Kabanata 25

95.7K 2.7K 793
                                        

TREVOR

NAKANGITI AKONG NAPAKAPA sa tabi ko. Malinaw sa alaala ko ang mga nangyari kagabi and I know it was her and it's real. It was Lei I slept with pero bakit gano'n? Wala akong maramdaman sa tabi ko kundi 'yong mga unan at kumot.

Iminulat ko ang mga mata ko at bahagya pa akong nasilaw sa liwanag na tumatama sa akin. Mabilis akong napabangon at kahit anino ni Lei ay hindi ko makita.

"Lei! Lei!" tawag ko sa kaniya at nagmamadali kong sinuot ang boxer ko. Sumilip ako sa banyo pero wala siya kaya naisipan kong lumabas.

"Lei? Lei?"

"Ah Sir, ang aga n'yo namang lasing at hinahanap n'yo na naman si Ma'am Lei," bungad sa akin ni Manang nang makarating ako ng kusina pero wala pa rin si Lei dito.

"Nandito siya, alam ko umuwi siya kagabi," seryoso kong sagot kay Manang na kinakamot niya ng ulo.

"Sir, umamin nga po kayo? Nag-do-droga na ho kayo?" Tumalim ang tingin ko rito at inis siyang iniwan.

Hindi ako namamalikmata, sigurado akong nandito si Lei, pero kung umuwi nga siya, bakit wala akong makitang bakas man lang niya? Bakit umalis ulit siya? Hindi ko maintindihan at mas lalo lang akong naguguluhan. Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari at hindi ko na alam kung anong tamang isipin o gawin.

Inis kong binalibag ang mga unan at pilit na inaalala kung panaginip nga lang ba iyon.

"Fuck!"

What the hell did you do to me, Lei? Bakit unti-unti na akong nawawala sa sarili ko. Bakit palaging ikaw ang nakikita ko? Palaging ikaw ang nasa isip ko?

And I forgot about Cassie and swamped with Lei's unwavering smile, tears and everything about her, kept flashing in my head, and even tried to slapped it down, there she was, piqued my interest to see her again.

Fuck! I never give flowers to a woman, I never asked Jay to hired his private helicopter and make a scene in a public just to caught her sympathy, I never bought a slipper and followed someone time to time, make sure she'll be safe until she got home. This is not me! What the hell is wrong with me that I already dream of her? Having a sweet and steamy night!

"Da—" Bigla akong natigilan sa pagbalibag sa unan nang mahagip ng mata ko ang isang kumikinang na bagay. Mabilis ko iyong kinuha at hindi ako pwedeng magkamali na kwintas iyon ni Lei. Ibig sabihin, hindi ako nanaginip? Totoo talagang may nangyari kagabi, that she was here and we slept together.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti at nawala ang lahat ng inis na nararamdaman ko kanina. I found a little hope in my heart and hold her necklace tightly. It was the same thing that happened five years ago. Iniwan niya lang din akong mag-isa sa kama pagkatapos na may mangyari sa amin at tanging kwintas niya rin ang naiwan at si Mom pa ang nakapulot.

Is this a sign? Babalik na ba siya at uuwi sa bahay? That everything will back in normal? Nagmamadali akong nag-ayos at hindi ko alam kung ano itong pumasok sa isip ko, ang alam ko lang ay gusto ko siyang makita, gusto ko siyang puntahan at tanungin kung para saan iyong nangyari sa amin.

That maybe she needs me too, that we can settle things and we can start a new life again. Mukhang tama si Manang at mas malala pa ako sa naka-droga sa mga ginagawa ko ngayon.

"Trevor," bungad sa akin ni Mom at mariin akong napapikit nang maabutan niya ako sa bahay. Iwas na iwas akong makita sila. Napatikhim ako at seryoso itong binalingan.

"Anong kailangan n'yo?"

"Nasaan na si Lei?" seryosong tanong ni Mom na kinawalang gana ng tingin ko sa kaniya.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon