Kabanata 40 : Heaven"Bitawan niyo 'ko!" naghihisterya kong sabi. Marahas nila akong itinulak papasok sa kubo kung saan naroon si alias buwaya, nakaupo sa sa kama.
"Huwag ka ng magpumiglas pa." Tumayo siya at hinawakan ako sa aking palapulsuhan. Marahas ko siyang tinuhod kung kaya't nabitawan niya ako.
"Walang hiya ka!" singhal ko sa kaniya at malakas na dumapo ang kaniyang palad sa aking pisngi. Naglakad siya patungo sa pinto at padarag na binuksan ito bago nagtawag ng kasama niya para ilabas ako sa kubo.
Itinali nila akong muli sa puno. Tila masusugat ang aking balat dahil sa higpit ng pagkakatali. Napadako ang tingin ko kay Ryland na walang malay at nakatali rin sa puno. Tahimik akong napahikbi.
Hinihiling ko na lamang na dumating ang mga kasamahan naming sundalo para iligtas kami. Ipinikit ko ang aking mata at tahimik na nagdasal.
Hapon nang magising ako at kumakalam na ang aking sikmura. Nakaramdam rin ako ng mahinang pagpatak ng ulan hanggang sa naging malalaki ang patak at lumakas ang pagbuhos ng ulan.
"Rydelle," agad akong lumingon kay Ryland na nakatingin sa akin at ipinapahiwatig na gusto na niya akong lapitan. Malungkot lamang akong ngumiti sa kaniya para sabihing ayos lang ako.
Medyo umiikot ang paningin ko at naduduwal rin ako. Nanunuot sa aking balat ang lamig ng tubig ulan. Mukhang nasa loob ng mga kubo ang mga rebelde. Ang ilan naman sa aming mga kasamahan namin ay naroroon pa rin sa aming kulungan. Kaming dalawa lamang ni Ryland ang nasa labas at nakatali sa puno at nababasa ng ulan.
Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagpatak ng aking luha, 'di na alam ang gagawin.
Nakayuko na lamang ako at tahimik na umiiyak. Nakikita ko sa aking gilid ay ang pagtitig sa akin ni Ryland.
Napatingala ako nang wala na akong maramdaman pang ulan at nakita ang isang babaeng nakatayo sa aking tapat.
Dahan dahan niyang kinalas ang pagkakatali sa akin sa puno at inalalayan akong tumayo.
"'Wag kang mag-alala at isisilong lamang kita." Mahinhin niyang wika bago ako inalalaya patungo sa isang kulungan tulad sa aming mga kasamahan.
Nanginginig ang aking tuhod dahil na rin sa gutom at lamig kaya napakapit ako sa kaniya ng mahigpit.
"A-ayos ka lang?" Tanong niya at unti-unti akong nawalan ng malay.
I woke up feeling dizzy but a hand keep on caressing my hair. Unti-unti akong nagmulat at nakita si Ryland, nakahiga ako sa kaniyang kandungan at puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha.
"How are you?" Inalalayan niya ako sa pagbangon. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit na akala ko ay mawawala na siya sa akin.
I feel so emotional and I don't know why. All I want is for him to stay beside me.
"Sa ngayon ay sigurado akong hinahanap na nila tayo. Let's just hope that they'll be here soon to save us." He said assuringly and kissed my forehead. Inabot niya rin ang aking kamay at hinalikan ito bago ako isinandal sa kaniyang balikat.
Hindi kami pwedeng manlaban dito dahil napakarami nila at paniguradong papatayin nila agad kami ng walang pag-aalinlangan.
"Gising na pala siya," napaayos ako ng upo at nakita ko ang babaeng naglipat sa akin kagabi. May dala siyang tinapay at inabot naman ito ni Ryland.
BINABASA MO ANG
Signs of Destiny (Justice Series #1)
RomanceJustice Series #1. [UNDER MAJOR REVISION] Rydelle Jovanna Quizon, an officer of the Armed Forces of the Philippines, an honorable and sleek lady, she joins the force to get the justice for her parents that was ambushed by the rebels. Ryland Matteo C...