Kabanata 5

88.5K 2.5K 154
                                        

LEI

AS EVO AND Trevor leave the house, I started cleaning.

Sakto kasing nagkalagnat si Manang at nagpaalam na uuwi muna siya sa kanila at 'yong isang katulong naman ay namalengke pero 'di tulad ni Manang ay uwian ito, kaya walang ibang maglilinis ng bahay kundi ako lang.

Ayoko rin kumuha ng maraming katulong dahil sa tatatlo lang naman kami rito sa bahay. Maghuhugas na sana ako ng mga pinagkainan namin kanina nang mapansin ko 'yong nakapatong na folder sa ibabaw ng lamesa.

Napakurap pa ako nang ilang beses bago ko iyon kinuha. Pagtingin ko ay iyon ang folder na ibinigay ko kay Trevor kanina na gagamitin niya para sa meeting nila ngayon.

Ibig sabihin naiwan niya ito? Anong gagamitin niya kung ito lang ang kopya ng structural plan? Bigla akong napalingon sa nakasabit na orasan at may trenta minutos na lang bago magsimula ang meeting nila. Walang sabi-sabi akong nagmadaling umalis ng bahay papunta sa opisina niya.

Wala pa rin si manong kaya nag-taxi na lang ako. Sakto

na pagdating ko roon ay puno ang elevator kaya pilit akong nakipagsiksikan sa loob. Sila mismo ang dumistansya at binigyan ako ng espasyo.

"Salamat," nakangiti ko pang sabi pero walang kumibo at may ilang nag-iwas ng tingin pero ang iba ay nakamata sa akin, ngunit hindi ko na iyon pinansin at mas higit akong nag-alala para kay Trevor. Hindi naman ako nabigo na marating ang floor kung nasaan ang opisina ni Trevor at walang pag-aalinlangan na binuksan iyon.

Natigilan lang ako nang pagbukas ko ng pinto ay nagliparan ang mga mata nila sa akin. Hinagod nila ako ng tingin at ang ilan sa kanila ay natatawa pa at ang iba naman ay naiiling. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang sarili ako at doon ko lang napagtanto na ang dungis ng suot kong damit, maluwag din iyon at basa ang laylayan dahil sa nilinis ko ang swimming pool. Gulo-gulo rin ang buhok ko at may alikabok pa ang suot kong shorts.

Bigla akong nahiya nang makita ko ang istura ko. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Sana talaga kapag sa ganitong sitwasyon ay kusang bumuka ang lupa at kainin na lang ako.

"Anong ginagawa mo rito?" gigil na sabi ni Trevor nang marahas niya akong hilahin palabas ng kaniyang opisina.. Doon ko lang din napagtanto na nakaalis na ako mula sa mga mapanghusgang tingin ng mga tao sa loob. Hindi ako nakakibo at hiyang-hiya pa rin ako sa nangyari. Wala sa loob ko pa ngang pinapagpag ang nakasabit na agiw sa balikat ko.

Buti na lang talaga ay hindi ako mabaho kahit pa sinuot ko ang mga ilalim ng kama at cabinet kanina. Ito kasi ang hirap kapag may katulong, kung ano lang ang mga nakikitang kalat ay iyon lang ang lilinisin nila.

"Wala ka ba talagang ibang alam gawin kundi bigyan ako ng problema?"

Nagulat ako nang hilahin niya ako at mariin niyang pinisil ang braso ko. Nakita ko pa ang nagtatagis niyang bagang dahil sa inis na halatang pinipigilan niyang gumawa ng eskandalo.

"Hi-hindi—"

"Then what the hell are you doing here? Tingnan mo nga 'yang itsura mo, ang baho mong tingnan. Ang lakas ng loob mong pumunta rito na hindi man lang nakaayos. Pinapahiya mo ba talaga 'ko?"

"Hi-hindi, na-nag mamadali kasi ako kasi—"

"What!?" singhal niya sa akin na kinayuko ko. Alam ko na kahit na anong sabihin ko ay hindi naman siya maniniwala at hindi niya rin ako pakikinggan, kaya imbis na magsalita ay nanginginig ang kamay kong inabot na lang sa kaniya ang naiwan niyang folder.

Naramdaman ko na unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin at kahit hindi ko tingnan ay alam kong nakatingin siya sa hawak ko.

Napapitlag ako sa pag-aakala na hahablutin niya iyon sa akin, pero maingat niyang kinuha ang folder mula sa kamay ko.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon