Kabanata 33 : Sorrow"Put your gun down, let her go." Puno ng awtoridad ang kaniyang boses. Bakit sa ganitong sitwasiyon kami muling magkita?
Para kaming bumalik sa dati, andiyan siya para iligtas ako pero ang kaibahan lang ngayon ay hindi na kami tulad ng dati at alam kong hindi na pwede pang ibalik ang nakaraan. I tried to stiffle my smile that is full of bitterness.
"Ibaba mo iyang baril mo! Papatayin ko ito!" Napasinghal ang ilan sa kanila pero hindi siya natinag at nanatiling nakatayo habang nakatutok ang baril sa aming harapan.
He pursed his lips that made his jaw clenched. Damn it, Rydelle!
"Sabing ibaba mo!" Ulit ng lalaki at dahan dahang binaba ni Ryland ang kaniyang baril.
Naramdaman kong medyo naging maluwag ang pagkakahawak niya sa akin kaya ginamit ko ang pagkakataon na sikuhin siya sa kaniyang tagiliran para ako'y kaniyang mabitawan.
Tumama ang aking ulo sa kaniyang baba kaya napa-aray siya sa sakit. Napahawak ako sa ulo nang medyo mayanig ito.
Pero nakabawi agad siya at itinutok sa akin ang baril. Bago pa man niya makalabit ang gatilyo ng baril ay hinila na ako ni Ryland at inilagay sa kaniyang likod bago siya nagpaputok na ditetsong tumama sa braso ng lalaki.
His grip on my wrist was so tight. Ilang beses akong kumurap. Nagsilapitan na ang mga pulis at pinosasang muli ang suspect. An ambulance came too.
"Rydelle! Ayos ka lang ba?" Aya ran towards me together with Jac. Napatingin sila sa kamay ni Ryland na nakahawak sa aking palapulsuhan. Humarap siya sa amin at biglang binitawan ang hawak niya sa aking palapulsuhan. Nag-iwas siya ng tingin at humakbang.
Mabuti na lang at lumapit ang ilan sa mga kasamahan ko para tanungin ako. I answered them that I am alright. 'Di nakatakas sa akin ang pagsulyap niya sa akin. Umiwas ako ng tingin at kinausap naman si Commander.
In my peripheral vision, someone was watching over me. I turned my gaze and saw Ryland staring intently with his lips in a thin line.
What? Is he waiting for me to thank him? I sighed, I started walking towards him. May ilang mga sundalo ang yumuko nang lumapit ako at agad silang nagsialisan.
Ang ilan sa mga sundalo ay hinaharang na ang media na gustong makapanayam ang ilan sa amin tungkol sa mga nangyari.
"Thanks for saving me back there." Nagulat ako sa tono ng aking boses. Napakalamig na pati ako ay natigilan.
"Responsibilad ko iyon bilang sundalo. It's just a responsibility, 'wag mong bigyan ng kahulugan." His jaw move and he looked away. What? Iniisip ba niyang binibigyan ko ng kahulugan ang pagligtas niya sa akin? Damn, I'm just waiting for a great timing to get my gun from the hostage taker.
Responsibilidad? I tried to stop myself from scoffing. Ang responsable naman niya, sobra.
"I jus wanna say my thank you, Colonel Castañeda. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa iyo para lang alam mo." Alam kong medyo bastos ang tono ko pero hindi ko na talaga mapigilan pa. At tignan mo nga naman, he's now a Colonel! Time flies so fast but it looks like he never changed.
BINABASA MO ANG
Signs of Destiny (Justice Series #1)
RomanceJustice Series #1. [UNDER MAJOR REVISION] Rydelle Jovanna Quizon, an officer of the Armed Forces of the Philippines, an honorable and sleek lady, she joins the force to get the justice for her parents that was ambushed by the rebels. Ryland Matteo C...