CHAPTER 13

200 13 17
                                    

My head was aching, and I could feel it beating every damn time kaya akala nila Pink ay hindi ako papasom dahil masakit ang ulo ko. But honestly, hindi naman sana 'to sasakit kung wala lang nangyaring kahapon na hanggang ngayon, iniisip ko parin na nakakadagdag ng sakit.

"Papasok ka?" tanong ni Gina. They went first to my house before going to school because they wanted to check on me. Pagdating nila, saka naman ako bumaba at nakapagbihis na.

"Yes. May pag-uusapan tungkol sa Foundation day, diba?" sabi ko habang sapo-sapo iyong gilid ng ulo ko.

"Oo... Pero..." Pink trailed off, looking at me in disbelief. "Kung masama pa ang pakiramdam mo, 'wag na lang muna."

Umiling ako saka maayos na tumayo. "No, I'm fine," I replied and smiled a little. Ang dami kayang gagawin. Tapos kapag iiwan ko sila doon, baka makulangan kami ng time.

"Ano..." Mae bit her lip. Parang magsasalita pero kaagad ding napipigilan.

I sighed as I realized what was the other reason why they came here. "Why? Do you wanna ask about what happened yesterday?"

Napanguso si Gina. "Ayaw din naman naming mangialam. Gusto lang naming malaman kung... ayos ka lang ba..."

I nodded. "I'm fine. It's no big deal."

"Really," Pink huffed and folded her arms over her chest. "Ang lakas kaya ng sigaw mo."

Napangiwi ako. I was carried away. Masyado kasi akong natakot na baka iyon nga ang plano ni Wynd. I worked hard for this position, kung papatawan ako ng displacement dahil sa kanya... Hindi ko alam ang gagawin ko.

"I was... panicking. Hindi kasi nag-iisip si Wynd kung anong lumalabas sa bibig nya."

"Nag-leave ka sa gc, ah?" singit ni Mae.

Tumango naman ako. Ayoko na lang kasi munang magpadistract sa kanila.

"Ayoko muna doon. Magpapa-add ako kung ayos na ako."

"Kung gusto mong pag-usapan 'yan, nandito lang kami," Pink said and stared at me.

"I was just... wondering how it happened. Palagay ko sinasadya ang lahat. Knowing how much he hates me... Palagay ko plano nya," sabi ko. Kung iyon nga... Hindi na ako magugulat... I was, rather, upset because I thought we were fine, already. I was annoyed to myself because I was too stupid not to realize it sooner.

Gina pursed her lips before sighing. "Hindi naman siguro..."

My forehead twisted. Hindi makapaniwala sa sinabi ni Gina. "Don't tell me naniniwala kayo?" tanong ko at isa-isa silang tiningnan.

Saglit na umiling si Pink. "Well, may point ka naman, Hurricane since he's been your enemy for how long but-

"But what?" I spat.

"Nothing. I just want you to listen to him. Let yourself hear his words. It won't hurt you, you know..."

"So, anong sinasabi nyo? Na naniniwala kayo sa kanya?" I gritted my teeth.

"Oo," mabilis na sagot ni Gina at matapang akong tiningnan. Pink at Mae looked at her and sighed.

"What?" bulalas ko.

"Hurricane -

"What the hell, guys? You don't understand what's happening, do you?" inis na tanong ko sa kanila. Sinubukan nilang lumapit sa 'kin pero umatras ako.

"Of course. Naiintindihan namin. You can't accept that Wynd likes you because you consider each other as enemy, and you think he's doing this to kick you out of the sovereigns. See, we understand," Gina bit her lip. "Pero matagal na kasi naming napapansin. There's a gradual change. Ang akala kasi namin... normal lang iyong ganyang pakikitungo ni Wynd, that's why we shrugged it off."

Monarch High: War of the BratsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon