LEI
I WAS RUSHING down the stairs when I forgot to set an alarm for this day. Maaga ang taping ngayon dahil kailangan naming pumunta ng Baler para sa isang scene.
"Hey princess, good morning," masiglang bati sa akin ni Dad and I wasn't surprised when I saw a him sitting beside my father. He was smiling from ear to ear as he greeted me a good morning.
"Come here, princess. Samahan mo kaming kumain," Dad offered and I sat beside him, in front of Trevor.
He's an early bird and always there before my given time and obviously he has a good team up with my father. Hindi ko nga maintindihan kung bakit parang close silang dalawa or maybe they already knew each other before.
Kinuha ko na lang ang plato at nagsandok ng makakain ko, but I saw how Trevor stood up and prepare a coffee for me. I look up with Dad who's smiling at us, a glimpsed of hope and happiness is evident in his eyes.
"Coffee," he said as he handed me a cup of coffee. Tipid akong ngumiti kay Trevor at ewan ko ba kung anong iniisip niya at parang todo pasikat siya sa lahat ng oras.
Kahit wala si Dad, ginagawa niya pa rin 'yong ipagtimpla ako ng kape at kung ano-anong bagay na kahit kaya ko, gagawin niya para sa akin. Tulad no'ng isang araw, ipinagbalat niya ako ng orange. Medyo weird na nga siya minsan sa paningin ko pero on the other side, natutuwa ako sa hindi malamang dahilan o masyado akong nag-e-enjoy na pinagsisilbihan niya ako.
Ano ba itong iniisip ko? Ako, nag-e-enjoy at natutuwa sa ginagawa ni Trevor? Kailan pa? Paano at bakit? Pinilit ko na lang alisin sa isip ko iyon at tahimik na kumain.
"Pupunta pala kayo ng Baler."
"Yeah, may taping po kami roon sa Hanging Bridge," kwento ko kay Dad and he said we should take care, pero kay Trevor niya lang naman ako ibinilin.
Pakiramdam ko masyado na akong na-i-spoiled kay Dad sa mga ginagawa at binibigay niya sa aking atensyon, pero hindi ko iyon matanggihan dahil kahit ako mismo ay masaya ako, pakiramdam ko alagang-alaga ako ngayon.
"Huwag po kayong mag-alala, ako na pong bahala sa kaniya." At idagdag pa si Trevor na animo'y mababasag ako o mawawala sa oras na malingat lang siya.
"Dad, mauuna na kami." Tumayo na ako at humalik sa pisngi niya habang marahan na tinatapik nito ang likod ko.
"Okay. Take care my, princess."
"Kayo rin po." Nakangiti akong kumaway sa kaniya at nagmamadaling naglakad palabas. Wala akong oras para makipaglokohan ngayon kay Trevor kaya hinayaan ko lang siya na sumunod, at narinig ko pang nagpaalam din siya kay Dad.
"Hey, wait."
"What? Nagmamadali ako," inis kong singhal sa kaniya at inunahan naman niya ako sa paglalakad para lang pagbuksan ako ng pinto.
"Okay na," nakangiti niyang sabi at hindi ko napigilan na irapan siya.
Saktong pagsakay ko ay bigla na lang may humintong sasakyan sa harapan namin at nagmamadali pang bumaba si Trey.
"Hey, sabay na tayo," sabi nito pero mabilis na isinarado ni Trevor ang pinto.
"Sorry, may sasakyan siya papunta doon. Kita-kita na lang tayo sa Baler," mapang-asar na sagot ni Trevor at agad siyang umikot sa kabilang side para sumakay.
Mabilis niya ring pinaandar ang makina at mahina pa akong napamura nang iabante niya ang sasakyan. Akala ko ay sasagasaan pa niya si Trey na siya ring napaatras.
"Ooopppss, sorry. 'Di ka lang pala mabagal, nakaharang ka rin kasi," nakangisi sabi ni Trevor kay Trey nang madaanan namin ito at tuluyang pinaandar ang sasakyan palabas ng mansyon. Napalingon ako sa likod at nakita ko kung paano sipain ni Trey ang kotse niya.
BINABASA MO ANG
His Bad Ways
General FictionLife has its own way to show what life means to us. We see and appreciate things in good ways, but we learned and reflect most of the time because of its bad ways. *** One night, one mistake imprisoned Lei and Trevor into an unwanted marriage. They...