LEI
BUMILIS ANG PINTIG ng puso ko habang nakatitig ako sa isang malaking building sa aking harapan. Nagkamali yata ako ng desisyon na pumayag at sumama kay Kiko, mas mabuti pang bumalik na lang ako sa bahay at alagaan ko na lang si Evo.
"Oh, saan ka pupunta?" pigil sa akin ni Kiko nang akmang tatalikod na ako pabalik sa kotse niya.
"K-Kiks . . . uuwi na lang ako. Hindi ko kaya," kinakabahan kong sabi sa kaniya. Malakas lang ang loob ko kanina dahil sa naiinis ako kay Trevor sa hindi niya pagsipot kay Evo, pero ngayong nandito na ako, naubos na ang lahat ng lakas at tapang ko.
Hindi ka talaga nag-iisip nang mabuti, Lei. Sugod ka nang sugod kaya ano ka ngayon? Nagdurusa sa lahat ng kagagahang ginawa mo.
"Lei, huwag kang ganiyan. Wala nang time, oh. Malapit na magsimula at baka nga may mga bisita na sa loob."
"Pero kasi—"
"Please, Lei. Matitiis mo ba 'ko?" Lumungkot ang mukha niya at animo'y napupuwing ang mga mata sa kakakurap habang humahaba ang nguso. Halatang kinokonsensya niya lang ako at ako naman itong gaga na nagpadala sa pang-uuto sa akin ni Kiko.
"Oo na, sige na." Napakamot na lang ako sa ulo at bigla namang lumapad ang ngiti ni Kiko.
"Ayun! Oh, huwag mong guluhin 'yang buhok mo. Natutuwa talaga ako makita ka ulit na magmukhang tao," biro pa niya sa akin na kinabusangot ko sa kaniya habang inaayos ang nagulo kong buhok.
"Hindi ba ako mukhang tao sa paningin mo?"
"Honestly, muntikan ko nang isipin na napabayaan ka ng magaling kong pinsan nang makita kita. Nangayayat ka kasi at hindi ka na nag-aayos hindi tulad noong nagkakilala tayo. If you know what I mean, crush kaya kita no'n!" natawa pa niyang sabi at saka inilahad ang braso niya kaya kinawit ko naman agad ang kamay ko.
"Hindi nga kita type," natatawa ko pang pang-aasar sa kaniya.
Ang totoo kasi talaga ay niligawan ako noon ni Kiko, pero hindi ko siya sinagot kaya ayon, naging magkaibigan na lang kami.
"I know. I know. Ang akin lang, huwag mong pabayaan 'yang sarili mo sa kakaalaga sa mag-ama mo. You still have a life to live. Sayang ang ganda mo," nakangiting sabi niya at bakas ang sinseridad sa bawat salitang binitiwan niya. I'm really blessed for having a friend like him. Kung siguro nandito lang siya noong mga panahong gulong-gulo ako, baka wala ako ngayon sa puder ni Trevor at maayos pa ang lahat, pero sigurado na wala rin akong isang Evo. Si Evo lang talaga ang masasabi kong pinakamagandang nangyari sa akin sa kabila ng masamang nakaraan.
Hindi ko namalayan na nakapasok na kami sa venue at halos malula ako sa ganda at laki ng lugar. Mayaman sina Trevor, they owned a lot of business in the entire world but he never allowed me to take part of it. Bahay, eskwelahan, at mall lang ang napupuntahan ko at kung may pupuntahang malalaking event para sa negosyo nila, hindi ako isinasama ni Trevor dahil sa mahihirapan lang kami parehas na kumilos habang nagpapanggap.
In short, simula nang mapadpad ako sa puder ni Trevor ay naging taong-bahay na lang ako. Hindi rin kasi niya ako pinapayagan na magpunta kung saan-saang gathering o gawin 'yong mga nakasanayan ko noon bilang parusa niya sa akin. "Babe, nandito na kami. Kasama ko na 'yong emcee."
"Buti at dumating ka—" Biglang natigilan si Fatima nang makita akong kasama ni Kiko. Kita ko sa mata niya na hindi siya natutuwang makita ako at bago pa ako makapagsalita ay mabilis niyang hinila palayo sa akin ang boyfriend niya.
"Babe, huwag ka masiyadong excited. Mamaya na tayo mag-dessert," malanding biro ni Kiko kay Fatima na masama pa rin ang tingin sa akin.
"Bakit kasama mo 'yan?"
BINABASA MO ANG
His Bad Ways
Ficção GeralLife has its own way to show what life means to us. We see and appreciate things in good ways, but we learned and reflect most of the time because of its bad ways. *** One night, one mistake imprisoned Lei and Trevor into an unwanted marriage. They...