LEI
"THIS IS GREAT, Mister Del Valle. You can send me a copy of the contract and after that, let's talk about it."
"Sure, it's my pleasure, Gov. I assure you, we won't disappoint you with our services."
"I know. Your family and mine is at its best."
Nakita ko pang nagkamayan silang dalawa, hudyat na maayos ang naging deal nila sa isa't isa. Napalingon pa si Governor Fuentabella sa direksyon ko at isang matamis na ngiti ang sumilay sa gwapong mukha nito. He was in the mid of 40s to 50s yet he's stunning. Ginantihan ko rin ito ng isang matamis na ngiti at alam kong magiging maayos ang deal nila dahil malapit na kaibigan ng Del Valle ang mga Fuentabella.
"Mukhang naniniwala na ako na behind every successful man is his woman."
Lumapad ang ngiti nito sa akin at mula sa isang matamis na ngiti ay naging isang pilit na ngiti ang gumuhit sa labi ko.
Napalingon ako kay Trevor and I saw how his genuine smile turned into a fake one. Mabilis din itong lumapit sa akin at mahigpit na hinila ang baywang ko palapit sa kaniya.
"Of course, ninong. I won't be here if she wasn't my wife. Right, sweetheart?"
Nakangiti niya akong nilingon-ngiti na kung titingnan ng iba ay puno ng pagmamahal at tuwa, pero para sa akin ay isa iyong malaking insulto at palabas.
Pero tulad ng dati, kailangan kong ipakita na masaya kami, na ayos lang kaming dalawa, kaya wala akong ibang nagawa kundi ngumiti rin at nagkunwaring hinahagod nang malambing ang balikat niya.
"Ako nga po ang maswerte rito sa inaanak n'yo," nakangiti kong sagot at abot-langit ang dasal na sana ay hindi na humaba pa ang usapan tungkol sa aming dalawa. Alam ko kasing hindi iyon maiiwasan dahil isa siya sa mga naging ninong noong araw ng kasal namin.
"Ang swerte nga ng daddy mo at nakita niya na agad ang apo niya sa 'yo while I'm still waiting for Jay and Aloja's wedding. Nakakainip," natatawa pa nitong sabi sa amin habang hindi na ako makaimik at naiilang sa sitwasyon namin ni Trevor.
Kahit limang taon na kaming nagpapanggap na masaya at ayos ang pamilya, hindi pa rin ako komportable sa ganitong sitwasyon. Nasasaktan ako at naaawa para sa sarili ko.
"Don't worry, ninong. Sooner or later, magpapakasal na rin ang dalawang iyon. I saw how Jay gives everything to Aloja," nakangiti pa ring sagot ni Trevor, pero sa kabila no'n ay alam kong hindi na rin niya matagalan ang sitwasyon. Humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko pero pilit kong pinigilan ang ngumiwi nang dahil sa sakit ng pagkakahawak niya.
It is actually a sign that I need to do something para makaiwas na kami sa usapan tungkol sa aming dalawa, so I think, and then made the first move.
"Wait, I baked some cookies for you and for your wife. Hold on, I'll get it."
Nakangiti at pakiwaring marahan kong inalis ang kamay ni Trevor sa aking baywang. Saktong pagtalikod ko ay hindi ko napigilan ang mapangiwi dahil sa sakit. Pasimple ko na nga lang iyong hinimas para hindi mapansin ang pag-inda ko.
"Ito po, paki sabi na lang po kay ninang na kapag may time ako, tuturuan ko na talaga siyang mag-bake."
"Don't worry, I'll tell it to her. So paano, mauuna na ako sa inyo at thank you dito sa cookies mo, Lei."
Nakangiti akong tumango rito at kita ko pa kung paano nito tinapik ang balikat ni Trevor bago tuluyang nilisan ang silid. Muli akong nakahinga nang maluwag at sinimulan nang iligpit ang pinagkapehan nilang dalawa, samantalang bumalik na si Trevor sa lamesa niya at itinuon ang atensyon sa harap ng computer.
BINABASA MO ANG
His Bad Ways
Fiksi UmumLife has its own way to show what life means to us. We see and appreciate things in good ways, but we learned and reflect most of the time because of its bad ways. *** One night, one mistake imprisoned Lei and Trevor into an unwanted marriage. They...
