Kabanata 15

1.4K 29 5
                                    


Kabanata 15 : Notes

That night I cried hard at masasabi kong magaan sa pakiramdam na may kasama ka sa bawat pinagdadaanan mo.


Ryland is an understanding person. Hindi siya nagsalita at hinayaan akong ibuhos lahat ng nararamdaman ko sa pamamagitan ni pag-iyak.


Hindi ko nga lang namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod. I woke up with a letter on the side table.

Delle,
I just have errands to do. I'll be back tomorrow. Take care while I'm away, love.

See you,
Ryle

Maganda ang sulat kamay niya, hindi ko namalayan ang pagtaas ng sulok ng aking labi. Para akong highschool na kinikilig dahil sa simpleng pag-iwan niya ng sulat sa akin.



Nabalik ang diwa ko ng bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Izla. Nakita niya ang hawak kong papel at napangisi siya.



"What's that? Feeling fine now?" Sinilip niya ang hawak kong sulat pero agad ko itong tinago.



"Hmm, mukhang may pa-love letter si Sergeant." Tinutudyong sabi niya habang sinusundot ang aking tagiliran. Inis ko lamang na hinuli ang daliri niya at nilayo.



"Si ate, kinikilig." Tumili pa siya kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.


"Bat naman ako kikiligin, tss. Sulat lang naman to." I hissed at her but she just gave me a playful look.



"Sulat ng pagmamahal." She hummed that for several times. Nilapag niya sa harapan ko ang tupperware na naglalaman ng agahan na mumhang niluto ni Manang. She handed me the spoon and I accepted it and took a bite on the bacon.



"Kuya Third is so busy. Sobrang busy din ng media! Publications and such, na-stress na ako." She hysterically said at sumandal sa upuan habang hawak ang cellphone at nagtitipa.



"Ako nga din busy. Busy sa pag-re-read ng forms." Umiling ako at napairap. She giggled at my reaction.



"That's enough action for you, 1SG. Quizon at baka mapano ka sa pagiging ma-aksyon mo. You're too young ate, I don't want you to leave soon." She said and pinch my cheeks a bit. She pouted and I reached her hair to combed it a bit.



"Opo, tama ng aksiyon iyon. I would rather stay at the office and read cases rather stay here in the hospital and sleep all day long." She gave me one bright smile and hugged me.


"Si kuya ewan ko kung ano na ang ginagawa but he said he would visit here today at sabi ni ate Ailee pwede ka na din daw siguro ma-discharge bukas o sa makalawa." I nodded and continued on eating. Nagpatuloy lamang siya sa pagsasalita.


"I heard that they're forming a task force surveillance team and assigned them in Zamboanga. Ang alam ko ay may lead sila sa mga rebel—" she stopped like she said something bad. Kunot noo akong bumaling sa kaniya at mataman siyang tinitigan.


Did I hear it right? Rebelde?


"Izla sabihin mo sa akin, is it the rebels who killed our parents?" Namuo ang luha sa aking mata dahil sa frustration. Kaya ako pumasok dito ay para matulungan ko si Kuya sa pagkamit ng hustisya para sa aming magulang.



"I d-don't know. I'm not sure, maraming rebel groups dito sa pilipinas. Hindi lang sila." Sa bagay, hindi lang sila ang rebeldeng grupo dito sa pilipinas. But I really hope that while I am in service I could get the justice for my parents and for those who are killed in the ambush.


Signs of Destiny (Justice Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon