CHAPTER 1

1.1K 29 0
                                    

"Tama pa ba 'tong ginagawa natin?"

"Sssh!" hinila ko si Maerinne para magtago sa gilid ng puno dahil baka makita sya ng sinusundan namin. Tinakpan ko ang bibig nya nang maramdaman kong magsasalita na naman sya. Ang ingay nya palagi!

"Siguraduhin nyong hindi tayo mahuhuli sa ginagawa nating 'to ah?" paninigurado ni Gina habang sinisiksik ang sarili nya sa tabi ni Pink.

Tumango ako habang nakatingin parin sa lalaking nakatayo at naninigarilyo sa ilalim ng isa pang puno. Mabilis kong tinakpan ang ilong ko nang maamoy ko nang konti iyong amoy ng sigarilyo nya dahil sa hangin. Tingnan mo 'tong gagong 'to! Smoking is strictly prohibited inside the campus, but he always breaks the rule just because he is the so-called king!

That's why he has to stop ruling the whole crowd because he himself is not even a good role model!

"Aray! Pink, inaapakan mo 'yung paa ko!" rinig kong reklamo ni Mae. Nanlaki iyong mga mata ko nang makita kong mukhang may napansin si Wynd. Agad akong nagtago sa likod ng malaking puno at nakipagsisikan sa kanilang tatlo.

"Teka iyong paa ko! Inaapakan ni Pink!"

"Ang iingay nyo, bwisit!" mahinang sigaw ni Pink.

Pinanlakihan ko sila ng mga mata dahil sa mga ingay nila. Mukhang nakinig naman kaya agad na tumahimik. Nang mapansin kong hindi na tumitingin si Wynd sa direksyon namin ay sinilip ko sya. Nanlaki iyong mga mata ko nang makita kong naglalakad na sya.

Huh! He's probably going to his hideout where his sodality is there making unlawful activities!

Ito lang naman talaga ang pakay ko kaya naisip kong sundan sya. Wynd is everything that I hate. Actually, feeling ko nga nabuhay sya sa mundong 'to para maging peste sa buhay ko. Hindi ko naman talaga sya dapat mapapansin at mage-effort ng ganito para mapabagsak sa pwesto nya kung hindi dahil sa pamamahiya ng sodality nya sa 'kin.

If I didn't hear something about their dirty activities within their hideout, mapapalagpas ko 'yon dahil come to think of it, wala naman talaga akong laban sa tulad nya. Mga fan girls nya pa lang, talo na ako. Kung ituring ba naman sya na parang santo sa school na 'to, kulang na lang lumuhod sila eh, or maybe may lumuhod na nga talaga. Knowing his brotherhood's reputation here, paiba-iba ng babae every month. I'm pretty sure sya din.

"Bilisan nyo!" I demanded dahil papalayo na si Wynd at baka makatakas pa sa mga mata ko. Walang nakakaalam ng hideout nila maliban sa sodality nya at sya at kung may nakakaalam man, hindi na daw nakakalabas ng buhay. Muntik pa akong matawa nang i-kwento sa 'kin 'yun ni Gina. Kalokohan! Mukha lang silang badboy pero takot nga yata sa mga multo 'yun!

"Wow, girl. Saglit lang, ha. Baka nakakalimutan mo pinilit mo kami dito." Mae said while fixing his hair that probably got messy dahil sa pagsisiksikan namin kanina.

"After this, no more favors. Give this to me, girls. I badly wanted to get even." I seriously said. Kung walang kakalaban sa feeling hari na 'yun, hindi 'yun titigil kaka-bully sa ibang students! Baka hindi nga lang ako ang biktima nyan, probably there were so many victims there but chose to shut up because he is controlling everyone under the table. Some of them were already blinded by his fake promises at gwapo daw na mukha.

"Of course, we're always here for you. Siguraduhin mo lang na pagkatapos nito ay tatantanan mo na ang grupo nila. They are really bad ones. I don't like messing with them." Gina said.

Alam ko naman 'yon, kaya nga todo ingat ako kapag nandyan sila. Ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon na maghiganti kasi sinamahan nila ako. After this, I know I'll be living in peace na! But firstly, I'll make sure Wynd's gonna taste the sweetness of my revenge.

Monarch High: War of the BratsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon