LEI
I PUBLISHED AN article about the empowerment of woman specially those battered one. I don't know what comes in my mind to create a page for it and just found myself doing it after Evo's death. Siguro gusto ko lang iparating sa mga nakaranas nito na dapat matuto sila maging matatag at hindi basta maging sunod-sunuran na lang sa mga asawa nila. Marami kasi ang takot at kadalasan walang boses kaya madalas huli na bago dumating ang realization hanggang sa mawala na rin ang pinapahalagahan nila.
And that's exactly what happened to me. Bago ko matutunan na kumawala sa kamay ni Trevor ay kailangan munang mawala sa akin si Evo, bagay na habambuhay kong pagsisihan at ayokong mangyari sa iba. I want to be a voice for everyone kahit alam ko na mas marami pang mas higit ang dinanas kaysa akin.
"Bree!" Napalingon ako sa tumitili at tumatakbong si Anna papunta sa akin.
"Ano bang nangyari?" Hindi ko napigilan ang tanungin ito nang mapansin nahihirapan pa itong humiga dahil sa pagkataranta.
"OMG! OMG! OMG!" sigaw pa niya habang natatalon pa rin. Gusto ko na nga siyang sampalin para matauhan nang bahagya.
"Antonio!" tawag ko sa totoong pangalan nito at doon lang siya natigilan at inirapan akong hinampas ang braso ko.
"Bastusan tayo dito, Bree?" mataray nitong sabi sa akin na ikinangiti ko. Yes, I can smile and try to smile despite of everything. They don't deserve a cold treatment from me, kay Trevor lang talaga malamig ang pakikitungo ko, pero sa iba? Wala silang atraso sa akin kaya wala akong karapatan para hindi sila pakitunguhan nang maganda.
And speaking of Trevor, hindi ko pa ulit ito nakikita after ng mga nangyari sa studio. Umalis siya no'n at tila hindi makapaniwala na hindi niya na ako mapapasunod sa mga gusto niya.
Ayoko nang isipin pa siya, mas mabuti nang wala siya sa buhay ko at pakiramdam ko naging malaya ako at nagagawa kong huminga nang maayos. Sana lang . . . nandito si Evo. Siguro mas masaya ako ngayon kung kasama ko pa rin siya.
Lalo na at lumabas na ang trailer namin para sa movie at waiting na lang kami sa approval ng MTRCB. Hindi ko maalis sa isip ko na baka si Evo ang una kong pagsasabihan no'n at siguradong siya rin ang unang matutuwa.
"I'm sorry, ikaw kasi, mas marami pa 'yong tili mo kaysa sa ibabalita mo." Sinarado ko na ang laptop ko at napapikit ulit dahil sa isang matinis na tili ni Anna.
"Paano ako hindi titili, the trailer got a million of views in just a day. OMG! Bree, this is the most viewed trailer and look, it gathered a lot of good feedbacks. Gosh! Sabi na nga eh, iba 'yong klase ng manipulation mo sa buong team."
Hindi ko napigilan na kuhanin kay Anna ang phone niya at tiningnan ang sinasabi niyang trailer namin. Tama nga, ang dami na nitong views at maraming gustong makapanood nito. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood ang video at binabasa ang mga comment. Is it for real? Ito na ba talaga ang matagal ko nang pinapangarap? Maging isang successful na director at script writer?
"Another good news, approved na ang movie for its showing at bukas na ang premiere night." Sabay kaming napalingon ni Anna kay Trey pero nauna pang magtatalon si Anna at sinalubong ng yakap si Trey.
"OMG! OMG! Ang bango-bango mo, papi!" Natawa ako nang makita kong inamoy-amoy pa ni Anna si Trey na kinasimangot naman nito.
"Tigilan mo nga, Antonio. Kinikilabutan ako."
"Grabe ah, inaamoy lang kita pero seriously? Premiere night na ba bukas? Agad, agad?" tanong ni Anna na ikinatango ni Trey at napatakip ito sa bibig na halatang excited na ipamalas ang pagiging stylist niya.
Alam kong masyadong naging mabilis ang pangyayari pero tulad ng sinabi ni Trey, he already prepared everything for this, ako na nga lang talaga ang kulang noong bigla akong nawala.

BINABASA MO ANG
His Bad Ways
General FictionLife has its own way to show what life means to us. We see and appreciate things in good ways, but we learned and reflect most of the time because of its bad ways. *** One night, one mistake imprisoned Lei and Trevor into an unwanted marriage. They...