CHAPTER 11

215 14 41
                                    

Nagsisi pa akong nakipag-video conference ako sa kanila. Nang-aasar 'yung mga titig nila, eh. Alam kong dahil 'yon sa nasabi ko kanina pero kaagad din naman natabunan dahil gumawa ng bagong topic. Hindi na ako nagsalita pa ulit dahil sa nangyari at dahil na rin sa hiya pero alam kong hindi nila papalampasin 'to. Nang makauwi ako sa bahay, kaagad na nagvideo conference si Pink at invited ako.

"Hindi ko crush si Wynd," kaagad na bungad ko nang makompleto na sila. Tiningnan ko sila through the screen, nakangisi si Gina at Mae habang si Pink ay nakataas na ang kilay.

"Wala naman kaming sinasabi," nakangising sabi ni Mae at umiinom ng tubig. Base sa background nya, nasa kusina sya.

"Kaya nga," sabi ni Pink. I rolled my eyes. Alam ko mga likaw ng bituka ng mga 'to. Alam ko 'yung mga iniisip nila. I was genuinely curious that time, that's why I asked, but it turned out to be a malicious question pero hindi talaga 'yon ang intensyon ko.

Nang makita kong ngumingisi si Gina ay pinanliitan ko sya ng mga mata bago isinigaw ang pangalan nha. "Gina!"

"What?" natatawa nyang tanong. Sarap hampasin ng binabasa nyang libro!

"Stop smiling!" I whined.

Isinarado nya ang libro bago aki tingnan, nakangisi parin. "Bawal ngumiti? Kinikilig lang ako sa binabasa ko," itinaas nya 'yung librong hawak nya.

"Kahit dictionary naman talaga 'yang hawak mo?" Mae rolled her eyes.

Tumango sya. "Hmm, nakakakilig 'yong meaning."

Napasapo ako sa noo habang nakatitig sa kanila. "Please lang."

"Don't worry. We're not really affected with that, baka ikaw," kalmadong sabi ni Pink pero nakangisi na rin.

"Priscillane!"

"Tama si Pink, hindi naman kami affected, isa pa may rason ka naman. Lasing ka-

"Sa yakult. We completely understand," tumango-tango si Gina at Mae. Kung malapit lang talaga sila ngayon, hindi na ako magdadalawang-isip na pag-untugin sila!

"Ang convincing nyo. Promise," I sarcastically said.

"Okay lang naman magka-crush, Hurricane. Normal naman 'yung nararanasan ng lahat ng mga teenagers," Gina shrugged and went back reading her book.

Iyon na nga ang problema because I'm freaking sure I don't have a crush on Wynd. I mean, how come? That's the man I hate, for everyone's information. Ang cliché naman masyado kung magkakagusto ako sa taong dapat kinasusuklaman ko lang? Come on, he did more bad things to me than good ones. Mabibilang nga lang 'yong good ones, 'yung iba, sapilitan pa.

"Si Sean 'yung crush ko..." my lips protruded.

Bumalik ang atensyon ni Gina sa 'kin at tinitigan ako sa screen. "Pwede naman dalawa, eh."

"Pwede ba 'yun?!" si Pink.

"Si Mae nga madaming boyfriends, wala namang nangyari. Hindi ka mamamatay kapag dalawa crush mo," sabi ni Gina kaya napatawa kaming dalawa ni Pink.

"Grabeng example 'yan, Gina?" sarkastikong sabi ni Mae.

"Hindi ko crush si Wynd kasi," pangungumbinsi ko kasi kung hindi ko ipipilit sa kanila 'to, iyon 'yung papaniwalaan nila.

"Whatever makes you sleep tonight," Pink said.

"Hindi tayo pupunta sa HOS bukas," deklara ko. Ayaw ko munang makita sila Wynd bukas lalo na 'yung sila Cal at Jason. Sobrang mapang-asar. Hindi ako tinigilan hanggang sa makauwi ako.

"Hindi naman talaga. Wala na namang program. Next week pa," sagor naman ni Mae.

"Babalik lang ako doon kapag gusto kong kumain. Dami nating nabiling stocks kanina, eh," nakangiting sabi ni Gina.

Monarch High: War of the BratsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon