Kabanata 32

890 23 16
                                    


Kabanata 32 : Years

Mabilis na lumipas ang mga araw. Dalawang taon na simula nang maakusahan kami ni kuya Third sa isang bagay na hindi namin ginawa.


I was so lost back then, hindi ko alam kung paano makakausad. But I said to myself that I should be strong and stand again.


After Ryland and I broke up, I stayed in Bataan for the whole week tsaka ako dumiretso ng Pangasinan. I visited and tried to arrange some files so I can transfer here in Pangasinan. I personally requested it and they've granted it.


Pinili kong mag stay sa Pangasinan para makapagsimulang muli. Pero hindi pa ako nagdadalawang buwan sa Pangasinan ay nabalita ang pagkakaaresto ni MSG. Gueco at ni CPT. Federro, ang unit commander na nagpasa kay Ryland ng pagiging bagong Commander.


Ang paghila ng iba pababa para makaangat ka ay hindi maganda. Naghirap sila para makamit ang gusto nila tapos ikaw naman ay hihilain siya pababa para lang maging madali ang iyong pagtaas. It will do no good, it will make you look greedy for something you don't deserve.


They all planned it out kasama na din si MAJ. Servano, ang pinsan ni MSG. Gueco na may galit din pala kay Kuya.


Dumaan muna sila sa Court Martial at napatunuyan nga ang kanilang pagkakasala. Natanggalan sila ng ranggo at nakulong.


I just took a one day visit in Manila para makausap ng personal si kuya at sila Izla tsaka ako bumalik muli sa Pangasinan.


I enjoyed being in Pangasinan, nakakadagdag pa ang magagandang beaches na meron doon. May ilan akong naging kaibigan at kapag walang duty ay pumupunta kami sa mga isla.


I stayed there for almost a year before I was called to return to the Special Forces Unit with CPT. Policarpio as our commanding officer.


Naging abala ko sa pagtetrain ng mga papasok sa AFP. I also got a promotion and became a Captain.


I worked and strive hard to reach what I am today. Alam kong ang sugat na aking natamo noon ay hindi pa tuluyang naghihilom at alam kong mag-iiwan ito ng marka na hindi na mabubura pa.


Wala na akong naririnig na masiyadong balita tungkol sa kaniya. I heard that he returned from Korea when I was in Pangasinan. Nadestino rin siya sa Davao nang makabalik siya rito sa Pilipinas.


Kababalik ko lamang noon sa Manila nang makarinig kami ng balita na may nangyaring engkwentro sa Davao. Maraming namatay at sugatan. Natakot ako noon at iniwasan ang balitang iyon. I didn't want to know the names of the fallen soldiers. Dahil alam kong hindi ko kakayanin na mabasa ang kaniyang pangalan sa listahan kahit pa nasaktan ako sa nangyari sa amin.


But I said should stop thinking about him in order to move on. So I did my best to avoid anything about him. Dahil kada maririnig ko ang kung ano man tungkol sa kaniya ay naibabalik lahat sa aking isipan at masasaktan akong muli.


Tinanggap ko ang ilang mga misyon sa mga probinsya at kung saan-saan pa. I did my best to serve our country.


"MAJ. Quizon!" Napabalik ako sa reyalidad nang may tumawag sa akin. It was 1LT. Alonzo, sumaludo siya sa akin nang siya ay makalapit. He was my closest comrade here in the AFP headquarters. Hinanap niya ako noong nagpatransfer ako sa Pangasinan. He visited me twice or thrice a month.


"What is it, Kayth?" I chuckled while he sat in front of me. He is wearing a black fitted shirt and his bottom uniform samantalang ako naman ay nakasuot ng buong uniform. Itinupi ko lamang ang manggas nito hanggang sa aking siko.


Signs of Destiny (Justice Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon