LEI
NAGLALAKAD AKO PAPUNTA sa kwarto ni Evo pagkatapos kong ayusin ang mga naiwang kalat sa kusina, nang makasalubong ko si Trevor. He was intently staring at me, drunk and mad. I was about to turn my back and run away when he instantly holds my grip.
"Trevor!" gulat kong sigaw sa pangalan niya nang hilahin niya ako paakyat at kulang na lang ay humiwalay ang tsinelas sa paa ko nang makarating kami sa loob ng kwarto. Pabalibag niya ring isinarado ang pinto bago ako mariin na isinandal dito habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa magkabila kong balikat.
Bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa sobrang takot lalo na at kita ko ulit sa mga mata niya ang namumuong galit.
"T-Tre—"
"Are you happy with this fucking life?"
Pakiramdam ko ay halos malunok ko na ang dila ko at hindi ko malaman ang isasagot sa kaniya. Parang gusto kong mamaluktot at takpan na lang ang tainga ko at ipikit na lang din ang mga mata ko. Hindi ko kayang tumingin sa kaniya, napupuno ako ng takot dahil alam ko kung hanggang saan ang kaya niyang gawin.
"SUMAGOT KA!"
"Hu-huwag . . . p-please—" Napapikit na lang akong napailing sa kaniya habang dama ko ang panginginig ng laman ko na maski ang labi ko ay hindi ko na mapigilang manginig.
"No, you want this, you plan this fucking life. You trapped me in this stupid life and you deserve to feel the same hell!" Damang-dama ko ang mainit niyang hininga at diin sa bawat salitang binibitiwan niya na lalong nagpasikip ng dibdib ko.
"Say something, Lei! Tell me that you're enjoying this life! Tell me!" galit na galit niyang sigaw habang mas humihigpit ang hawak niya sa balikat ko at marahas na niyugyog iyon.
"S-so-sorry . . ." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung anong tamang gawin maliban sa paghingi ng tawad sa kaniya nang paulit-ulit sa tuwing nagagalit siya sa akin.
"S-so-sorry . . . So-sorry . . ."
"Hindi na mababago ng sorry mo ang lahat! Hindi na no'n maibabalik ang mga nawala sa akin! Naiintindihan mo ba! Kasalanan mo ang lahat ng 'to, Lei! Kasalanan mo!"
I can't stop my tears from falling and my heart from breaking. Alam at tanggap ko na kasalanan ko ang lahat, kaya nga hinahayaan ko lang siyang ibuhos sa akin ang lahat ng galit niya at sisihin ako nang paulit-ulit. Handa akong saluhin lahat ng iyon hanggang sa mapatawad niya ako—mapatawad nila ako sa mga nagawa kong kasalanan.
Napapitlag ako sa gulat nang marinig kong suntukin niya ang pinto na malapit sa mukha ko. Matalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin at halos bumaon na rin ang kuko niya sa laman ko, pero hindi ko iyon ininda at mas nangibabaw ang sakit na gumuguhit sa puso ko habang nakatingin sa mga mata niya. Bakas pa rin ang katotohanan na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako napapatawad.
"I-I'm s-so—" Napangiwi ako nang walang pasabi niya akong ibinalibag sa may kama. Kahit masakit ang buo kong katawan ay pinilit kong gumapang palayo pero mabilis lang niyang nahila ang paa ko.
Gusto kong sumigaw, gusto kong humingi ng tulong, pero parang nakalimutan ko na kung paano magsalita at ang tanging alam ko lang ay umiling nang puno ng pakikiusap na itigil na niya ang kung ano mang binabalak.
"Araw-araw kong ipaparamdam sa 'yo lahat ng galit ko hanggang sa ikaw na mismo ang umalis sa bahay na 'to! Pagsisisihan mong nakilala mo 'ko, Lei," nagngangalit niyang bulong sa tainga ko at hindi ko na namalayan na nakaibabaw na pala siya sa likuran ko. Kusang gumalaw ang mga paa ko para magpumiglas, pero higit siyang mas malakas kaysa sa akin kaya malaya at mabilis lang niyang naalis ang suot kong salawal. Walang kahit na anong sabi-sabi ay kinuha niya ang magkabila kong kamay at itinaas iyon sa ulunan ko.
BINABASA MO ANG
His Bad Ways
General FictionLife has its own way to show what life means to us. We see and appreciate things in good ways, but we learned and reflect most of the time because of its bad ways. *** One night, one mistake imprisoned Lei and Trevor into an unwanted marriage. They...
