Something changed. I couldn't voice out what it was, but I know something's up to me. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa 'kin, but I was too bothered these past few days. I needed distraction, I swear! It's frustrating that I couldn't focus myself on something because my mind is drifting into other things... At ayoko nang malaman pa kung anong klaseng bagay ang iniisip ko ngayon. It's weird, and it's making me hate myself even more."Sa lunes na pala iyong oath taking, 'no?" Gina asked, picking the crackers on the center table.
Distraction means them! That's why I invited them over since it's saturday and we're free from work! Seriously, sa dami ng ginagawa namin for oath taking, feeling ko stress na stress na ako sa school! Tapos, kung mag-utos pa minsan si Wynd sa 'min, kakaripas ka kaagad kasi laging bad mood.
"Finally! Hindi ko na makikita si Calvin!" sigaw ni Mae at itinaas sa ere ang dalawang kamay.
"Tsk. Lagi kasing nag-aaway parang mga bata." komento ni Pink.
"Oh my, god. Seriously, Pink! He's always the one who starts!"
"Tapos gagatungan mo naman." sabi ko pa.
She rolled her eyes. Totoo naman. Kung ayaw nilang mag-away talaga, 'wag nang pakialaman 'yung isa't-isa. Pero iyon si Cal talaga, ang lakas mang-asar, e walang pinipili. Inasar nya nga dati si Pink kaya ayon sinuntok sya, simula nun, si Mae na lang iyong inaasar nya kasi kahit si Gina, nginingitian lang sya e.
"Pero baka magkikita parin naman tayo. Foundation day kasi next week, e. I'm sure madaming gagawin."
Sabay kaming nagreklamo dahil sa sinabi ni Gina. Oo nga naman! Foundation day will happen next week na din pala! Usually kasi, kapag ganitong programs, kaming sovereigns iyong bahala. Especially about sa theme! Ang hirap i-execute nyan kasi every section e. Siguro ipapatawag na lang iyong mga class presidents, 'no? Bahala na nga si Wynd dyan!
"Ano ba mga possible na gagawin natin sa Foundation day?" tanong ni Pink.
"Iyong theme 'yan. Tayo mag-iisip." sagot ko.
"Diba may parang booth din 'yan every section?" tanong ni Mae.
"Oo yata. Last year, ganyan eh." sagot ni Gina. "Pero ewan ko kung tayo 'yung magh-handle nyan o pwede ng class officers na lang every section."
Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog iyong cellphone ko. Nagpatuloy sila sa pag-uusap habang ako naman ay nagbabasa ng message ni Sean.
Sean:
I'm sorry, Hurricane! Pink told me what happened yesterday! Okay ka na ba? Please reply.
I pursed my lips and typed a reply, but before that, I heard Mae ask me.
"Sino 'yan?"
"Sean." tipid kong sagot.
"That asshole!" Mae rolled her eyes. "Botong-boto pa naman ako sa kanya tapos iyon lang pala gagawin! Look what happened to you, kahapon!"
"Hindi nya naman kasalanan..."
It's my fault, actually. Hindi nya naman sinabi sa 'kin na huwag akong kumain kung hindi sya dumating. It's my choice not to eat... Isa pa, nakaligtaan ko din dahil akala ko busog ako. Ang kasalanan nya lang naman ay ang hindi nya pagsabi sa 'kin na hindi sya makakapag-lunch with me, and it's entirely fine though I was kind of looking forward to it.
"Ano ba sabi?" Pink asked.
"Nag-s-sorry lang naman. Sinabi mo daw 'yong nangyari sa 'kin?"
Pink shrugged. "He needs to know, anyway. Sana nagsabi syang hindi sya makakapunta hindi 'yong pinaghihintay ka nya sa wala."
BINABASA MO ANG
Monarch High: War of the Brats
Teen FictionWhen Monarch High students discuss intelligence and dominance, it's always between Hurricane and Wynd. Their feud escalates to the point where their friends become involved. And now that the war has been declared, Hurricane has done something foolis...