KABANATA 1

165 20 5
                                    

Alas-dose na ng tanghali at ako ay naglalakad sa Hardin Del Salvacion na isang parke sa bayan namin. Nababalot ito ng berdeng damo at mga bulaklak na sampaguita at rosas. Tinatahak ko ang batong daanan habang iniikot ang lugar na may puno rin.

‘Di kalayuan aking nasilayan ang isang pamilyar na mukha, nakaupo s’ya sa isang upuan at nakatingin sa malawak na damuhan. Nang aking lapitan ay nakilala ko s’ya agad, si Rose.

“Maaari ba kitang samahan sa iyong pagmumuni binibini?” napatayo s’yang napatingin sa akin na para bang nagulat.

“Heneral, isang magiliw na tanghali, aking pinauunlakan ang iyong alok,” sagot n’ya.

“Sa likod ng iyong lahing amerikano ay magaling ka ring magtagalog,” nakangiting puri ko. “Ako si Eduardo,” pakilala ko pa.

“Ako naman si Rose, heneral,” sunod n’ya.

Napansin ko ang isang aklat na hawak n’ya. Mukhang s’ya ay nagbabasa ng libro ngunit laking hanga ko nang malaman na ‘Noli Me Tangere’ ‘yun. Isang mahusay na nobela ng magiting na tao.

“Nakakahangang nagbabasa ka ng isang nobelang may temang laban sa espanyol,” puri kong muli.

“Ahh pamilyar ka rin pala sa obrang ito,” tugon n’ya.

“Paano ko ‘di mababatid ang isang nobelang mayroong Maria Clarang kasing ganda mo,” paandar ko, ngumiti s’ya nang marahan na para bang ‘di n’ya pinahahalata.

“Ikaw pala ay mapagbiro ginoo,” aniya.

“Ngunit masasabi pa bang biro ang bagay na totoo?” muling paandar ko.
“Anong koneksyon niyon sa Noli Me Tangere?” pang-iwas n’ya.

“Patawad binibini sapagkat masyado akong makulit,” tanging sambit ko na lamang. “Isang magandang nobela mula kay Jose Rizal na s’yang namatay na naging hudyat para sa katipunero na magsimula ng pag-aaklas laban sa Espanya,” dagdag ko.

“Isang malungkot na sitwasyon para sa isang tulad mo na may dugong espanyol,” aniya.

Para bang nang-aasar ang binibining ito. Maaaring iniisip n’yang dahil sa espanyol ako ay may masamang ugaling nakakubli sa’kin.

“Ayon sa nobelang ‘yan, mga mapang-abusong mga prayle at mga uhaw sa kapangyarihang mga mayayaman, ngunit mayroon pa ring mga Don Rafael sa nobelang ‘yan may dugong espanyol,” ani ko.
Napataas ang kilay n’ya sa akin. Siguro ‘di n’ya naintindihan ang nais kong ipabatid sa kanya. Sapagkat ‘di lahat ng may dugong demonyo ay puro kasuklam-suklam, may mga tao pa ring mabuti ang kalooban.

“Iyo pang batid na dating tapunan ng basura itong Hardin Del Salvacion, puno ng dumi at walang makikitang kagandahan dito. 80 taong nanilbihan ang aming pamilya sa bayan na ito nang matalo ang pamilya ng Feliciano. Binili ng aking ama ang lugar na ito sa halagang 45 reyales at sampong pirasong ginto. Pinalinis n’ya ito at tinaniman ng mahalimuyak na bulaklak at ‘di nagtagal ay pinagamit n’ya sa bayan upang gawing pasyalan,” sunod kong sabi.

“Ngunit nakakapagtaka sapagkat wala ka na sa posisyon at sumapi ka ng military ng Estados Unidos?” pagtataka n’ya.

“Marahil iyon lamang ang kagustuhan ng aking ama sapagkat ako na lamang ang natitirang Salvacion sa lugar na ito,” sagot ko.

“Umuwi ba ang iyong magulang sa Espanya?” baling n’ya ng mata n’ya na kanina pa nakatingin sa damuhan.

“Sila ay pinaslang noong limang taong gulang pa lamang ako, naglalakbay ang aking ama patungong munisipyo nang sumugod ang mga rebelde at pugutan s’ya ng ulo,” sagot ko.

Kita sa mukha n’ya ang pagkagulat na may halong awa ngunit para bang kay pagtataka pa rin sa kanya. “Patawad heneral ngunit ang iyong ina?” isa pa n’yang tanong.

“Ang aking ina ay nasiil nang ipadala ng rebelde ang ulo ng aking ama sa mansion, hindi natinag ng mga guardia personal ng aming pamilya ang mga rebelde at sumugod sila sa mansion sa gabing pagdala ng ulo ng aking ama,” sagot ko.

“Patawad muli heneral, ngunit paano ka nakaligtas sa masalimoot na gabing ‘yun? Kung iyong mamarapatin,” isa pa n’yang tanong.

“Ako’y ibinilin ng aking ina sa aming kasambahay noong nabaril s’ya ng rebelde, dumaan kami sa likod ng Hacienda at tumakas papalayo patungo sa Fort El Merciano upang sabihin ang nangya—-” bigla akong napatigil nang may tumikhim sa aming likuran.

“Do I enterrupt your meeting general?” ani ng taong nasa likod ko. Pagtingin ko ay naka-amerikana ito at kagalang-galang ang itsura. Maputi at siguradong amerikano ito.

“Sorry sir, I saw her here lonely then I decide to tell her the story of this place,” sagot ko.

“Nice meeting you General Eduardo but we need to go, my daughter will meet her mother this day in Manila, goodbye,” aniya.

“No problem,” sagot ko at sumaludo s’ya sa akin na tinugon ko rin ng saludo.

Ibig sabihin s’ya si Kapitan Henry ang ama ni Binibining Rose, marahil s’ya ay amerikano ay kagalang-galang ito.

Papalayo na sila nang umalis ako roon upang umuwi. Mukhang magiging malapit kami dahil nakilala na namin ang isa’t isa ngunit para bang iba ang timpla ng kanyang dugo sa espanyol na tulad ko. Maaaring dahil sa nobelang ‘yun ngunit nakilala n’ya na ang tunay na Salvacion.

----------

Alas-tres na nang makarating ang aking kabayo sapagkat aking pinalinis ‘yun. Kasabay ni Julio na aking tagasilbi ay ang hukbo ng aking mga bantay na sundalo.

Habang sakay ng aking kabayo ay dinaanan ko ang bayan na para bang walang pagbabago mula noong umalis ang espanyol. Puno-puno ng mga sundalong Pilipino an gaming bayan sapagkat maraming nagboluntaryo.

Nakauwi na ako ng mansion nang salubungin ako ng isang masaklap na ala-ala. Papasok na ako ng tarangkahan kung saan iniwan ang ulo ng aking ama. Noong una hindi ko maintindihan ang nais n’yang ipahiwatig noong gabing umalis s’ya ng mansion, “anak, hijo, layuan mo ang ating kalahi sapagkat sa kapangyarihan ay naaakit ang lahat, kahit na kapwa o kadugo man nila ay papaslangin mahawakan lang ito.”

Naiintindihan ko na kung bakit ayaw akong pakuhain ng puwesto ng aking ama sa gobyerno sapagkat buhay ko ang nakalaan doon. Marahil gayun nga ang pag-aaklas ng rebelde laban sa aking ama sapagkat napagkamalan itong kasabwat ni Kapitan Leosiso sa pag-aalipusta sa mga Pilipino.

Kilala ang aking ama na naging gobernadorcillo ng bayan na ito. Tatlong henerasyon ng aming pamilya ang humawak sa lugar na ito. Mula sa mahirap na bayan ay umusbong ang maunlad na San Feliciano na sinimulang pamunuan ni Don Juan, lolo ko sa tuhod; Don Hernando, lolo ko; at Don Lolito na aking ama.

Hindi ko mabatid pero nag-iba ang aking iniisip ng makita ang sampaguita sa aking hardin na tanaw mula sa aking balkonahe. Kasing kulay ng balat ni Rose at kasing rikit n’ya rin.

Mahilig s’yang magbasa ng nobela sapagkat nagawa n’yang basahin ang nobelang ‘Noli Me Tangere.’ Kahanga-hanga sa kanyang likas na kasipagan. Marahil hindi ko nasumpungan ang kanyang pag-uugali nang kausapin n’ya ako sapagkat ‘di maganda ang kanyang inasal sa harap ko.

To be continue...

Totally Obssesed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon