"Bakit mo kasi ginawa 'yun?"
Napanguso ako at tiningnan si Pink. Kaming dalawa ang nauna sa room at hindi pa dumating sila Gina at Hurricane. Naalala nya siguro 'yung nangyari kahapon kaya naitanong nya. Hindi din kasi sila nakapagtanong dahil biglang pinatawag 'yung sovereigns sa opisina ni Ms. Ocampo at nagdiscuss ng mga gagawin sa papalapit na Senior's week. Next week daw iyon. Sa wakas, may pagkakaabalahan na kami.
"Hindi ko sinasadya 'yun," sagot ko.
Napaismid sya at umirap. "Kilala kita at isa pa, kapansin-pansin 'yung pag-separate mo ng pinggan nya sa amin. Hindi maanghang 'yung sa 'min, ah?"
"Ewan ko," I shrugged. "Basta alam ko, hindi ko sinasadya 'yun tsaka hindi naman maanghang 'yun, ah?"
Ang arte lang. Tinikman ko naman, hindi naman masyado. Pasalamat nga sya hindi ko nadamihan 'yung paglagay ng pepper eh.
"At hindi lang 'yun," pinandilatan nya ako ng mga mata kaya lalo akong sumimangot. "Dinamay mo pa ako. Suka pa 'yung naibigay ko na tubig."
"Hindi ko nga alam. Malay ko bang suka 'yun! Tsaka nandoon na 'yun pagdating ko sa kusina, no!" pagd-defensive ko tsaka humalukipkip. "Bakit ba concern na concern kayo dyan sa Krys na 'yan? Kakikilala nyo pa lang kahapon, ah?"
"She's nice and has a great sense of humor. Nag-aasaran nga sila ni Cal, eh. Parang ikaw lang."
I gritted my teeth and rolled my eyes. Hindi ako nagpahalatang hindi nagustuhan ang sinabi ni Pink kaya ginawa ko ang lahat para hindi nya makita ang reaksyon ko.
"No way," I muttered.
"You look really pissed at her. Kahapon ko pa napapansin," komento nya saka pinagkatitigan ako. "May naaamoy akong hindi maganda sa aura mo."
Napangiwi ako. "Ano ka, aso? Tsaka hindi. I’m not pissed at her. In fact, I find her really beautiful and... touchy."
She cocked her brow. "Touchy?"
I shrugged. "Oo. Palahawak kasi kung saan-saan. Napansin ko lang. Hilig nya sa skinship."
She smirked and shook her head. I frowned and diverted my eyes away from her. I was hoping for Hurricane and Gina to come so Pink would stop bugging me with that Krys.
Naalala ko tuloy kung paano nya hawakan 'yung braso ni Cal. May pahimas-himas pa. Samantalang ako... kahit hawakan man lang sana 'yung kamay ni Cal, hindi ko magawa dahil lang sa takot ko. Ano kayang pakiramdam na magkaroon ng kalayaang magkagusto sa isang tao? How does it feel to be a normal student? 'Yung hindi sovereigns.
Sa tagal kong nakasama si Jason at Gina na kahit masakit na sila sa mata, nakakainggit silang tingnan. I always admire Gina’s braveness... Kung kaya ko lang bumaba sa pwesto, ginawa ko na. Pero pareho lang kami ni Hurricane. Hinangad ko rin ang makatapak dito... Kaya bakit ko sasayangin, diba?
Kung kami talaga ang para sa isa't-isa, siguro mangyayari talaga 'yung kami sa tamang panahon.
"Bakit? Sino ba hinahawakan ni Krys? Parang wala naman."
I snapped back to reality when Pink said that. Kaagad akong napaayos ng upo at tumikhim.
"Nakita ko lang..."
"Sino nga?"
I shrugged. "Sila Wynd tsaka... Cal..."
"Wynd? Hindi naman nag-react si Hurricane."
"Eh, bakit ba?! Ang sakit kaya sa mata ng ginagawa nya!"
Natigilan sya. Nagtaka naman ako doon. Maya-maya lang ay nilingon nya ako bago lumaki ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Monarch High: War of the Brats
Teen FictionWhen Monarch High students discuss intelligence and dominance, it's always between Hurricane and Wynd. Their feud escalates to the point where their friends become involved. And now that the war has been declared, Hurricane has done something foolis...