Kabanata 31

75.8K 2.1K 965
                                    

LEI

I COULD BARELY feel the cold water running all over my body. More than an hour na akong nandito sa banyo at hindi ko maiwasan na kaskasin mabuti ang bawat parte ng katawan ko. Duming-dumi ako sa sarili ko na halos mamula o dumugo na ang balat ko nang dahil sa ginagawa ko.

Magkahalo na rin ang mga luha at tubig sa buo kong katawan habang naaalala ang kagaguhang ginawa ko. I am aware of everything, na kahit ako mismo ay nandidiri sa sarili ko. Hindi ko itatanggi na ginawa ko iyon dahil sa galit ko kay Trevor pero mukhang kahit anong pagligo o paghilod ang gawin ko sa katawan ko, hindi ko na mababago na nakagawa ako ng malaking kasalanan, isang pagkakamali na alam kong habambuhay kong dadalhin.

Wala sa sarili kong inihampas ang ulo ko sa pader habang hinahayaan ko lang na dumaloy sa katawan ko ang tubig. Gusto kong hugasan ang sarili ko pero hindi eh, hindi mahuhugasan ng mga tubig na 'to ang na gawa ko.

Alam kong mali, mali ako sa kahit na anong anggulo ko iyon tingnan, pero kahit ilang beses pa akong bumalik sa oras na iyon, alam kong gagawin at gagawin ko pa rin iyon dahil kay Trevor, dahil sa nararamdaman kong galit para sa kaniya.

Sinadya kong maagang umalis kanina sa bahay, iniwan ko roon si Trey na mahimbing ang tulog at umuwi ako ng mansyon, hindi ko rin hinintay na mag-abot kami ni Dad kahit pa nagtagal ako sa paliligo.

Wala akong ibang alam na malalapitan ngayon kundi ang nag-iisang alam kong makikinig sa akin pero walang panghuhusga niya pa rin akong tatanggapin.

Nag-aalangan akong pumasok sa loob dahil nahihiya akong humarap sa kaniya pero sa huli, naisip ko na ito lang ang bahay na alam kong kayang pagaanin ang nararamdaman ko. Nagtulos ako ng kandila at ilang beses na nanalangin sa simbahan, nangumpisal ako sa lahat ng kasalanan ko lalo na sa nagawa ko kagabi.

Bahagyang gumaan ang loob ko nang makalabas ako ng simbahan, pero may isa pa ring parte sa puso ko ang hindi pa handa, bagay na nagpatunay na tao lang din ako, hindi ko kayang maging perpekto sa lahat ng oras, hindi ko kayang isalba at unawain ang lahat ng bagay, na kahit anong mangyari, darating din ako sa puntong isusumpa ko ang sarili ko sa isang pagkakamaling ako mismo ang gumawa.

Maghapon kong pinatay ang cell phone ko dahil alam kong tatawag si Trey at ayoko rin makabasa ng text mula kay Trevor. Iyon eh kung gugustuhin niya pa rin na sundan ako pagkatapos ng mga sinabi ko sa kaniya. Baka isumpa na rin niya ako sa oras na malaman niya ang nangyari sa amin ni Trey.

Napangiti ako nang mapait sa naisip. Iyon naman talaga ang gusto ko, 'di ba? Kaya ko iyon ginawa ay para tigilan na ako ni Trevor, para tapakan ang pagkatao at pagkalalaki niya, na maramdaman niya ang sakit na naramdaman ko, na araw-araw niyang pagsisihan na nakilala niya ako.

Pero bakit ganito? Nakokonsensya ako para kay Trey, hindi ko alam, nasasaktan ako sa ginawa ko, hindi ko siya dapat ginamit. Hindi ko dapat sinamantala ang nararamdaman niya para sa akin.

"Calleigh." Mabilis kong pinahid ang luha ko nang marinig ko ang boses ni Dad.

Inayos ko rin ang sarili ko at ayoko na mapansin niyang umiiyak ako. Wala akong karapatan sa kahit na anong simpatya mula sa ibang tao, desisyon ko ito, ako ang may gawa nito kaya dapat panindigan ko.

"Bu-bukas po 'yan." Napalunok pa ako at napahinga nang malalim nang mabanaag ko ang pagkabasag sa sariling boses.

Nakita kong pumasok siya sa kwarto ko at binuksan pa niya ang ilaw. Kanina pa ako rito at ibinilin ko lang sa katulong na huwag sasabihin kahit kanino na nandito ako, pero siyempre hindi kabilang doon si Dad dahil siya ang may-ari ng mansyon.

"Hey princess, is there any problem?" tanong niya at umupo sa tabi ko. Nagkunwari na lang akong abala sa paggawa ng script pero ang totoo, wala ako ngayon sa kondisyon o tamang wisyo. Hindi ko nga alam kung paano ko haharapin si Trey at kung paano ko ngayon titingnan sa mata si Trevor.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon