Kabanata 23

88.5K 2.9K 551
                                    

LEI

I ADMIRED MYSELF while staring at the big mirror. It wasn't the Lei they used to know for years, she looked fierce and brave with a little amount of powder and a dark shadow on her eyes but what makes her powerful is the dark red lipstick that perfectly fit in her lips.

Maganda rin ang pagkakayakap ng itim na dress sa baywang ko, mahaba ang laylayan nito sa likod pero maikli iyon sa harapan kaya nakikita ang mahaba kong mga binti, nakalabas din ang maputi kong mga balikat at malalim ang hukay sa dibdiban kung saan ay tanaw na ang cleavage ko, pero hindi bastusin ang dating nito.

Mas nagmukha pa akong elegante dahil sa ginawa ni Anna. Ang buhok ko ay naka-messy bun at nakalaglag ang ilang hibla na bahagya niya pang kinulot. Nilagyan niya rin ako ng manipis na bangs na pakiramdam ko ay higit na bumagay sa akin.

Napapangiti akong pinagmasdan ang sarili at hindi ko napigilang hawakan ang suot kong kwintas. Iniisip ko tuloy kung sino kaya ang mas kamukha ko sa mga magulang ko? Ang tatay ko kaya o ang nanay ko? I was just amazed how the weak Lei transform into a fierce one.

"You're perfectly beautiful." Nagtama ang mga mata namin ni Trey sa salamin at matamis ko siyang nilingon nang lumapit siya sa akin.

"Ikaw ah, napapadalas ang pambobola mo," biro ko kay Trey but deep inside masaya ako sa tuwing sinasabi niyang maganda ako.

Pakiramdam ko kasi totoo iyon at mas nararamdaman ko na unti-unti ko nang nabubuo ang tiwala at kumpiyansa sa sarili, that I have this courage to face everyone and tell them that I'm confidently beautiful pero siyempre, hindi ko iyon gagawin. Masaya na ako na nagagawa ko nang hangaan ang sarili ko.

"Hindi kita binobola, nagsasabi lang ako ng totoo."

Naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi at ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Iba talaga ang epekto sa akin ng mga tingin ni Trey na para bang gusto kong tumalon sa tuwa. Siya lang kasi ang tao na kayang iparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga at espesyal, 'yong tao na nagsasabi na maganda ako sa kahit na anong anggulo, 'yong mga bagay na hinihintay kong sabihin at gawin ni Trevor, si Trey ang nagpaparamdam sa akin no'n.

Biglang nagbago ang timpla ng pakiramdam ko nang muling sumagi sa isip ko ang walang kwentang lalaking iyon. Hindi ko dapat siya iniisip, ayokong masira ang gabi ko, pero sa kahit na anong bagay, hindi pwedeng hindi ko maalala si Trevor, na sa bawat kilos ko at takbo ng oras, mga alala ng limang taong pinagsamahan namin ang gumugulo sa 'kin, hindi ko maipaliwanag pero mas lamang ang galit na nararamdaman ko ngayon para sa kaniya.

"May gusto sana akong ibigay sa 'yo."

Sinundan ko ng tingin ang kamay niya at may isang maliit na kahon siyang kinuha mula sa bulsa niya. Binuksan niya iyon at mabilis na kuminang ang mata ko at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya.

"T-Trey . . ."

"This is for you, Lei. Sabi sa akin ng isang espesyal na babae, kapag itong crescent ang ibinigay ko, mararamdaman niya ang halaga niya bilang isang babae and I want you to know that I appreciate you as a woman, you are special, you are worth of everything, happiness and love."

"T-Trey . . ." Hindi ko mapigilang manginig ang kamay ko sa sobrang tuwa nang dahil sa mga sinasabi niya sa akin. I never feel this way, I mean, I didn't expect that he saw my worth, that he appreciates my existence in this world.

Being an orphan, I want to feel the way of being loved and being special to someone, kaya nga sinabi ko noon na gusto ko na kapag nagkapamilya ako ay ibibigay ko ang lahat ng meron ako para hindi ito matulad sa akin, hindi lang kay Evo kundi pati kay Trevor, I waste my five years of life serving him in the toughest and hardest time but I still failed for building my home . . . and there he was, he wasn't my family yet he made me feel loved and worthy.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon