Kabanata 38

71.9K 2K 705
                                        

LEI

I FEEL DIZZY and nauseous yet I still managed to open my eyes and a white ceiling comes into my vision. Napahawak ako sa ulo ko pero biglang nag-flashback sa akin ang nangyari, 'yong papanakit ng tiyan ko at ang dugo, ibig sabihin—hahawakan ko sana ang tiyan ko pero bigla akong natigilan nang makita si Trevor na hawak ang kamay ko at nakadukdok sa gilid.

Iniangat ko ang isa kong kamay para sana hawakan siya, pero agad iyong natigil sa ere nang maalala ko na wala akong karapatan na hawakan siya. Nanikip ang dibdib ko at alam ko sa sarili ko kung gaano kalaki ang kasalanan ko sa kaniya at ngayon, nadagdagan pa ang pasakit na ibinigay ko rito.

Mabilis kong iniiwas ang tingin sa kaniya at lukot ang labi kong kinagat ang ibabang bahagi nito habang dama ko ang pag-agos ng luha sa pisngi ko.

What should I do now? I'm carrying a child inside my womb and I knew . . . I knew it is not his. It's another waved of torture for him. I thought I could heal him by holding him back but for what happened, I don't know how could I help him nor myself to saved us from all the struggles.

Naisip ko kung tama pa bang sabihin ko sa kaniya ang nararamdaman ko gayong mali na para manatili pa siya sa tabi ko.

"Le-Lei . . ." Mabilis kong pinahid ang luha sa pisngi ko nang marinig kong tawagin niya ako. Huminga ako nang malalim at nagkunwaring kagigising ko lang.

"Umiiyak ka? May masakit ba sa 'yo? Gusto mo tawagin ko 'yong doktor? Sanda—"

"Tama na." Hindi ko na pigilan na magtaas ng boses kay Trevor. Napatingin siya sa akin at hindi ko matiis na lingunin siya.

"Bakit nandito ka pa?" inis kong tanong sa kaniya. Naiinis ako dahil alam niya naman eh, alam niyang buntis ako pero nandito pa rin siya, sana hinayaan niya na lang ako.

"Anong klaseng tanong ba 'yan. Siyempre kailangan mo ako, kaya ako nandito."

Napaismid ako sa sinabi niya at gigil ko siyang tinulak.

"Tama na, Trevor! Hindi kita kailangan. Hindi mo ba nakikita? Buntis ako! Buntis ako at alam mo na pwedeng hindi ikaw ang ama kaya sige na, umalis ka na! Iwan mo na lang ako! Huwag kang tanga! Huwag kang magpakagago! Save yourself with all my shit!"

Ilang beses ko siyang itinulak pero sa huli ay wala siyang ginawa kundi ang yakapin ako nang mahigpit. Bumuhos ang luha ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko para sa kaniya at alam kong mas masakit iyon para kay Trevor.

"Ta-tama na! Tigilan mo na lang ako! I-iwan mo na ako . . ." Humahagulhol ko siyang itinulak pero mas humigpit lang ang mga yakap niya sa akin habang marahan niyang hinahaplos ang buhok ko.

"No. I will never ever leave you, sweetheart. I'm your husband and whatever mistakes you've done, I will always be here to guide, love and accept you. I don't care if it hurts too much, all I want is to love you."

Panandalian siyang tumigil at kahit ako mismo ay naramdaman ko kung paano yumugyog ang mga balikat niya.

"Handa ako maging tanga, gago, at katawatawa sa harap ng lahat and if love will bring me to a deathful pain, it won't stop me from loving you."

Naiiling ako sa sinabi niya, ramdam ko ang pagkadurog sa bawat salitang binibitiwan ni Trevor at alam ko, nararamdaman kong lubog na lubog na siya. Hindi lang pagkatao niya ang inapakan ko, hindi lang pride at dignidad niya ang ibinababa niya, pati ang natitirang respeto sa sarili niya bilang lalaki, nilunok na rin niya sa mga ginagawa niya, sa pananatili sa tabi ko.

"Ta-tama na, layuan mo na lang ako kaysa nasasaktan ka nang dahil sa 'kin. Look at yourself, Trevor. You don't deserve this. Get up and pick up yourself," nanlulumo kong singhal sa kaniya at bakas ko ang panginginig ng boses ko. Ayoko, ayoko siyang lumayo, gusto ko siyang nasa tabi ko, pero hindi ko maatim na makita siyang ganito, na alam kong sa bawat ngiti niya, pinipilit niya lang ipakita na okay siya kahit ang totoo, durog na durog na siya nang dahil sa mga ginawa ko, na kung iisipin, naging matagumpay ako na paghigantian siya, pero iba na—ayoko na at ako mismo ang nasasaktan para sa kaniya.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon