CHAPTER 14

172 12 11
                                    

"But... are you sure?"

Tinitigan nya ako. I clamped my lips together and nodded.

"Yes," I closed my eyes and said that. Hinintay kong magsalita si Sean pero wala akong narinig. I opened my eyes at sinilip ang reaksyon nya. Nakita kong nakatingin sya sa 'kin.

"Hindi ka sigurado," sabi nya. "What made you decide urgently, Hurricane?"

Pinagsiklop ko ang palad ko at nahihiyang yumuko. My cheeks flushed in an instant with the thought of disappointing him. I was just nonplussed. Hindi ako nakapag-isip ng tama dahil sa sinabi ni Wynd.

"Do you want us to talk about it?" offer nya.

Umiling naman ako. "I'm sorry... I was just..." I tilted my head and sighed. "Sorry..." ngumuso ako.

"It's alright. You see, I'm not pressuring you. Hindi kita minamadali sa mga bagay na ganyan dahil alam kong hindi ka pa handa. Nagulat nga ako nang sinabi mo 'yon sa 'kin."

Gusto ko na lang matunaw dito sa harapan nya dahil sa kahihiyan. I shouldn't have said that! Although, kung naniwala sya kaagad, alam ko namang wala akong pagsisisihan dahil mabait naman sya. At... iyon naman talaga ang plano ko. Medyo tatagalan ko lang.

"Why were you running, though? May naghahabol ba sa 'yo?" tanong nya.

I shook my head. "Wala uh... nagmamadali lang ako..."

"Alright. Are you sure you're fine?"

Tumango ako at hindi na nagsalita ulit. Tuluyan na akong kinain ng kahihiyan at kaba. Iniisip kung paano ko ba matatakasan si Wynd dahil pakiramdam ko, kapag wala akong gagawin... Tuluyan nya akong makukuha.

"Hurricane!"

I snapped back from my reverie when Pink shrugged my shoulders. Kaagad akong napatingin sa kanila na ngayon ay nakatitig na sa akin habang nakakunot ang noo.

"B-Bakit?" tanong ko. Still in dazed. Saglit kong sinapo ang noo ko tsaka ilang beses na iniling ang ulo para mabalik sa reyalidad.

"Kanina ka pa tulala. Kinakausap ka namin," kunot-noong sabi ni Pip.

"H-Huh? Uh... Ano ba 'yon? Sorry," I was too preoccupied these days. Palagay ko nga, wala na akong naitulong sa kanila.

"Do you still have a fever?" tanong ni Wynd.

Natigilan naman ako ng kaunti sa tanong nya. Tumikhim si Jason, seryoso pero may nakatagong ngisi. Ako naman, nalito sa tanong ni Wynd. Wala naman akong lagnat. Sumakit lang iyong ulo ko noong nagdaang mga araw pero ayos na ako.

"Wala naman. Bothered lang," simpleng sagot ko at pimagpatuloy ang ginagawa.

"Bothered saan?" sumulyap si Mae sa akin bago nagpakawala ng ngisi.

Cal cleared his throat. Mariing napalunok bago nagsalita. "Kay Wynd?"

Humagikgik silang lahat habang si Wynd ay seryoso akong tinitingnan. Ang akala ko, hindi sya papasok ngayon dahil nalaman kong dinala sya sa hospital ng Kuya nya. Nagulat na lang ako na nandito sya.

I glared at them and sighed. "Pwede ba."

"Why though?" Gina asked.

"Wala nga!" iritado kong sabi.

Hindi na sila nagtanong pa ulit at nagpatuloy sa ginagawa. Sometimes, I wonder kung ganito na lang ba ang gagawin namin tuwing may events and such until the school year ends? Hindi din naman problema sa 'kin. I took the oath and I grabbed this position with surety of purpose.

Monarch High: War of the BratsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon