I got a grade of 79 from Sir Lapu-lapu's subject. Halos hindi ko kayang hawakan ang report card ko nang makita ko iyon. Parang napaso ako bigla at nanginginig ang mga kamay ko. My breathing trembled at ilang beses kong chineck ang report card ko dahil baka nagkamali lang ako ng tingin... But it's true. I got 79 as a grade, and I'm doomed.
"Gina!"
Tinupi ko kaagad ang report card ko nang makitang papunta sila Hurricane sa akin. I tried to be calm because there's no way they would see me shedding tears with just a grade. Pasado 'to, eh. Baka nga si Mae, pinapasalamatan pa 'tong grade na 'to. But we're different... She's so free while I was chained to daddy's expectations.
I couldn't blame Sir Lapu-lapu... he's just doing his job. I know I was irresponsible. Alam kong kasalanan ko kung bakit nakakuha ako ng ganitong grade. What I was worried about is how I'm going to say this to dad...
"Bakit nandito ka? Ang layo mo sa room! Patingin naman ng card mo!" si Mae.
I pressed my lips together. "Pare-pareho lang naman tayo ng grades. Halos lagi tayong magkasama, eh tsaka excuse palagi."
Pink stared at me, so I smiled. Hindi sya ngumiti kaya alam kong may napapansin sya. Bumaba ang tingin nya sa hawak kong reporr card.
"Masisira 'yang report card dahil sa hawak mo, Gina," seryosong sabi ni Pink.
I gasped and put my report card inside my bag. They all looked at me like they knew what was up to me, but I gave them my warmest smile.
"I'll be fine," sabi ko.
"Sigurado ka?" tanong ni Mae. "Ano ba lowest mo? Akin nga 80, eh! Muntik ng mag-79! Kapit sa patalim! Pero pasado pa din naman 'yung 79, ayoko lang makakita ng palakol sa card ko!" tumawa sya nang makita nyang hindi ako tumawa ay natigilan sya at tumikhim.
I just nodded and smiled. "Good for you, Mae. HOS muna ako."
I didn't wait for then to respond. Instead, I turned my back on them without me hearing any words from them. Habang naglalakad ako, I suddenly feel so anxious, like people passing by are seeing how I was a disappointment through my soul, iyong feeling na parang alam nilang nakakuha ako ng 79 kahit wala naman silang pakialam sa 'kin. Iyong tipong kapag nakakita ako ng nagbubulungan, palagay ko ako 'yung pinag-uusapan. Kung bakit ganitong grade lang ang nakuha ako... That I should've done better because I know I could've done better than this...
Mabilis akong naglakad. Lalong lumalakas iyong boses na hindi ko alam kung saan nanggaling. Even dad's voices blaring out that kept echoing on my head. Sumisikip ang dibdib ko at pakiramdam ko pinagkakaitan ako ng hangin. Hanggang sa may humablot sa braso ko.
Bigla akong natigilan. Gradually, the voices are slowly fainting until they aren't being heard by me, anymore... Unti-unti kong nakita iyong mga tao sa bench, may mga naglalakad at nagtatawanan. Maingay pero mas gusto ko ang ganitong ingay kaysa sa mga naririnig ko tuwing mag-isa ako. I was still panting while looking at the person who's pulling me out from those scary voices.
"J-Jason?"
Binitawan nya ang kamay ko at nilapitan. "Okay ka lang? Kanina pa kita tinatawag."
I pursed my lips and nodded. "Oo. Medyo sumakit lang iyong ulo," hinawakan ko naman iyong ulo ko para mas kumbinsido sya. "Sya nga pala..." nang may naalala ako ay may kinuha ako sa bag ko.
"Bakit? Teka, bigayan ng card nyo diba? Nakuha mo na 'yung sayo? Patingin naman!"
I stopped digging into my bag. I squeezed my eyes close and calm myself. Hindi ako nagsalita ay hinanap sa loob ng bag ang box na dapat ibibigay ko sana kay Jason kahapon pero nakaligtaan ko. Nang mahanap ko ito ay binigay ko sa kanya nang hindi tumitingin sa mga mata nya.
BINABASA MO ANG
Monarch High: War of the Brats
Teen FictionWhen Monarch High students discuss intelligence and dominance, it's always between Hurricane and Wynd. Their feud escalates to the point where their friends become involved. And now that the war has been declared, Hurricane has done something foolis...