You may listen to:
Won't go home without you
LEI
"GOOD MORNING, MA'AM. Saan po tayo ngayon?" masiglang bati ni Trevor. Gulat naman akong napatitig sa kaniya nang makita siyang pinupunasan ang sasakyan ko. Matamis ang ngiti sa labi niya at parang walang nangyari. Akala ko pagkatapos niyang iabot ang annulment paper namin ay hindi na siya magpapakita pa sa akin.
"I-ikaw na naman?" nauutal kong tanong na ikinalapad naman ng ngiti niya.
"Sinabi ko naman sa 'yo, walang makakapigil sa akin at hindi porket ibinigay ko ang hatol sa kamay mo, susuko na ako." Sabay kindat pa niya na ikinagulat ko na naman.
Naramdaman ko na bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko napigilan na tumalikod para huminga. Pasimple ko pang hinawakan ang magkabila kong pisngi nang maramdaman na nag-init iyon.
"Huwag ka nang tumakas. Kahit anong gawin mo, babantayan pa rin kita."
Napapikit ako nang mariin at pinilit na kalmahin ang sarili ko, pero mukhang matatagalan pa iyon kaya para akong penguin na naglakad pabalik sa loob.
Mabilis ko rin na sinarado ang pinto bago dumungaw sa bintana. Kita ko pa kung paano siya napakamot sa batok niya habang humahaba ang mapula niyang nguso. Wala sa sarili kong nakagat ang ibabang labi ko at infairness ah, bakit kahit pang driver ang uniform niya. Ang gwapo pa rin ni Trevor?
Sinabi ko ba talagang gwapo siya? Napailing ako sa naisip at sinampal-sampal ang magkabila kong pisngi.
"Calleigh . . ."
"Ay gwapo!"
Bigla akong napatayo nang maayos at napatakip sa bibig ko nang marinig kong tawagin ako ni Dad. Bigla itong napangiti at lumapit sa akin.
"Sinong gwapo?"
"P-po? A-ah . . . wala po," Pagsisinungaling ko, pero huli na ang lahat at nakasilip na ito sa bintana.
"Ah, siya pala. Sabagay, gwapo nga." Nakagat ko nang mariin ang ibabang labi ko nang nakakaloko niya akong tiningnan.
Nahiya tuloy ako at hindi makatingin nang diretso. Bigla-bigla na lang kasi siyang sumusulpot. Iniisip ko pa lang kung malinaw pa ba talaga ang mata ko at nagawa kong sabihing gwapo si Trevor.
"Sayang ang gwapong 'yon, driver lang ng maganda," mapang-asar na sabi nito at mabilis na umawang ang bibig ko para sana sabihin na asawa ko iyon, pero natigilan ako nang maisip na ako mismo ang nagsasabi na wala kaming relasyon.
"Oh paano, mauuna na ako sa 'yo. Pahatid ka na lang kay gwapo."
Hinalikan ako nito sa pisngi bago siya lumabas, sinundan ko pa ito ng tingin at pansin ko kung paano siya kumaway kay Trevor at matamis ang ngiti nila sa isa't isa.
"Gwapo, ihatid mo ang prinsesa ko nang ligtas," sabi niya at nanlaki ang mata ko. Napansin kong lumingon sila sa direksyon ko kaya agad akong nagtago sa likod ng pinto.
Hala siya! Ba't gano'n si Dad? Nanlalaglag? Kanino ba talaga siya kampi? Sa akin o kay Trevor? Alam niya bang asawa ko ang lalaking iyon? Geez! Kalma lang, Lei.
Napapikit ako at huminga nang malalim.
Harapin mo nang maayos ang lahat. Nakapagdesisyon ka na, 'di ba? Pwes, manindigan ka.
Napamulat ako at halos mapatalon sa gulat nang bumungad sa akin ang matamis na ngiti ni Trevor.
"A-anong ginagawa mo rito? Hanggang sa labas ka lang."

BINABASA MO ANG
His Bad Ways
Narrativa generaleLife has its own way to show what life means to us. We see and appreciate things in good ways, but we learned and reflect most of the time because of its bad ways. *** One night, one mistake imprisoned Lei and Trevor into an unwanted marriage. They...