Kabanata 10

89K 2.5K 486
                                    

LEI

"MAMA!" NAPANGITI AKONG tumayo nang matanawan ko na sila Evo. Tuwang-tuwa siyang nagtatakbo patungo sa direksyon ko.

"Mama, look. Tito Jay taught me how to start the helicopter and I did it! Soon po magiging captain na talaga ako!" masiglang-masigla nitong kwento habang pinapakita sa akin ang mga pictures niya.

"Wow, ang galing naman ni Captain Evo!"

"Siyempre magaling ang coach, 'di ba, par?" nakangiting sabi ni Jay sa anak ko na ikinangiti ko, pero ikina-ismid naman ni Trevor.

"Tss! Hanggang start lang naman ang kaya mong gawin. 'Yong piloto pa rin ang nagpalipad." Napangiti na lang ako sa klase ng pag-uusap ng magkaibigan. Sa loob ng ilang taon na pagsasama namin ni Trevor, unti-unti ko siyang nakikilala at likas talaga sa kaniya ang pagiging masungit sa kahit na kanino at competitive din siya. Ayaw niyang nalalamangan o napapantayan man lang ng kahit sino.

"Panira ka talagang gago ka!"

Hinila ko sa tabi ko si Evo at tinakpan ang tainga nito nang magbatuhan na sila ng birong mga mura. Okay, biro lang sa kanila iyon pero sa mga katulad ko, naiilang ako at ayokong marinig iyon ni Evo.

"Jay." Natigilan ang dalawa at pare-parehas kaming napalingon sa pinagmulan ng boses. Bumilis ang kabog ng puso ko nang makita ko ang mala-anghel na mukha ni Cassie. Ang sopistikada ng dating niya, ang sexy niya rin sa suot niyang damit at lalong lumutang ang ganda niya dahil sa makeup. Hindi ko tuloy napigilan na mapatingin sa paa ko na kung saan para lang akong naligaw na katulong ni Evo at nakasuot ng isang rubber shoes.

Nahiya ang itsura ko sa kaniya. Walang-wala akong laban kung pagandahan at pa-sexy-han lang din ang usapan.

"Cassie." Bakas ang tuwa sa boses ni Trevor nang makita niya si Cassie, bagay na lalong nakapanliit sa pagkatao ko.

"Ahem . . .Ah, Ano palang ginagawa mo rito, Cass?" Napatingin sa 'kin si Jay kaya pakiwaring naubo pa ito, halatang pinputol niya lang ang mga tingin ni Trevor kay Cassie.

"I set an appointment with you. Nakalimutan mo na ba?"

"Ah, oo nga pala. Pasensya na, sinamahan ko lang itong si Evo," sagot ni Jay kay Cassie na hindi napigilang lingunin ang anak ko. Mahigpit tuloy akong napahawak sa balikat ni Evo at hinila ito palapit sa akin. Napangiti nang mapait si Cassie bago niya ibinaling ang atensyon kay Jay.

"It's okay. May mga bagay talaga na kahit ikaw ang nauna, hindi ikaw ang priority." Makahulugang sabi nito na nagpasikip ng dibdib ko. Mabilis na lang na lumapit si Jay kay Cassie at alanganing ngumiti.

"Let's go inside, para makapag-usap na tayo," aya ni Jay na halatang pinipigilan lang ang tensyon na pwedeng mamuo. Mukhang kailangan ko nang tanggapin na kahit anong gawin kong iwas ay darating pa rin ang mga araw na maghaharap kami at dapat maging handa na ako sa mga pwedeng mangyari.

"Oh, by the way, Trevor. You want to close the deal, right? Why don't you join us and let's talk about business? Iyon ay kung okay lang sa asawa mo."

"Ca-Cassie . . ." hindi makapaniwalang sabi ni Jay na napalingon sa akin at kahit ako, hindi ko akalain na sasabihin niya iyon.

May halong paghahamon ang tono ni Cassandra gayon din ang mga tingin niya na seryosong nakatuon sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang lingunin si Trevor na nakangiti lang kay Cassie, isang matamis na ngiti na kay Cassie niya lang nagagawa.

"What do you think, Lei?" mapanuyang ulit niyang tanong sa 'kin na kinahigit ko ng hangin at kinakuyumos ng kamao. Hindi ko alam kung anong gusto niyang palabasin o sabihin, pero kapag pumayag ako, parang pinayagan ko na lang din na matahin niya ako.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon