Kabanata 28

79.8K 2.4K 1.1K
                                    

LEI

"EVO!" MABILIS AKONG napabangon nang mapanaginipan ko si Evo. Hanggang ngayon, malinaw pa rin sa akin ang aksidente at may mga gabing hindi ako nito pinapatulog. Napahilamos ako sa mukha at ramdam ko ang sakit ng ulo ko at tila ba lalagnatin ako.

Bigla akong napatingin sa paligid nang mapansin na pamilyar ang kwartong ito. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong kwarto namin ito ni Trevor. Agad akong napabangon at iba na rin ang suot kong damit. Ang tanging huling naaalala ko ay umiiyak ako sa puntod ni Evo at parang batang nagsusumbong sa kaniya. Nawalan yata ako ng malay pero hindi ko alam kung paano ako nakapunta rito. Hi-hindi kaya . . .

"Gising ka na pala. Sakto, dala ko na itong pagkain mo."

Agad akong napalingon kay Trevor na bitbit ang isang tray ng pagkain at kita ko pang umuusok ang mainit na sabaw. Nakangiti niya akong nilingon pero masama ko siyang tiningnan at tumayo na ako.

Kung paano ako napunta rito, hindi na iyon mahalaga, mas importante sa akin ngayon na makaalis ako sa impyernong lugar na ito. Agad kong hinanap ang mga gamit ko pero wala akong makita ni isa.

"Basa pa, pinaayos ko muna kay Manang 'yong mga gamit mo kaya kumain ka muna bago ka umalis."

Inilapag niya ang dala niya sa may lamesa pero hindi ko pa rin ito pinansin. Babain ko na lang si Manang para kuhanin ang mga gamit ko, hindi ko talaga matagalan na makasama pa si Trevor, mas nag-iinit pa nga ang dugo ko dahil hindi ako buntis.

Hindi ko man lang maipapamukha sa kaniya na hindi ko siya kailangan at kaya kong magpalaki ng bata kahit wala siya. Hindi ko tuloy makikita kung paano siya luluhod sa harapan ko para lang makiusap sa karapatan niya. Nakakainis!

"Lei, sandali lang," pigil niya sa akin at mabilis kong tinabig ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Pwede ba, tigilan mo na 'ko!"

"Can we talk? Even just for a while," pakiusap niya at hinawakan ang kamay ko.

"Wala na tayong dapat pag-usapan kaya pwede ba, bitiwan at tigilan mo na 'ko! Ano bang hindi mo maintindihan na tapos na ang lahat at wala ng dahilan para magsama pa tayo! Pinirmahan ko na,'di ba? Ano pa bang gusto mo!?"

"Ikaw! Ikaw ang gusto ko, Lei. Ayoko na ng annulment, ayoko nang umalis ka. Ayoko nang malayo ka, ayokong makita kang may kasamang iba. Lei, ikaw ang gusto ko. Ikaw lang!"

Nagulat ako pero hindi sa biglaang pagsigaw niya kundi sa mga sinabi niya. Nabibingi ba ako? Namamali yata ako ng dinig sa mga sinabi niya. Ako? Gusto niya?

Hindi ko napigilan ang tumawa sa sinabi ni Trevor, isang tawa na alam kong maiinsulto siya at manliliit, 'yong tawa na alam kong bigla niyang babawiin ang lahat ng sinabi niya dahil alam niyang isang kahihiyan iyon sa pagkatao niya.

"Ako? Gusto mo?" natatawa ko pa ring tanong sa kaniya habang seryoso lang siyang nakatingin sa akin, pero agad akong natigilan sa naging sagot niya.

"Hindi ko sinabing gusto kita." Napalunok ako sa sinabi ni Trevor at parang ako itong nagmukhang tanga sa harapan niya.

"Oh, ayon naman pala! Ano pang kailangan mo?" Umasta akong hindi naapektuhan sa sinabi niya, pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nanlumo nang sabihin niya na hindi niya ako gusto. Naramdaman ko rin ang paninikip ng dibdib ko.

Mali nga ba talaga ako ng pagkakarinig? O sadyang hindi ko lang naintindihan ang sinabi niya? Mas sumasakit ang ulo ko, bakit ba hindi na ako natahimik? Ano bang malaking kasalanan ko para sapitin ko ang lahat ng ito?

"Ikaw." Hindi ko napigilan na itulak si Trevor dahil mas lalo akong naguguluhan sa kaniya. Unti-unti kong nararamdaman ang pag-init ng mga mata ko pero pilit kong tinatagan ang loob ko.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon