LEI
"BAKIT HINDI KA rin nag-bi-birthday party? 'Di ba five years old ka na ngayon?" Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ang usapan nila, kasalukuyan silang nakasalampak sa may sahig ng sala habang naglalaro.
"Sabi ni Mama at Dada, bukas kami mag-pa-party. Punta ka ah, alam mong ikaw ang lagi kong hinihintay sa mga bisita ko," nakangiti sabi ni Lee at masaya akong makita na hindi siya nagrereklamo na lagi naming pinapalipas ang isang araw bago ganapin ang birthday niya.
"Oo ba! I love parties! Harry Potter ba ang theme?" Natutuwa at pumapalakpak pa ang kaibigan niya habang nakasimangot naman siya.
"Ayoko ng magic, gusto ko action! Bang! Bang! Bang!"
Masigla niyang kinuha ang laruang baril at tumungtong pa siya sa sofa para magtatalon at umaktong nakikipagbarilan. Hindi ko natiis na lumapit sa kanila pero may yumakap sa likuran ko at nagkunwari tinutukan ako ng baril.
"Detective Lee Del Valle, ibigay mo ang kahilingan ko kung hindi, itatakas ko ang lahat ng pagkaing dala ng Mama mo."
Hindi ko napigilan ang mapangiti sa kalokohan ng mag-ama at talagang tinutok pa ni Lee ang baril-barilan niya kay Trevor.
"Hold your fire or I'll shoot you!"
"Catch me, Sir!" mapang-asar na sigaw ni Trevor sabay kuha nito ng cookies sa mga bitbit kong pagkain.
"No! That's mine! Bang! Bang!"
Natawa na lang ako nang magpaikot-ikot silang mag-ama sa sala habang naglalaro ng baril-barilan.
Suportado ni Trevor ang lahat ng gustuhin ni Lee kahit madalas pabago-bago ang desisyon niya. Siguro ay dahil sa bata pa ito at mas mabilis na magsawa, at dahil na rin sa isang sabi niya lang, ibinibigay na ni Trevor ang lahat ng naisin ng anak.
Minsan nga ako na 'yong nagagalit sa kanilang mag-ama dahil masyadong ini-spoil ni Trevor ang anak namin, pero hindi ko siya matiis o masisi sa tuwing sinasabi niya sa akin na gusto niya lang maging mabuting ama, bagay na hindi niya nagawa noon at naranasan.
Nasabi na sa akin ni Trevor ang lahat, kaya mas naintindihan at naunawaan ko na siya at hindi na naging mahirap para sa akin na tulungan siya na buuin ulit ang sarili niya.
"Ang galing! Ang galing! Sali rin po ako Tito Trevor!" sigaw ni Jade at nagtatalon pa ito sa tuwa.
"Game over na, Jade. Uuwi na tayo." Sabay-sabay kaming napalingon sa bagong dating. Matamis ang ngiti niya na lumapit sa amin. Binuhat pa niya ang anak na humahaba na ang nguso.
"Pero, Dad—"
"Jade, uuwi na tayo. May pupuntahan pa sila, oh." Sabay nguso ni Jay sa mga bitbit ko.
"Okay lang 'yon, Jade. Bukas na lang ulit tayo maglaro. Punta ka sa birthday ko, ah."
Napatingin ako kay Lee na ngayon ay buhat-buhat na ni Trevor, parehas na may matamis na ngiti sa mga labi nila at lumapit pa si Trevor sa tabi ko para ikulong sa isang braso niya ang baywang ko.
"Sure! Happy birthday, Lee! Ba-bye!"
"Trev, Lei, una na kami, ah. Ikumusta mo na lang din ako sa kaniya."
Napatango kami ni Trevor kay Jay at nakangiti pang kumaway-kaway sa amin ang anak niyang babae na si Jade. Siya ang laging kalaro ni Lee at madalas din siyang naiiwan dito sa bahay dahil sa busy si Jay at Aloja sa negosyo nila.
May limang taon na rin ang lumipas, maayos at naging mapayapa ang ilang taon na nagdaan. Nakulong si Señor, at si Dad? Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tanggap si Trevor.

BINABASA MO ANG
His Bad Ways
Narrativa generaleLife has its own way to show what life means to us. We see and appreciate things in good ways, but we learned and reflect most of the time because of its bad ways. *** One night, one mistake imprisoned Lei and Trevor into an unwanted marriage. They...