Kabanata 19 : InstinctHindi na umuwi si Ryland sa kaniyang condo kagabi dahil na din sa tight ng security at sa kasalukuyang pag-iimbestiga pa sa admin ng towers.
I let him sleep in one of my guestrooms. Kahit na inaasar niya ako kung pwedeng tabi na lang kaming matulog, I gave him a slight knock on his head after his crazy idea.
Kababangon ko lang para magluto ng agahan pero naabutan ko na siya doin na nagsa-sangag ng kanin at nakaluto na ng mga itlog, bacon at tuyo. Kasabay ng pagsulyap niya sa akin ay ang pagngiti niya.
"Good Morning, Sergeant." He said while washing his hands. He got some extra shirt on his car at sa tingin ko ay nakaligo na din siya. I can smell his manly scent mixed with the aroma of coffee.
Nahiya tuloy ako dahil hindi pa ako nakakaligo, naghilamos at nagtoothbrush lang ako dahil sa akalang tulog pa siya.
"Good Morning, Master." I chuckled and went to the sink to wash my hands. Niyakap niya ako mula sa aking likuran at ipinahinga ang ulo sa aking balikat. Tinulak ko siya ng bahagya.
"Ryle, hindi pa ako nakakaligo." I sneered dahil baka ang baho baho ko at sinisinghot niya ako.
"Hmm, you smell like a baby... my baby." Ginulo ko ang buhok niya na mas lalo lamang nagpatingkad ng kagwapuhan niya. I can't believe that he's my boyfriend.
Kinurot ko siya at inaya ng kumain. We laughed and teased each other while eating. Nagpresinta ako na ako na ang maghugas ng mga plato dahil siya naman ang nagluto at dahil na rin sa sugat niya sa kamay.
After that he bid goodbye and went home to do some tasks. I was left alone at my unit.
Paglilinis lang ang ginawa ko buong umaga. After I took a bath I went to the sala to watch some movies pero news ang bumungad kaya hindi ko muna ito inilipat.
Prosecutor Laurel was on the news again for investigating a murder together with Detective Arevalo. He explained that the culprit is still on the loose at naglabas na din ng official sketch ng suspect para mapadali ang paghahanap.
Nakakatakot kaya yung ganoon, after someone comitted a crime tapos biglang makakatakas hindi mo alam kung sino o pwedeng magkaroon ng bagong biktima.
After that interview, bumungad naman ang news report sa mga terorista sa Zamboanga. Nagkaroon ng matinding pagsabog sa central kaya may ilang namatay. I still got no idea kung sila nga ba rin ang may gawa sa ambush noon.
Dahil sa balita ay napa-research ulit ako tungkol sa mga terrorist na nagpasabog kamakailan lang sa Zamboanga. Many articles popped at my search.
Inisa-isa ko ang mga iyon pero they still had no identity said the military. I shut my laptop and breath heavily. Napamasahe na lang ako sa aking noo at pinilit matulog sa couch.
I was sleeping soundly when my phone suddenly rang. Muntik pa akong nahulog sa sofa, my back ache a little. Inabot ko ang cellphone ko sa may coffee table at tinignan kung sino ang tumatawag.
It was an unknown number, I hesitated to answer it at first pero sinagot ko din lang.
Someone on the other line is breathing heavily. Hindi ako nagsalita at hinintay kung magsasalita ba ang nasa kabilang linya.
"Sergeant Quizon." A girl's crying voice on the other line. Nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa hindi malamang dahilan.
"T-t-tulungan niyo po ako! T-this is Stephanie Andrade, I've b-been here in a-an abandoned building f-for months." She is stuttering in every word she says. Stephanie Andrade? This must be Mr. Andrade's daughter!
BINABASA MO ANG
Signs of Destiny (Justice Series #1)
RomanceJustice Series #1. [UNDER MAJOR REVISION] Rydelle Jovanna Quizon, an officer of the Armed Forces of the Philippines, an honorable and sleek lady, she joins the force to get the justice for her parents that was ambushed by the rebels. Ryland Matteo C...