Kabanata 32

74K 2K 499
                                        

CASSIE

"LEI, WILL YOU be my girlfriend?" Agad akong natigilan sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Trey. Mula sa kinatatayuan ko, kita ko kung paanong nakaluhod si Trey sa harapan ni Lei.

I knew that he has a feeling for Lei when we still young. They like each other before at masyado lang duwag si Trey para aminin iyon kay Lei.

I remembered the day when I asked Trevor to set a party in his house for Trey's birthday. Sinadya ko talaga na maging malaki ang party at ibinilin ko kay Trey na magtapat na siya kay Lei ng nararamdaman niya at ako nang bahala para mapapunta si Lei sa party, pero iba ang nangyari.

I hope I was there that night so everything will set according to my plan. Sana noon pa man, matagal nang nasabi ni Trey ang feelings niya, hindi rin sana umabot na masira ang lahat sa amin.

And now seeing my best friend in this situation, I know she's no longer happy nor in a right sense to decide. Kung may taong higit na nakakakilala kay Lei, masasabi kong ako iyon, it just happened that I swamped with my emotion kaya hindi ko siya kayang maunawaan noon.

"I-I'm sorry, I'm not yet ready for this."

Nakita ko kung paanong bumagsak ang balikat ni Trey sa nakuha niyang sagot, pero hindi ko maiwasan na tingnan si Lei kung saan ay wala siyang ibang alam gawin kundi ang tumakbo palayo. Nagtama pa ang mga mata namin at kita ko kung paano niya iiwas agad ang sarili hanggang sa lagpasan niya ako.

Napalingon ako kay Trey at hindi ko napigilan ang maawa sa sitwasyon niya. He only loved one woman in his entire life and I feel sorry for his heartbreak. Naiiling akong humakbang palayo at nagpalinga-linga sa buong lugar.

I know how weak she was, kahit ano pang tapang ang ipanapakita niya, alam ko noon pa man, kung gaano kahina ang kalooban ni Lei.

And I didn't fail as I saw a wounded woman, hugging herself and crying like a child. Mahigpit akong napahawak sa dala kong ice cream at malalim na napabuntonghininga.

I wasn't supposed to be here kundi dahil kay Trevor. Kung hindi niya ako kinonsensya nitong mga nakaraang araw, hindi ako makikisimpatiya kay Lei.

Sana hindi na lang sa akin sinabi ni Trevor ang lahat-lahat ng ginawa ni Lei para sa akin dahil lahat ng galit ko sa kaniya noon ay biglang naglaho.

I'm not yet ready to forgive her noong hinarang ko siya but now, seeing her helpless, I can't help but to return the favor. I sat beside her and looked up at the blue sky and handed her an ice cream.

"Huhulaan ko, may nagawa kang kasalanan at nakokonsensya ka."

Buong lakas kong hinugot iyon para makapagsalita. I don't know if she will talk or listen to me after all what happened between us, but in this case, I feel her sorrow.

Naramdaman kong nag-angat siya ng tingin sa akin. Nakita ko kung gaano ka-pula ang mga mata niya at namamaga na rin iyon.

"Ca-Cassie . . ." hindi makapaniwalang tawag niya sa akin, pero mas nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit at yumugyog ang balikat niya habang umiiyak.

"I-I'm sorry, Cassie. I'm sorry for everything I did to you," humahagulhol at basag ang boses niyang sabi sa akin. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko hanggang sa mahanap ko na lang ang sarili ko na yakap-yakap din siya at marahan na hinahagod ang likod niya.

"Shhhhh . . . tama na baby girl, nandito na si ate, oh."

I could feel the heat in my eyes so I look up and fight back with my own tears. Sa tuwing umiiyak si Lei noon, ako 'yong tagapagtanggol niya, na sa tuwing may umaaway sa kaniya, ako itong makikipagsuntukan dahil ako itong mas nakakatanda at mas nakakaunawa sa kaniya.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon