“Heneral h’wag na muna kayong tatayo dahil hindi pa po magaling ang sugat n’yo!” babala ng isang doctor.
“Kailangan na namin umuwi sa hacienda,” sagot ko.
“Hindi po pwede dahil baka kung anong manyari po sa inyo,” aniya.
“Hindi mo ba alam na may banta sa buhay namin dalawa at kapag sumugod sila rito ay madadamay ang mga inosenteng buhay,” sagot ko.
Madaling-araw pa lamang pero pinilit kong gumising para umuwi sa hacienda kung saan ligtas kami ni Juano. Dahil kapag nanatili kami rito ay maaaring sumalakay sila sa pagamutan at madamay ang ibang pasyente.
“Ihanda ang karwahe namin at gisingin n’yo si Juano. Kailangan maraming magbantay sa akin ngayon habang pauwi,” utos ko sa isang sundalo roon.
“Masusunod po heneral,” tugon n’ya.
“Juano kailangan natin bilisan dahil baka natunton na nila tayo rito. Nasa piligro pa rin ang buhay natin,” gising ko sa kanya.
“Heneral, handa na po ang karwahe,” anunsyo ng isang sundalo.
“Opo heneral, tara na po,” napabigwas s’ya ng bangon kahit sugatan pa rin s’ya.
“Siguraduhin n’yong mapapanatili ang seguridad namin dahil may kailangan pa kaming tugisin,” bilin ko.
***
Nakarating kami ng ligtas sa hacienda kung saan nagulat si Julianna nang makita akong punong-puno ng benda sa katawan. “Heneral anong nanyari sa inyo?” pag-aalala n’ya.
“Tama ang lahat ng sinabi mo at nalaman ko na si Tiya Louda ang may pakana ng lahat. Kailangan mahanap natin ang mga ebidensya para madiin sila,” sagot ko.
“Pero paano? Wala tayong pinanghahawakan na ebidensya,” ani Julianna.
“Tatayo akong testigo laban kay Donya Louda,” nagulat kami nang may magsalita mula sa likuran.
“Commander Juan?” pagtataka ko.
“Kasabwat ako ni Donya Louda. Paumanhin heneral dahil dinispatsya ko ang sundalo n’yo noong araw na magtutungo kayo sa Ilog ng Makasalanan,” amin n’ya.
“Ano? Bakit mo ‘yun nagawa?” tanong ko.
“Tinakot n’ya akong papatayin ang buong pamilya ko upang pagsilbihan s’ya at patayin ka. Dahil sa akin ay may nagiging espiya s’ya sa hacienda,” sagot n’ya.
“Hindi sasapat ang isang testigo,” kawalang pag-asa ko.
“Hindi heneral, bago mamatay si ama may sinabi s’ya. Kung sino man ang mabubuhay sa amin ay s’yang may alam kung saan itinago ang liham ni Julio na ipinatatapon mo po noon,” ani Juano.
“Ibig sabihin hindi n’ya pa natatapon? Ibig sabihin, pwede natin magamit ang mga liham para ipanlaban sa kanila? ‘Yung liham ni ina at ang nakita kong kahina-hinalang liham para kaya ma pwede nating magamit,” pagkaalala ko.
‘Yung liham na ina na maaaring magpatunay na kamag-anak namin ang salarin. Ang liham kay ama na nambanta ay pwedeng magturo kay Tiya Louda. At ang liham ni Julio na magtuturo para ilabas ang mga salarin sa pagpatay sa akin.
Ang mga testigo tulad ni Juan na s’yang maglalaglag kay tiya. Ang saloobin ni Juano na s’yang magdidiin sa pagpatay n’ya sa pamilya n’ya. Ang pagtestigo ko at mga pasa’t sugat ko ay maaari kong gamitin. At kung magtetistigo rin si Kapitan Henry ay hindi s’ya hahatulan ng kamatayan at maiipit rin si Tiya Louda.
“Pupuntahan ko bukas si Kapitan Henry. Alam kong takot s’ya kay tiya at kung makukumbinsi ko s’yang kumampi sa akin ay madadagdagan ang tyansang manalo tayo,” ani ko.
“Papasok ako sa kuta nila Donya Louda, Heneral Fernando, Hukom Diaz at Inspector John para kumuha ng ebidensya,” ani Commander Juan.
“Kakausapin ko na rin mamaya si Mariano para sa paglaban sa korte. Magpasama ka sa mga sundalo natin para magmanman commander. Ihanda lahat ng ebidensya Binibining Juana, ang liham na nakalap ko ay nasa lamesa ko sa aking silid,” plano namin.
“Masusunod heneral, ipapasarado ko na ang buong hacienda. Naayos na rin namin ang pader at tarangkahan kaya magiging maayos na ang lahat,” tugon ni Commander Juan.
“Ipatawag si Mariano ngayon na!” utos ko sa isang sundalo.
“Heneral, ‘yang mga sugat mo ay ayos na ba?” tanong ni Juanna.
“Ayos lang ako, kahit medyo mahapdi ay kaya ko pang mabuhay. Unting gulay at babalik ang dati kong sigla, mabuti at nakapagpahinga ako sa pagamutan kanina,” sagot ko.
Ngumiti s’ya ng marahan at parang nakahinga ng maluwag. “Pero nasaan si manong at ang bunsong anak n’ya lang ang nakabalik?” tanong n’ya.
“Pinatay sila sa harapan ko mismo at kami lang ang nakatakas,” bumalik lahat ng alaala na parang kanina lang nanyari.
Tinutugis na ako ngayon ng sarili kong konsensya. Pero totoo bang mahal ako ni Rose kaya n’ya nagawang isuko ang pagkakataon na makasama ako para lamang mabuhay ako?
“S’ya nga pala Binibining Julianna, may alam ka ba sa nararamdaman sa akin ni Rose?” diretso kong tanong.
“Noong nakulong ako sa kwarto ay wala na akong nalaman pa pero noon ay may namamagitan sa kanila ni Heneral Fernando,” sagot n’ya.
“Heneral Eduardo pinatawag n’yo raw po ako sa ganito kaaga?” tumapak sa mansion si Mariano na s’yang abogado ng pamilya namin.
“Oo Mariano, kailangan asikasuhin mo ang lahat para manalo tayo sa hukuman. Siguraduhin mong mapagkakatiwalaan ang tatayong hukom at imbestigador sa darating na paghuhukom kapag nakuha ko na sila Donya Louda,” sagot ko.
“Sige heneral, aasikasuhin ko na sa lalong madaling panahon. May sapat ba kayong mga ebidensya?” tanong n’ya.
“Oo kaya dapat manalo kami at hindi manaig ang kasamaan nila sa korte,” sagot ko.
***
“Magandang araw heneral, mabuti at ayos na po kayo. Anong nanyari sayo?” pangangamusta ni Donya Juana pagtungtong ko sa mansion ng Pamilya Blue.
“Ipinadukot ako ng sarili kong tiyahin. Nga pala, naririyan ba si Kapitan Henry?” tanong ko.
“Opo heneral, maupo ka muna at tatawagin ko po siya,” sagot ni Donya Juana.
Sana makuha ko ang kanyang pagsang-ayon para madiin si Tiya Louda at maibigay ang hustisya sa mga inosenteng buhay na nawala dahil sa kasamaan n’ya. Maya-maya ay bumaba si kapitan at tumayo ako para batiin s’ya.
“Good morning captain, can I ask you something?” bungad ko.
“O sure general, take your seat,” umupo s’ya malapit sa akin at para bang seryoso s’ya ngayon.
“I have enough evidence to make you guilty with my Auntie, Louda. But I’ll give you a choice, since I’m still having my concern to your family, I want you to stand as my witness,” paliwanag ko.
“I don’t know what are you talking—,” pinutol ko ang sasabihin n’ya.
“I know that my aunt frightened you. I promise that you and your family will be safe. By the way, your daughter Julianna was in my mansion, she’s safe. So can you trust me?” ani ko.
“Ah ok, just make sure the safety of my family general and I’ll be your witness,” sagot n’ya.
“I will captain, thank you very much. I’ll make sure that my promise will be grant,” ani ko.
Ngayon kompleto na ang mga alas ko. Oras na para hulihin ang totoong may sala sa batas. Oras na para panagutin s’ya sa mga inosenteng buhay na siniil n'ya.
To be continue...
![](https://img.wattpad.com/cover/215156244-288-k63718.jpg)
BINABASA MO ANG
Totally Obssesed (Completed)
Romansa"Pipigilan ko ang kaligayahan ninyo." Isang katagang madalas marinig sa mga kontrabida, ngunit sa mga salitang 'yan ay may nakatagong masaklap na damdamin. S'ya si Heneral Eduardo Salvacion na umibig sa unang tingin. Kasabay ng pagtugis n'ya sa pu...