Kabanata 33

73.7K 2.4K 902
                                    

TREVOR

"OH, MY DEAR Trevor, bakit naman hindi mo sinabi sa amin na asawa mo pala ang anak ni David Castellano."

Tuwang-tuwa akong nilapitan ni Señor habang sobra akong lango sa alak. Gusto kong kalimutan ang lahat ng sakit, lahat ng mga sinabi ni Lei at hindi ko mapaniwaalan o matanggap man lang na wala na akong ibang maisip kundi siya, siya at siya lang.

At ito . . . hindi ko akalain na darating si Señor. Malamang ay nabalitaan niya ang tungkol sa anak ni Mr. Castellano kaya animo'y kung sinong mabait na tupa ngayon kung kausapin ako, kahit na ang totoo ay mula pa naman noon ay sadya nang mainit ang dugo niya sa akin at hindi ako magtataka sa kung bakit, dahil sarili ko ngang ama ay hindi ako naitrato nang maayos.

"Kumusta? Napapirma mo na ba si Mr. Castellano?" tanong niya na puno ng pag-asa na nagawa kong papirmahindi si Mr. Castellano ng kontrata na siya mismo ang gumawa. Likas na gahaman sa kayamanan at pera ang angkan ng Del Valle kaya pinipilit niya na maitaas ang mga Del Valle. Lahat ng mayayamang pamilya ay dapat nakapaloob lamang sa mga kalalakihan ng Del Valle at mananatili sa kamay ang mga negosyo nito na pag mamay-ari na rin ng mga napangasawa nila, gusto at nais ng mga Del Valle na sila ang maging pinakamakapangyarihan sa lahat. At sino man ang sumuway sa angkan ay maaring patawan ng kamatayan, kung sino rin ang mapatunayan na hindi kabilang sa angkan ay maari din nilang patayin ayon sa sarili nilang batas.

"Pirma?" Parang baliw akong tumawa habang itinuturo ang isang envelope. Nagningning naman ang mga mata ni Señor nang kuhanin iyon, buo ang kumpiyansa sa sarili na sa wakas ay mapapasailalim na rin niya ang Castellano, pero laking gulat niya nang makitang malinis pa rin ang papel.

"Trevor!" Dumagundong sa buong bahay ang galit niyang boses at hindi napigilan na tadyakan ako. Nahulog ako mula sa kinauupuan ko sa sobrang kalasingan, pero hindi ko ramdam ang sakit ng pagbagsak at nagawa ko pang tumawa nang puno ng pang-uuyam.

"Anong kapalpakan ang ginagawa mo!"

"Ayoko na! Ayoko nang maging sunod-sunuran sa inyo! Pagod na ako maging isang Del Valle!" sigaw ko na lalong kinatalim ng tingin ni Señor. Hindi niya rin napigilan na tadyakan ulit ako sa mukha.

"Pagod ka nang maging Del Valle? Bakit, akala mo ba may napatunayan ka na? Wala ka pa ring silbi!"

Halos isuka ko na ang alak nang muli niya kong tadyakan sa sikmura. Alam ko ng ganito ang aabutin ko, parusa mula sa mga kamay niya, pero sinadya kong huwag papirmahan iyon kay Mr. Castellano para patunayan na totoo ang hangarin ko sa anak niya. Na pagkatapos kong ipagtapat ang lahat ng kasalaan ko, ako rin mismo ang humingi pa ng isang pagkakataon para pagbigyan niya akong maitama ko ang lahat at kasama na roon na hindi siya magamit na isang kasangkapan ng mga Del Valle.

Na lahat ng sinasabi at ginagawa ko ay tapat at totoo kahit pa ang kabayaran ng pagsuway ko sa kagustuhan ni Señor ay alam kong pwede kong ikapahamak.

Naramdaman kong hinawakan ni Señor nang mahigpit ang panga ko, matalim ang tingin niya sa mga mata ko, at tanggap ko na noon pa man, iba na ang trato sa akin ng lahat.

"Hintayin mo lang, Trevor. Kapag napatunayan ko ang matagal ko nang hinala sa inyo ng magaling mong ina, pagsisisihan ninyong niloko n'yo ang mga Del Valle."

"Tss! Papatayin mo na ba ako?" matapang at mapanghamon kong tanong sa kaniya at napangisi ako.

"Oo, ikaw at ang buo mong pamilya. Huwag mong kalimutan na walang puwang ang traydor at sampid sa pamilyang ito!"

Marahas akong binitiwan ni Señor at iniwan. Napangiti ako nang mapait at alam ko sa sarili kung bakit kahit kailan ay hindi ko magawa ang mga gusto ng pamilya nila, alam ko noon pa man, na hindi ako isang totoong Del Valle at sa oras na lumabas ang totoo, kamatayan ang naghihintay sa akin-sa buong pamilya ko bilang parusa sa isang malaking kahihiyan sa angkan at lahi ng mga Del Valle.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon