Kabanata 24

89.2K 2.6K 1.1K
                                        

LEI

MAAGA AKONG NAGISING dahil sa tawag ni Anna, may sasabihin daw siya sa akin pero gusto niya ay sa personal kaya ito ako ngayon, nagmamadaling bumangon para mag-ayos nang mapansin ko pa iyong tsinelas sa lapag.

Tsinelas ang laman ng paper bag na dala ni Trevor sa premiere night. Pagkatapos niyang sabihin na that I'm still his wife ay bigla na lang siyang umalis kaya kinuha ko iyon.

Sinuot at ginamit ko pa nga ang tsinelas na 'yon hanggang sa makauwi ako dahil sa masakit na talaga ang paa ko sa heels. Doon din ako dumaan sa itinuro niyang exit. Noong una nagdadalawang-isip pa ako na baka may iba siyang pinaplano and luckily, wala. I got home safely.

Hindi ko talaga maisip kung bakit nandoon siya, pero mas hindi ko lubusang maisip kung anong gusto niyang mangyari sa sinabi niya. Naguguluhan ako at hindi maipaliwanag na tila ba may nabasag na isang parte sa puso ko mula sa pagkakayelo nito.

Nakakainis! Hindi ako dapat magpadala sa kung ano man ang sasabihin o gagawin niya. Masyadong magaling magpaikot si Trevor, na baka nagpapanggap lang siya. Tama, hindi na ako dapat pang magpauto sa kaniya.

Inalis ko na lang ulit sa isip ko ito at dumiretso na ako sa studio. Saktong pagdating ko roon ay sinasalubong ako ni Anna ng matinis nitong boses.

"Breeeeee! OMG! You have a new project, actually madaming nagpunta kanina kaya ayon, busy si papi sa pag-aayos ng mga kontrata and gosh! May mga bigating sponsor. OMG! This is your time to shine!"

Niyugyog pa niya ang balikat ko at halatang tuwang-tuwa sa nangyayari. Masaya ako dahil nararamdaman ko na ito na iyon eh . . . Ito na 'yong simula ng lahat, na magtatagumpay na ako, pero hindi ko alam kung bakit hindi buo ang saya sa puso ko.

I'm still loaded of my own what ifs. Na minsan naiisip ko kung hindi ko ba sinuway si Trevor sa pagpunta sa studio, hindi niya itatago si Evo at hindi mangyayari ang aksidente.

Paulit-ulit pa rin akong minumulto ng nangyari at hanggang ngayon ay ang sakit pa rin. Sobrang sakit pa rin at hindi ko pa rin matanggap na wala na siya.

"OMG! Foooooodddds!" Pasimple kong pinahid ang mga luha ko nang sumigaw si Anna, kasalukuyan kaming naka-break ngayon at bigla na lang dumating ang isang katutak na pagkain. Nagtataka ako kung saan galing iyon dahil talagang naka-buffet style pa iyon kahit na nasa labas kami nag-shoo-shooting.

"Hoy Coreen, sino na namang kabit mong politician ang nagpadala nito?" pang-aasar ni Anna kay Coreen na siyang leading lady namin sa isang romantic-action movie. Maganda siya, kaya malamang talaga marami siyang manliligaw. Baka doon nga galing ang mga pagkain na dinumog na nila at hindi man lang naisip na baka may lason iyon o kung ano.

Masyado bang OA? Nakasanayan ko kasing huwag magtiwala agad dahil sa bilin ni Trevor sa akin, na huwag akong basta magtiwala sa mga bagay-bagay o kahit kanino para hindi raw ako nabibiktima ng mga katulad niya.

Naiiling akong ibinalik sa script ang isip ko. Hindi ko dapat siya iniisip ngayon. Hindi na siya parte ng buhay ko, dapat lang na kalimutan ko na siya.

"Emegerd!"

Nagulat ako nang bigla na lang tumili ulit si Anna at nagsigawan na rin ang mga kasama namin kaya nagtataka akong napatayo at pumunta sa kanila para tingnan kung anong nangyari.

"Ano bang pr-"

Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla na lang umulan ng mga red petals. Napatingin ako sa itaas at nakita ko ang isang helicopter. Anong kalokohan ito? Halatang tuwang-tuwa 'yong mga kasama ko sa nangyayari.

"Haba ng hair mo, 'teh!" sabi ni Anna kay Coreen at hindi niya pa napigilan na hampasin ito.

Akala ko tuloy kung ano nang nangyari. Mga kinikilig lang pala sila. Hindi ko na kinontra at napapa-sana all na lang ako. Babalik na lang ako sa trabaho ko kaysa makigulo sa kanila, pero hindi pa ako nakakahakbang nang muling lumakas ang tilian sa parating na lalaki habang bitbit niya ang isang malaking bouquet ng pulang rosas.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon