang 'yan ay may nakatagong masaklap na damdamin. S'ya si Heneral Eduardo Salvacion na umibig sa unang tingin. Kasabay ng pagtugis n'ya sa pu...