CHAPTER 53

87 2 0
                                    

What I learned that night rendered me sleepless. Sa buong gabing iyon, hindi ako nakatulog at iyon lang ang iniisip.

Sometimes, I questioned the universe about why this was happening to me. Pero wala na din naman akong magagawa kundi ang bumangon kahit gusto ko na lang magkulong sa loob ng kwarto, I realized, this is no longer my room, I don't have any rights.

"Good morning, Priscillane! Come here, let's eat breakfast."

I pursed my lips. Bumaba ako para sana hanapin si Kuya at sabihing aalis na ako. Pero nang makababa ako galing ng kwarto, naabutan ko sila sa dining area na kumakain ng breakfast.

When Kuya noticed that I wasn't moving, hinila nya ako at pinaupo sa dati kong pwesto sa tuwing sabay-sabay kaming kumakain.

"Here... I cooked your favorite food," Mommy stood up while holding a bowl and came closer to me. She put some on my plate before going back to her seat.

"Thank you..." I gave her a small smile.

Habang nagsisimula silang kumain ay nagdadalawang-isip akong sumubo. Lalo na noong maalala ko kung ano ako sa pamilyang nasa harapan ko ngayon. Kahit mawala ako sa harapan nila ngayon, people still call them family... a perfect one.

After all, I was hidden in the dark for so long.

"Anyway, Priscillane," daddy broke the silence. Napaayos ako ng upo saka tumingin sa kanya. He looked calm and collected, but the gentleness on his eyes was visible. It's always there whenever he's looking at me. "mamaya samahan mo ang kuya mong magligpit ng mga gamit sa condo."

"W-What?"

My lips parted a little. Kaagad na nawala ang atensyon ko kay daddy at nalipat kay Kuya. Tikom ang bibig nito at alanganing ngumiti sa 'kin.

"Oh... Didn't Primus tell you about that?" Daddy glanced in Kuya's direction.

Magsasalita pa sana ako nang hawakan ni mommy na nasa tabi ki ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa

"Anak, you're going back here..." nakangiting nyang saad.

My fear instantly sparked. My face felt numb. I quickly withdrew my hands from Mommy's soft hold.

"G-Going back?" nauutal kong tanong.

Bumaling kaagad ang tingin ko kay Kuya, he was the one who brought me here and told me to stay here temporarily. Pumayag ako dahil ang plano ko lang naman ay bisitahin sila mommy at ang kapatid ko.

"Kuya, you didn't -

"I know, I know," he looked troubled while looking at me. "But we're worried about your safety there."

I gritted my teeth. I can't go back! I just can't go back, now!

"B-But-

"Priscillane, anak," si daddy. "Nag-aalala lang kami sayo. Sinabi ng kuya mo ang tungkol sa nangyari sayo kahapon. Who knows if they know where you live?"

"Secured ang condo na 'yun. I can handle myself," sagot ko kaagad.

"Anak, please, let us do this for you. Madami kaming pagkukulang sayo kaya hayaan mo kaming makabawi."

I heaved a sharp breath. I hated it when they were thinking about this. Hindi naman ako umaasa sa atensyon nila. Alam ko naman kung saan ang lugar ko, kung ano ako sa pamilyang 'to.

"It's perfectly fine. That was a long time ago. I am not making that a big deal and stop treating me like a family here," sabi ko at binitawan ang kubyertos bago tumingin sa kanila. "Remember, I killed your favorite daughter."

Monarch High: War of the BratsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon