My knees were shaking as I went out of Ms. Ocampo's office. The moment I stepped out, I quickly walked away at a fast pace, not minding the people I was bumping into without apologizing. Sa sobrang kaba ko ay namamanhid ang buo kong katawan at hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.
"Mae?"
Napahinto lang ako sa pagtakbo nang may humawak sa balikat ko. Nang tumingala ako ay nakita kong si Pip iyon na kunot-noong nakatingin sa akin.
"You look like shit. Okay ka lang?"
Umiling ako. I wriggled upon his hold so he would let me go pero mas lalo nya iyong hinigpitan kaya napatigil na lang ako at napahilamos sa mukha. Sa totoo lang, pinipigilan ko lang ang umiyak ngayon sa harapan nya dahil nakakahiya at ayokong magkaroon pa sya ng rason para magtanong ulit.
"Let me go..." nanghihina kong sambit saka inalis ang mga kamay nya sa balikat ko.
"Not unless you tell me what's happening," tinaasan nya ako ng kilay.
Hindi ko na talaga mapigilan. Ayoko talagang makita nyang umiiyak ako. Alam ko naman na hindi sila tatawa kapag iiyak ako, but I always look like shit when I'm crying hard. Alam kong kahit hahandusay ako sa sahig dito, magdadalawang isip pa itong si Pip kung bubuhatin ako o hindi. Kilalang-kilala ko sila ni Wynd. Okay lang naman siguro ang umiyak muna... Saglit lang 'to... Bakit ba kasi sya 'yung nakakita sa akin, eh..."
"What the hell are you crying?" he asked, panicking. Kahit puno na ng uhog 'yung ilong ko, hindi ko parin mapigilang ngumiti.
I shook my head and wiped my tears. May kinuha sya sa bulsa nya at inabot sa akin ang panyo.
"I'm sorry. I don't know how to comfort a woman," he looked really apologetic.
Tumango ako. Inamoy ko 'yung panyo nya bago pinahid. Bakit ganoon? Kaamoy ng panyo na 'to ang pabango ni Cal.
"Okay lang... Hindi naman kailangan..."
Tumango sya. Ngayon ay titig na titig na sya sa akin. He narrowed his eyes on me, and his lips twitched.
"Bakit ka umiiyak?"
Natigilan ako. Naalala ko na naman kaya humagulgol na naman ako. Lalong nagpanic si Pip. Dahil natuwa akong makita ang panic sa mukha nya at sumandal ako sa pader at kunwari'y nag-walling pababa habang nilalakasan ang iyak. Nakatingin na ang ilang estudyante sa amin at nagsimula nang magbulung-bulungan. Lalong nataranta si Pip at lumuhod sa harapan ko.
"W-What's wrong, Mae? Should I call the sovereigns?"
Kinagat ko ang panyo nya bago umiling-iling. Basa na ito ng mga luha ko. Sa tuwing naaalala ko ang pag-uusap namin ni Ms. Ocampo sa opisina nya, lalong dumadami ang luhang tumutulo kaya hindi na alam ni Pip ang gagawin.
"Y-You should tell me what's wrong so I could help you..."
I sniffed. "O-Okay na 'tong panyo mo..."
He sighed. "Then, stop crying."
Umiling ako. "Hindi ko mapigilan, sorry. Pwede ka nang umalis. Iwan mo na lang ako dito..."
Hindi naman ako nangongonsensya pero kailangan ko lang talagang mapag-isa ngayon para makapag-isip ng gagawin. Tiningnan ko sya at mukhang hindi sya kumbinsido sa sinabi ko.
"I can't leave you here. Pupunta ako ng HOS. Sumama ka na lang sa 'kin."
I shook my head immediately. Tumayo ako at ganoon dim sya. Pinahid ko ang mga natitirang luha saka sya tiningnan.
"Hindi muna ako pupunta doon... Uuwi ako."
His brows arched. "Uuwi? May klase pa, ah? Tsaka may practice ka, diba?"
BINABASA MO ANG
Monarch High: War of the Brats
Ficção AdolescenteWhen Monarch High students discuss intelligence and dominance, it's always between Hurricane and Wynd. Their feud escalates to the point where their friends become involved. And now that the war has been declared, Hurricane has done something foolis...