LEI
"DOES THE OFFER is still available?" Natigilan sa pag-inom ng kape si Kiko at mabilis na napalingon sa akin na puno ng pagtataka.
"Offer? 'Yong sa album ba?" tanong ni Kiko na agad kong ikinatango. Sinadya kong puntahan siya sa condo niya para lang itanong kung bakante pa ang inaalok niya sa aking offer. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at parang gusto kong makuha 'yong chance na i-direk ang album o mas magandang sabihin na gusto kong makapunta sa homecoming. Iniangat ko ang baso ng kape ko para sana humigop nang matigilan ang kamay ko sa ere sa naging sagot ni Kiko.
"Ah, si Cassie. Umuwi kasi siya last week kaya sa kaniya ko na lang inalok 'yong offer."
As I heard her name, the time stopped for a moment and brings me back to the times where we used to laugh together. But now, thinking how she stares at me as I met her eyes that day, it's full of hatred.
Ang tagal niya rin nawala at ngayong nagbalik na siya, hindi
na dapat ako mabigla sa mga pagbabago na mangyayari. The moment I heard about the reunion, alam kong uuwi siya ng bansa at inihanda ko na ang sarili ko na muling magtatagpo ang landas namin ni Cassie, pero bakit gano'n?
Marinig ko pa lang ang pangalan niya, sobra na akong nanghihina, nawawalan ng pag-asa at hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi ako makahinga sa sobrang sikip ng dibdib ko at balot na balot ako ng takot na baka isang araw paggising ko, wala ng ama ang anak ko.
"Lei, okay ka lang?"
"Huh? Ah, oo, okay lang ako. Buti pumayag si—si CaCassie." Hirap na hirap akong banggitin ang pangalan niya na pakiramdam ko wala akong karapatan na sambitin iyon.
Kung nandito lang siya at maririnig na tinawag ko siya sa pangalan niya, sigurado na may sumbat akong maririnig mula sa kanya. Noong makita niya nga lang ako sa mall ay bakas na sa mukha niya na nasira ko na agad ang buong araw niya, damangdama ko na kung may tao siyang ayaw makita sa pag-uwi niya sa Pilipinas, ako iyon at wala ng iba pa.
"Yeah. Actually, it was Trevor's idea. Siya ang nagbalita sa akin na umuwi na si Cassie mula sa L.A. Sabi pa nga ni Trevor ay nakapag-bonding na kayong tatlo. And so, I visit her and asked if she's free, then she instantly agreed. Medyo mailap lang talaga sa 'kin si Cassie kasi binusted ko noon," biro ni Kiko na siyang totoo na hindi sila ganoon kalapit ni Cassie. Madalas kasi na hindi mapirmi sa iisang lugar si Kiko at madalas na nagtatago para takasan ang mga responsibilidad niya at kahit sariling girlfriend ay tinataguan niya. Para siyang kabute na bigla na lang sumusulpot at nawawala nang walang pasabi.
"Kakatapos lang kasi ng contract niya sa isang modelling agency sa L.A. Ibang klase na talaga 'yong best friend mo, mukha niya na lang ang nakikita ko sa lahat ng billboards natin dito sa Pilipinas and take note, kahit noong nasa Paris ako ang dami niya ring mga poster at bulletin even sa commercial hinakot na ni Cassie."
Hindi ko napigilan ang masamid nang banggitin ni Kiko ang salitang best friend at ang mga achievements nito sa buhay. Kung alam lang siguro ni Kiko ang nangyari noon, malamang hindi siya maglalakas-loob na sabihin iyon o baka hindi ko na siya nakakausap sa mga oras na ito. Hindi man sila malapit ni Cassie pero alam kong hindi niya magugustuhan ang nagawa ko.
Mag-best friend kami ni Cassie, hindi lang basta best friend, magkababata kaming dalawa, sabay kaming lumaki at naging kasangga ang isa't isa sa lahat ng bagay, pero umalis siya noong maka-graduate kami ng highschool at naisipan niyang lumuwas ng Maynila para mag-aral. Hindi naman naputol ang communication namin, pero may time lang na hindi kami nagkakausap nang dahil sa hindi nagtatagpo ang oras naming dalawa.
Siya ang kababata ko, ang matalik kong kaibigan, ang tagapagtanggol ko sa lahat ng oras, pero ngayon kahit anino ko yata ay kinasusuklaman na niya. But it's okay, masaya ako na naabot na niya ang pangarap niya na maging isang sikat na modelo at nagagawa pa niya ang hobby naming dalawa na magdirek.
BINABASA MO ANG
His Bad Ways
General FictionLife has its own way to show what life means to us. We see and appreciate things in good ways, but we learned and reflect most of the time because of its bad ways. *** One night, one mistake imprisoned Lei and Trevor into an unwanted marriage. They...